Matapos ibaba ang tawag, dahan-dahan akong tumayo sa kama at naglakad patungo sa balkonahe. Hinawi ko ang kurtina at sumalubong ang silaw ng araw na malapit nang lumubog sa dagat. Saka ako huminto nang umabot na ako sa dulo. Nilandas ko ang mga daliri sa mainit na barandilya at huminga nang malalim. Suot-suot ko pa rin ang school uniform ko habang tumititig na ngayon sa kawalan. Dahlia… When I think of her name, the only word that comes into my mind is ‘beautiful’. Wala akong masabi sa ganda niya. Sa hubog pa lang ng katawan, tiyak marami na ang mahuhumaling sa kaniya. Mala-anghel at inosente ang kaniyang mukha. Sa unang sulyap, kahit na hindi na kilalanin, nasisiguro kong marami ang nagkakandarapa. Hindi ko maiwasang mangamba. Long-time crush? Ano bang panama ko roon? Isan

