Chapter 05

2139 Words
I can’t help but endure this freaking and awkward atmosphere. ‘Yong pakiramdam na wala akong ibang choice kundi tiisin ang takot at kaba. Walang pasabi si Ada kaya paano ako hindi mapapraning nang ganito? Sa takot ko lang sa kuya niya, hinding hindi ako makapagsasalita nang maayos. Ni igalaw man itong daliri ko ay parang hindi ko na magawa. Para akong tuod na tinanggalan ng anumang kakayahan upang kumilos. I hate this! Tahimik lang ang byahe ngunit pinakikiramdaman ko sila sa backseat. Nandito naman kasi ako sa passenger’s at katabi itong driver. Paminsan-minsan ay lumilingon ako sa door glass ngunit hindi rin magtatagal. Ang madalas kong ginagawa tuwing nasa byahe ay hindi ko na magawa dahil nagmistula akong pusa na pinagalitan ng amo. Naniniwala naman ako kay Ada. Naniniwala naman ako na mabait nga ‘yong kuya niya. Pero sa sitwasyon namin noong nagkita kami noong mismong araw ng debut ko? At sa sitwasyon namin matapos niyang mabasa ang chat ko sana kay Ada noon? Magiging mabait pa kaya siya sa akin ngayon? Nakatitig lang ako sa harapan ngunit ang isip ko ay nanatili pa ring lumilipad sa kung ano ang namataan ko kanina. His emotionless eyes that darted me seemed like a bullet to its target. Naroon ang paninitig kanina sa akin at may bahid iyon ng inis, dahilan kung bakit hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko nang naiinis siya sa akin. Ganoon ba talaga ang galit niya kung sakali mang galit nga siya sa akin? I mean, oo, hindi ko nagawang pigilan sila Dok at Ada sa mismng araw na iyon. Pero grabe naman ‘di ba? Besides, nakauwi naman sila nang ligtas. Ano pang dahilan kung makitungo siya sa akin nang ganoon? I am not over reacting nor assuming exaggeratedly. Ngunit malalaman ko na agad sa isang tingin kung may kakaibang galit o inis ang Kaloy na iyon dahil hindi man lang niya ako nginitian kahit sa pagpasok namin kanina rito sa sasakyan. Mabait ba talaga ang ganoon? O baka sa akin lang nagsuplado? Nang marating ang bahay, una akong lumabas upang i-assist sa pagbukas ng pinto si Ada. Si Kuya Kaloy naman ay kusang nagtulak ng pinto sa tabi niya kaya nang tumabi siya kay Ada, ganoon na lang muli ang tahip ng aking dibdib. Sa unang sulyap, namataan ko kaagad ang lamig ng kaniyang mata. Bahagyang naka-angat ang dulo ng kaniyang labi at maaaninag kahit ang panunuya roon. Mabilis ko na lang iniwas ang paningin sa kaniya at nilipat ang atensyon kay Ada. “Uh, tara na,” sambit ko at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Ngumiwi siya at nagpatianod sa aking giya. Si Kuya Kaloy naman ay nasa likod naming dalawa. Tahimik at prenteng naglalakad kasunod namin. Bawat hakbang sa pathway patungo sa bahay ay mariin kong pinag-isipan kung hihingi ba ako ng tawad sa kaniya. Dapat ko nga bang gawin? Kasi kung oo, baka maibsan na ang kaba ko at pag-o-overthink. Kung hindi, baka habang buhay ko itong titiisin. Baka nga mag-lead pa ito sa kung saan-saan at maka-apekto para sa pag-aaral ko. Dios ko. Kakayanin ko ba kung sakali mang makausap siya? Anuman ang posibilidad, kailangan kong harapin ang aking takot. Wala nang atrasan. Kakausapin ko na siya, ng kaming dalawa lang. Kaya nang marating ang main entrance, huminto ako at binitawan ang palapulsuhan ni Ada. Simple akong ngumiti at napansin sa gilid ng mga mata na huminto rin sa paglalakad ang kaniyang kuya. “Mauna ka na siguro Ada, kakausapin ko lang saglit ang kuya mo,” mahina kong sabi at saglit na tumingin sa gilid. Nang mapansin ang pagtaas ng kilay ni Kuya Kaloy, mabilis kong ibinalik ang mga mata kay Ada. “Sige kung ganoon.” Tumango siya at sandaling tumango sa kaniyang kuya. Huli na nang mamalayan kong kami na lang dalawa ang narito dahil nakapasok na ang kaibigan ko sa loob. Huminga ako nang malalim at napamura sa isipan. Goodness Mossa, wala kang choice kundi ang kayanin. Kayong dalawa na lang ang narito, heto na. Humingi ka lang ng tawad at mapapanatag ka na. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at tumikhim. Sa pag-angat ng tingin ko sa kaniya, hindi ko naiwasang pasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan. With his white t-shirt and black jeans, tila walang pinagkaiba ang kaniyang porma noong nagkita kami sa waiting shed. Ang pinagkaiba lamang ay basa siya noon ng ulan at ngayon ay maaliwalas na siyang tingnan. His hair is a bit damp and his bangs are a bit blown in sideways. Nadepina ng medyo makapal niyang kilay ang medyo suplado niyang ekspresyon. At lalo itong nagdulot ng kaba sa akin nang magsalubong ito. “Uh… pwede ba kita makausap… k-kuya?” nanginig ang huli kong salita. Pilit kong pinigilan ang bagsak ng aking balikat dahil nais kong ma-maintain ang composure ko! Bakit ba ang hirap para sa akin nito? Na sa halip magawa kong maging confident sa kaniyang harapan ay para akong salamin na bigla na lang nabasag? Mossa, simple lang ang taong ito, anong ikinakahina mo? Hindi naman sana iyan si Jaguar na crush mo, pero bakit ganito? Bakit nanghihina ka? “Kinakausap mo na ako,” maikli niyang sabi. Humalukipkip siya at nakita kong kumibot ang dulo ng kaniyang labi. Masuyo ko pang tiningnan ang kaniyang mga mata. Grabe, natural lang ba ito sa kaniya? Ganito ba talaga ang personalidad niya? Marami naman akong kilalang suplado pero hindi ako tumitiklop sa mga ‘yon! Sa kaniya lang! At talagang inamin ko pa sa sarili ko na tumiklop nga ako dahil lang sa kaniya? Nababaliw na nga yata talaga ako. Isang buga pa ng malalim na hininga at tuloy-tuloy na akong nagsalita. “Gusto ko sanang humingi ng pasensya dahil sa nangyari noong debut ko. Sorry kung hindi ko napigilan si Ada at Dok. Sorry kung nagkaroon ng aberya noong araw na iyon. Sorry talaga.” Labis-labis ang pintig ng pulso ko matapos sabihin iyon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako nanginig o nautal sa bawat salita. Great Mossa! You did a great job! Just as I tried to uplift myself, bigla siyang may sinabi na ikinalaglag halos ng panga ko. “Wala akong problema roon. Alam mo kung saan ako galit?” baritono niyang tanong habang ang mga mata ay parang apoy na nagniningas sa akin. Oh… “S-saan kung ganoon?” He chuckled. “Sa chat mo.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Umawang ang bibig ko at muli na namang namilog ang mata ko. Gusto kong magmura nang malakas at sumigaw nang sumigaw upang maibsan ang kahihiyang nag-uumapaw! What the hell? “Ah ‘yon ba? S-sorry, akala ko kasi masungit ka talaga…” Umiling siya at saglit na tumingala. Kumalas sa pagkakahalukipkip ang kaniyang braso at pinasadahan ng daliri ang buhok. Muling umahon ang kakaibang t***k sa puso ko. Pinilig ko ang aking leeg at ibinalik muli sa dati ang tindig. Baliw na nga yata talaga ako. “Hindi matutumbasan ng salitang ‘sorry’ iyon, bata. Sige na, pumasok ka na ro’n at kakausapin ko lang ‘tong tauhan niyo,” sambit niya at itinuro ang hardinero na abala ngayon sa pag-trim ng mga bonsai. Nanlumo ako at walang nagawa kundi ang pumasok sa loob. Seryoso bang sinabi niya iyon? Na hindi sapat ang sorry ko upang patawarin niya ako? Malay ko bang big deal pala sa kaniya ‘yong chat ko noon tungkol sa kaniya? Kung ganoon pala siya ka-sensitive upang sabihan ng masasamang bagay, I swear, sana pala nanahimik na lang ako! Nang makitang papalapit na ang katulong, tinawag ko siya at kusa nang kinuha mula sa kaniya ang tray ng miryenda. Saka lang naging totoo ang ngiti ko nang makitang narito na rin pala si Trivo. Naglakad ako patungo sa kanila at ipinatong sa lamesita ang tray. Tumabi ako kay Ada at pinagsalikop ang kapwa ko mga daliri. "Si Kuya?" tanong niya. "Sa labas, kausap ang hardinero," sagot ko. “Oh guys! May chika ako sa inyo dali!” si Carrie at may hawak na finger food. Umirap ako at bumuntong hininga. Dios ko naman, alam kong tungkol sa akin iyan. “Sige, go,” ani Trivo matapos tumitig kay Ada. Sus, inlababo talaga ang lover boy. So ayun, kinuwento na nga ng bugak ang tungkol sa amin ni Jaguar. Mula sa sayaw namin sa debut, sa pag-uusap namin sa after party, sa pagbibigay ng tips sa akin sa library (na hindi ko naman natandaan), at kung paano ako naging brokenhearted kuno nang makitang magkasama sila ni Harlet. Tawang tawa siya habang ikinukwento iyon. Samantala, si Ada naman ay tahimik lang sa aking tabi. Parang tulala at medyo wala sa sarili. Kinalabit ko siya habang nagsasalita si Trivo. “Okay ka lang?” bulong ko. Tumango siya at inassure na wala naman siyang problema. Bahagya kasing namumutla ang labi niya at parang panay ang laro sa kaniyang daliri. Ngayon ay natapos na sa pagsasalita si Trivo, tahimik na silang lahat at sa akin na ang pansin. "Ikaw Ada? Kwento naman dyan!" basag ni Carrie sa katahimikan. Natapos na pala sa kwento si Trivo kaya hinihintay na ngayon si Ada. Tumikhim siya at pinaglaruan pang lalo ang mga daliri. "May ibabalita sana ako sa i-inyo..." aniya. Umayos ako ng upo. Kapansin-pansin din ang pagtiim ng tingin ni Trivo. Bigla akong kinabahan. Tungkol saan kaya ito? Hihinga pa lang sana ako nang bigla siyang may sinabi na ikinagulat naming lahat. "Ikakasal na ako." Awtomatiko kaming napatingin kay Trivo. Si Trivo naman ay napakurap-kurap, kumunot ang noo at nagtataka na ang mga mata. Oh my God! Kung tama ba ang nasa isip ko, ikakasal na silang dalawa ni Ada? Pero paano? Paano gayong nag-aaral siya? Nasa legal na edad naman sila, hindi problema iyon. Pero ‘di ba masyado pang maaga? "Nag-propose ka Trivo?!" namamanghang tanong ni Carrie. Umiling si Ada kaya muli naming ibinalik ang atensyon sa kaniya. "Kay Dok Galileo ako ikakasal." Kung kanina’y may pananabik pa ako sa aking naisip, ngayon naman ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para akong binuhusan ng tubig na puno ng yelo. Para akong sinampal mula sa malalim na panaginip. Tinampal-tampal ko ang hita ko at ang tunog na likha nito ang tangi lamang umiral sa gitna ng katahimikan. Nang i-angat ko ang mga mata kay Trivo, namataan ko ang nanggigilid niyang mga luha. Unti-unting namula ang kanyang ilong at naging prominente pang lalo ang pinaghalong lungkot, gulat, at sakit. Ako… ako ang nasasaktan para kay Trivo. "Prank lang ba 'to Ada?" tanong ko dahil baka gino-goodtime lang niya kami. Ngunit sa marahas niyang pag-iling ay lalo akong nanlumo. "Seryoso ako, ikakasal na ako, ikakasal na ako kay Dok.” May diin na ang kaniyang sagot. Nakumbinsi na ako roon dahil higit sa lahat, hindi naman palabiro si Ada. Kitang kita sa kaniyang ekspresyon na seryoso siya at walang bahid ng panloloko ang mga mata. Hindi ko akalaing may namumuo na pala sa pagitan ni Dok at Ada. Kaya pala ganoon na lang ang kilos ni Dok noong debut ko. Tila bantay-sarado ang mga kilos ni Ada at ganoon pa ang eksena noong sinubukan ni Trivo ipagpaalam para sana sa magaganap na after party. Pero bakit? Bakit kay Dok pa? Bakit hindi na lang kay Trivo? Nagulat ako nang mapansing umiiyak na pala si Carrie. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng kaniyang luha at masama ang tingin kay Ada. Lalapitan ko palang sana siya nang bigla na siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas. Hindi ako nag-alinlangang sumunod sa kaniya at iwan sila Trivo at Ada upang mapag-usapan nilang dalawa. “C-carrie!” tawag ko sa kaniya. Namataan ko sa gilid ng aking mata si Kuya Kaloy na hanggang ngayon ay kausap pa rin ang hardinero. Saglit siyang sumulyap sa akin nang makitang nagmamadali kong tinatahak ang daan upang sundan si Carrie. Napadpad kami sa mini garden. May kalayuan ito sa mansion at mas tahimik kumpara roon. Umupo si Carrie sa damuhan kaya agad ko siyang inalo. “Carrie, ano ba? Masyado namang iyak ‘yan—” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla niyang i-angat ang kaniyang tingin. Pulang pula ang kaniyang mga mata at tuloy-tuloy pa rin ang hindi mapigilang agos ng mga luha. “Hindi mo maiintindihan Mossa… h-hindi m-mo maiintindihan!” sigaw niya at binunot ang isang bungkos ng bermuda. Ramdam kong gusto niya magwala pero naroon ang labis na pagpipigil. “Maiintindihan ko, sabihin mo sa akin,” alo ko at marahan siyang niyakap. “Huwag mo sasabihin kay Ada, kay Trivo, o kahit na kanino ang tungkol dito ha?” Tumango ako. Isang pahid pa ng luha ang ginawad niya at agad na nagsalita. “Mahal ko si Trivo… kaya nasasaktan ako para sa kaniya,” aniya na biglang nagpatigil sa inog ng mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD