Chapter 37

2564 Words

Bumigat ang tensyon na namayani sa aming pagitan. Damang dama ko na ang panggigigil ni Carrie. Alam kong gaganti siya para sa akin ngunit dumating na ang teacher namin. Agad kaming nagsibalikan sa upuan namin at umakto na para bang walang nangyari. Sa kabilang banda, ipinagpasalamat ko na hindi na iyon lumala. Ayaw ko na kasing madagdagan ang problema ko. May conflict na nga ako sa grades tapos magkaka-conflict din sa conduct. Kung sakali mang mangyari iyon, baka hindi ko na ‘yon matanggap. Mas mainam talaga kung magkaroon kami ng oras ni Risha upang mapag-usapan kung ano ba talaga ang aming problema. Panay ang rant sa akin ni Carrie nang lumipas ang ilang mga minuto. Aniya, matagal na raw siyang may napapansing kakaiba kay Risha kaya noon na siya hindi sang-ayon sa balak kong pakikipagk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD