CHAPTER 15

2243 Words
MATAPOS makuha ni Emerald ang kaniyang internship ID sa Human Resources department, agad din siyang bumalik sa 40th floor, kung saan okupado ng opisina ni Gabriel. Ipinakilala rin siya ni Sir Gary sa mga engineers and architect na under ng team ni Gabriel. Apat na engineers at tatlong architect. Dalawa lang din ang babae sa grupo. Tama nga siya kanina sa hinuha niyang hindi man lang umabot sa sampu ang mga empleyado na nandito sa palapag. Ikawalo si Sir Gary na executive assistant ng boss, tapos pang siyam iyong secretary ni Gabriel na si Miss Aireen na naka-on leave dahil kapapanganak lang. Siya lang din ang intern na inilagay rito sa team ng mga ito. Sa tingin naman niya ay makakasundo niya ang mga ito. At iyon talaga ang laging pinagpe-pray niya gabi-gabi na sana makakasundo niya ang mga boss niya para hindi siya masyadong mahihirapan. Alam niyang mahirap ang maging intern sa isang standardized and one of the most leading company, kaya ayaw niyang pati sa mga boss mahihirapan din siyang pakisamahan. "Don't hesitate to asks us, Emerald, kung may hindi ka maintindihan or may kailangan ka," sabi ni Engineer Jerome, na siyang unang nakilala niya kanina. Ngumiti siya at tipid na tumango. "Sige po, Sir." "Ito naman ang table mo," ani Sir Gary sa kaniya, kaya agad nalipat ang atensyon niya sa lalaki. Katabi ng table nito ang table na tinuro nito para sa kaniya. "Para kapag may tanong ka o kailangan, madali mo lang akong makausap. Sige na maupo ka na." Iminuwestra nito ang swivel chair na nakaharap sa table na tinutukoy nito. Agad naman siyang kumilos at naupo. Ibinigay din nito kaagad sa kaniya ang calendar para sa appointment schedule ni Gabriel ngayong buwan. "Nand'yan na ang lahat ng appointments ni Engineer De Sandiego ngayong buwan. Pero puwede pang madagdagan 'yan base sa kaniya kung may tatanggapin pa siyang appointments and meetings. Madalas din ay nasa labas siya for site visit," he explained. Binuklat niya ang planner na hawak niya. Nagulat siya nang makita kung gaano karami ang mga nakalista roon! Kahit weekends ay meron ding appointments si Gabriel. Ngayon ngang linggo ay puno ang listahan nito. "Sa mga site visits ba niya, kailangan kong sumama?" tanong niya. Para alam niya kung anong isusuot kung sakaling kasama nga siya sa mga araw na may site visit si Gabriel. Hindi naman puwedeng magsuot siya ng dress kung nasa site siya. "Depende na iyon ni Engineer De Sandiego, Miss Arguelles, kung isasama ka niya. Pero sa mga nagdaan naman na mga intern na under sa kaniya, usually, pinapasama niya. So, asahan mong may mga araw talaga na isasama ka niya sa mga site visits niya." Tumango siya. "Sa mga meetings din po ba, Sir, ako rin po ba ang magte-take ng minutes?" Tumango ito, "Yes, for the main time, hanggang sa makabalik si Aireen. Ikaw rin ang magse-set ng mga appointments niya. Madali lang naman iyon. The only problem is... the girls." Napamaang naman siya sa sinabi ni Sir Gary. "The girls?" kunot-noong tanong niya. Sir Gary chuckled and nodded his head. "You know, women who wants Engineer De Sandiego's attention, commitment, and money," kibit-balikat na sabi ni Sir Gary. Na para bang sanay na sanay na ito na maraming mga babaeng naghahabol sa boss nito. Commitment? Did they know na ikinasal na si Gabriel? Wala sa sariling napahawak siya sa singsing na ginawa na muna niyang necklace pendant. Napalunok siya. Hearing Sir Gary's about the girls who wants Gabriel, parang may libo-libong karayom na tumutusok sa puso niya. "Hey, bakit ganiyan ang hitura mo?" untag nito sa kaniya. Napakurap-kurap siya. Agad na inayos niya ang hitsura na bahagyang nalukot at umayos sa pagkakaupo. "W-Wala po, Sir, medyo nagulat lang na maraming babaeng naghahabol kay Engineer De Sandiego," Pero sa katayuan ni Gabriel sa buhay, dagdagan pa sa mala-Greek god nitong hitsura at pangangatawan, hindi naman talaga nakakagulat. "Naku! Mas magugulat ka, Emerald, kapag nakakausap mo na sila," sabat ni Architect Evelyn, na katabi lang din niya ng cubicle. "Makukulit sila at ma-attitude pa, kaya ngayon pa lang, kailangan ihanda mo na ang taenga mo at pasensya dahil araw-araw kang makatatanggap ng tawag sa mga babaeng iyon at gustong magpa-set ng appointment. Pero hindi naman sila pinagbibigyan ni Engineer De Sandiego." Naging maayos naman ang mga lumipas na oras na pagtatrabaho niya. Hanggang sa makatanggap siya nang tawag mula sa isa sa mga babaeng tinutukoy ni Engineer Evelyn. "SGDSteel Enterprise & Constructions, good morning," "Connect me to Engineer Scott Gabriel De Sandiego." utos ng babae sa kaniya sa kabilang linya. Wala man lang itong pasakalye. "May I know, who's in the line, Ma'am?" magalang na tanong niya. "This is Cindy Kang." Agad naman niyang tiningnan ang schedule ni Gabriel. Pero wala naman siyang nakitang pangalan ng babae na naka-appointment ngayong araw. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat petsa ng calendar kung may pangalan ba ng babae, pero wala! "Hello?" untag ng babae nang matagal siyang hindi nakasagot. "I'm sorry, Ma'am. But do you have an appointment with Engineer De Sandiego?" tanong niya. Napaangat ang tingin niya sa opisina ni Gabriel nang bumukas ang pinto n'yon at iniluwa doon ang lalaki. Nang mapatingin ito sa gawi niya ay agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa. Her heart jump. Pero hindi rin nagtagal nang lumapit si Sir Gary rito at humarang sa line of vision niya. "No, pero kilala niya ako. Sabihin mo lang ang pangalan ko sa kaniya." The woman demanded again. Kumunot ang noo niya. Kung wala itong appointment ngayong araw o sa mga sumunod pang mga araw, tapos magkakakilala ang mga ito, bakit hindi sa personal number ni Gabriel ito tumawag? Bakit dito pa sa local line? Tsk. Maybe this woman is one of his flings! Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono. Hindi niya alam ang gagawin. Alam niyang sinabi ni Gabriel sa kaniya kanina na kapag walang appointment dito ang tumawag, hindi niya ito iko-connect sa line nito. Pero paano ba niya iyon sabihin dito sa babae kung sa tono pa lang ng pananalita nito, parang hindi na ito tumatanggap ng 'no'. "I'll put you on hold, Ma'am. I will ask Engineer De Sandiego," Pero bago pa man niya mapindot ang on-hold nang may malaking kamay na humawak sa telepono at kinuha iyon mula sa kamay niya at ibinaba iyon sa cradle. Suminghap siya at napatingala sa taong gumawa niyon. Bahagya namang napaawang ang mga labi niya nang makita si Gabriel. Nakatayo na ito sa harap ng table niya. Bahagyang magkasalubong mga kilay nito habang malamig ang mga matang nakatunghay sa kaniya. Hindi na rin niya nakita si Sir Gary sa paligid. "I told you, kung walang appointment, hindi mo iko-connect sa akin," malumanay ang boses na sabi nito. Kabaliktaran sa ipinapakita nitong anyo, na para bang gusto siyang singhalan dahil hindi siya marunong sumunod sa utos nito. Napalunok siya. "B-Baka kasi importanteng kliyente niyo, Engineer De Sandiego-" "In my office, Miss Arguelles," malamig nitong putol sa kaniya. Agad din itong tumalikod at muling pumasok sa opisina nito. Nagkatinginan naman sila si Architect Evelyn. Nakitaan naman niya ng pag-aaalala ang mukha nito, gano'n din ang iba pang nandito. Kaya may palagay siyang mapapagalitan talaga siya. Tumayo siya at agad na tinungo ang opisina ni Gabriel. Huminga pa siya ng malalim bago binuksan ang glass door. Nagulat naman siya nang sa pagpasok niya ay agad na bumungad sa kaniya si Gabriel. Nakatayo ito malapit sa pinto, mukhang hinihintay talaga siya nito. "I'm sorry, I didn't know what to do. Kaya in-on hold ko sana si Miss Kang, para kausapin ka muna," paliwanag kaagad niya. "I don't know who is she. So, obviously she isn't a client," he said, sighing. Nanantiya pa ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Siguro hinihintay nito ang magiging reaksyon niya. Pero ano ba ang dapat na maging reaksyon niya? Oo, aaminin niyang naiinis at nagseselos siya na maraming mga babaeng nagkakagusto rito, pero wala naman siyang karapatan na ipakita o sabihin niya iyon dito dahil hindi naman sila totoong mag-asawa. "Alam ko at alam ko rin na isa siya sa mga babae mo." Muling nagsalubong ang mga kilay nito. Nanliit pa ang mga mata nito. "What? Wala akong babae at hindi ko kilala ang Miss Kang na iyon." inis nitong sabi. "Kilala mo raw siya," "Hindi ko nga kilala ang babaeng iyon. And who told you that—f**k!" mura nito nang tumunog ang phone nito na nasa ilalim ng coat nito. Kinuha nito ang phone pero ang galit na mga mata ay nasa kaniya pa rin nakatuon. "Yes. Lunch meeting? No, I can't, Altamirano—" natahimik ito. Siguro pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Kita niya ang pag-iigting ng panga nito. Umiwas siya ng tingin at marahang naglakad na paglabas ng opisina. Bago pa man siya tuluyang nakalabas ng opisina nito, narinig naman niya itong sumang-ayon sa kausap. Pero halatang napipilitan lang. "Napagalitan ka ba ni Engineer?" may pag-aalalang tanong sa kaniya ni Architect Evelyn, nang makabalik siya sa kaniyang upuan. Umiling siya. "Pinagsabihan lang po ako, Ma'am." Napataas ang isang kilay nito, para bang hindi makapaniwala na pinagsabihan lang siya at hindi napagagalitan. Pero nakita naman niyang na-relief ito sa sinabi niya. "Engineer De Sandiego is very strict when it comes to work. He also doesn't want to say it again and again of what he doesn't like. Kung ano ang sinabi niya, iyon na iyon at susundin mo talaga iyon," sabi nito. "Mabait naman si Engineer De Sandiego, kaya lang pagdating talaga sa trabaho, napakaseryoso niya. Ayaw niyang magkamali o haluan man lang ng kabulastugan ang trabaho." sabi naman ni Architect Pia, na nakisali na rin sa usapan nila. Nasa likod lang ang cubicle nito kaya narinig nito ang mga sinabi ni Architect Evelyn. Mataman naman siyang nakikinig sa dalawa. Kung paano ng mga ito inilalarawan si Gabriel, halatang believed na believed talaga ang mga ito sa boss. Who wouldn't be? Kung sa edad nitong tatlumpu ay nakapagpatayo na ito ng ganito ka-successful na kompanya at nangunguna pa sa lahat. He's very successful in his age, kaya nga humahanga rin siya sa lalaki. "He is strict and oftentimes self-centered, but you will learn a lot from him, Emerald," si Architect Evelyn. Bahagya namang kumunot ang noo niya. Si Gabriel, self-centered? Parang wala naman siyang nakitang gano'n ang lalaki sa loob ng ilang linggo na magkasama sila sa mansyon nito. "Oftentimes, he is just only concerned with the wants and needs in this company and his reputation and never thinks about other people, especially the incompetent one. That was his flaws, otherwise, perfect na talaga siya." She knows he has flaws, pero ang marinig iyon sa ibang tao na laging nakakasama nito araw-araw, tila mas nakilala pa niya si Gabriel. "But whether we agreed or not, ang katangian niyang iyon ang naglagay sa kaniya sa pedestal. He is very successful because of that behavior." Architect Evelyn added. "I totally agree. He is a beast when it comes to project bidding. Sa lahat ng bidding na sinalihan niya, hindi pa natatalo si Engineer De Sandiego," pagsang-ayon naman ni Engineer Jerome, na nakikisali na rin. Nasa tono ng boses nito ang pagmamalaki. Nakikinig lang siya sa mga ito hanggang sa dumako na ang usapan sa mga design ideas and drawing plates na ipini-present ng team kapag may project bidding at gustong makuha ni Gabriel ang project na iyon. Napaangat ang tingin niya sa opisina ni Gabriel nang bumukas ang blinds doon. Nakita naman niya ito na may kausap pa rin sa phone nito. Ilang saglit lang ay ibinaba nito ang phone at bumalik sa likod ng desk nito at naupo sa swivel chair. He stared down at his laptop on his table. Hindi talaga niya masisisi ang mga babae kung maghahabol ang mga ito sa lalaki. He really looked perfect in any way. Nagulat siya at bahagya pang napaigtad nang muling tumunog ang telepono sa harap niya. At bago pa man siya makita ni Gabriel na nakatingin siya rito, iniwas na niya ang tingin sa lalaki at dinampot ang telepono. "SGDSteel—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang nagtatalak na ang babae sa kabilang linya. The same woman. "How dare you putting down the phone on me?" she shrieked. Halos ilayo naman niya ang receiver sa taenga niya sa sobrang tinis ng boses nito. "Ma'am, calm down—" "Shut up, b***h! Sino ka para babaan ako ng telepono, ha?" Naningkit ang mga mata niya sa tinawag nito sa kaniya. Gusto tuloy niya itong bulyawan at sabihing asawa siya. g may-ari ng kompanya. Kung hindi lang siya natatakot na magka-issue, gagawin talaga niya iyon. Huminga siya ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili. "I'm not the one who's putting down the phone, Ma'am. It was Engineer De Sandiego, dahil sabi niya hindi ka raw niya kilala." "No. You are definitely lying! Kilala ako ni Scott. Sinungaling ka!" Napangiwi siya sa pagsisigaw nito sa kabilang linya at sa pagtawag nito sa kaniya na sinungaling. Tama nga si Sir Gary. Ito ang magiging problema niya sa buong limang buwan niya rito! "Ma'am—" pagsusubok niya ulit na pinutol na naman ng babae. "Fine! I will be the one to come there! Humanda ka sa akin, b***h!" At ang sumunod na niyang narinig ay ang dial tone. Binabaan siya. Nanghihinang ibinaba niya ang telepono sa cradle at napatitig siya roon. Hindi niya mapaniwalaan na gano'n ka ma-attitude ang mga babae ni Gabriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD