Doon ko napagtantong kailangan ko na nga talagang magmadali. Ano bang laban ko sa taong iyon? Mahihirapan lang ako kung ipagpipilitan ko pang lumagpas sa oras at magdahilan ng kung-ano. Ngumiwi ako habang isinisilid sa loob ng bag ang cellphone. Sa paglingon kong muli kay Jaguar, namataan ko ang kuryoso niyang titig... Mukhang nagtataka kung bakit naging ganoon ang ekspresyon ko. “Are you okay? Tanong niya nang maisara ko na nang tuluyan ang zipper ng bag. Mabilis akong tumango. “Oo naman. Kaso uhm…” I lost for words. Kailangan ko nga talagang ipaalam sa kaniya na dapat thirty minutes lang kami dahil kung hindi, baka hindi na ito mauulit. “Ayos lang ba kung aalis na ako bandang two twenty five? M-may lakad pa kasi kami…” With that being said, he nodded. “No problem.” Na

