NAKATITIG pa rin si Emerald sa telepono. Gano’n ba talaga kaagresibo ang mga babae ni Gabriel? Araw-araw nakakatanggap si Miss Aireen ng mga tawag na gano’n?
“What the…” she murmured.
Nagulat siya at bahagya pang napaigtad nang muling tumunog ang telepono. Hindi naman niya alam kung sasagutin niya o hindi. Nag-aalala siya at baka ang babae na naman iyon, o di kaya ay ibang babae at mumurahin na naman siya at hindi na siya makapagpigil pa.
Pero nang maisip niya na baka kliyente ni Gabriel ang tumatawag, agad na isinantabi niya ang takot. Akmang dadamputin na sana niya ang telepono nang tumigil naman iyon sa pagri-ring.
Agad napaangat ang tingin niya sa opisina ni Gabriel nang muling bumukas ang pinto n’yon at iniluwa roon ang lalaki. He is wearing a coat. Aalis na siguro ito sa lunch meeting nito kasama ang kausap nito kanina.
“Emerald,”
Mabilis naman siyang napatayo nang tawagin siya nito. He heart jump a bit when he called her name that he used to call her.
Kumunot naman ang noo nito. Siguro nagtaka sa naging reaksyon niya.
“I have a lunch meeting with Engineer Altamirano outside,” he said it, like he is asking a permission from her.
Tinanguan lang niya ito at hindi na sumagot.
Naglakad ito palapit sa kaniya. Kinabahan naman siya at baka may masabi ito na magbigay ng hint sa mga empleyado rito na magkakilala talaga silang dalawa.
Lumabas ang tatlong engineers kasama sina Architect Evelyn at Architect Pia kanina. Hindi pa rin bumalik si Sir Gary, pero may naiwan pa rin na dalawang empleyado at alam niyang nakikinig lang ang mga ito sa kanila.
“I don’t think, I’ll be back shortly,” he said.
Muli ay tumango lang siya rito.
He frowned and stared at her intently. Nanigas naman ang katawan niya at hindi kinaya ang intensidad sa mga mata nito. Ramdam niyang may sasabihin pa ito pero mukhang pinipigilan lang nito.
Parang gusto na lang niya na magyuko ng ulo. Pero bago pa man niya iyon magawa nang tumunog ang phone nito.
He sighed, then answered his phone before he walks towards his private lift.
Napabuga siya ng hangin at muling naupo sa kaniyang office chair. Ilang saglit pa ay tumunog ang phone niya na nasa loob ng kaniyang bag. Agad na kinuha niya ang cell phone sa bag at tiningnan ang mensahe.
It’s from Gabriel.
Gabriel:
I was the one who called you on the phone earlier. Why didn’t you answer?
Napakurap siya. Ito pala ang tumawag kanina sa telepono.
Agad naman siyang nagtipa ng reply.
Siya:
Sorry. Akala ko kasi si Miss Kang na naman.
Then she hit the sent button. Wala pang isang minuto ay agad naman itong nakapag-reply.
Gabriel:
It was me. And if that woman called again, tell her I'm happily married.
She gasped. Muling nag-beep ang phone niya. It was Gabriel again.
Gabriel:
Anyway, I ordered your favorite food for your lunch. So, you don't have to go down to the canteen.
Bago pa siya ulit nakapagtipa ng reply ay may text na naman ito sa kaniya.
Gabriel:
It will be delivered at eleven o’clock. What do you want for dessert? I will order it for you.
Gusto sana niyang kiligin. Pero nasa isip pa rin niya ang babaeng tumawag kanina. Nagtipa siya ng reply.
Siya:
Salamat. Pero sana hindi ka na nag-abala pa. Gusto ko kasi na makita ang mga kaklase ko at makasama silang kumain.
Matapos niyang ma-sent iyon kay Gabriel, ay siyang pagbukas naman ng employee’s elevator.
Sa pag-aakalang si Miss Cindy Kang ang dumating, kinakabahang agad siyang napatayo. Hinanda na rin niya ang sarili sa mga sasabihin nito sa kaniya.
Pero nang makitang sina Architect Evelyn at Architect Pia ang lumabas mula sa loob ng elevator, agad naman siyang nakahinga ng maluwag.
“Are you okay?” may pagtatakang tanong sa kaniya ni Architect Evelyn, nang makita nito ang relieve sa mukha niya.
Umiling siya. “Hindi po, Architect,” sumbong niya.
Kumunot ang noo ng dalawang architect. Napatingin pa si Architect Evelyn sa opisina ni Gabriel, pero agad ding ibinalik ang mga mata sa kaniya.
“Why? What happened? Napagalitan—”
Agad na muli siyang umiling. “Umalis po si Engineer De Sandiego at pupunta po rito iyong si Miss Cindy Kang at galit na galit siya sa akin. Binabaan din niya ako ng telepono sa sobrang galit niya.”
Hiningal pa siya pagkatapos na magsalita ng mabilis.
“Emerald, calm down,” ani ni Architect Pia. “Masyado kang tense, relax.”
“Yes, Emerald, relax,” nangingiting pagsang-ayon naman ni Architect Evelyn.
Para bang aliw na aliw pa ito sa sobrang pagpa-panic niya.
“Hindi makakaabot si Miss Cindy Kang sa palapag na ‘to,”
Napakunot naman ang noo niya. “Huh?”
Ngumiti si Architect Pia sa kaniya.
“Hindi siya makalusot sa ID Scanner kung wala siyang visitor’s ID, na siguradong hindi siya bibigyan sa ibaba dahil wala naman siyang appointment kay Engineer De Sandiego.”
Nang muling tumunog ang telepono sa mesa niya, sabay silang tatlo na napatingin doon.
“Let me,” ani ni Architect Pia.
Agad din nitong dinampot ang telepono mula sa cradle.
“SGDSteel Enterprises & Constructions, good morning,” saglit itong nakinig sa kausap bago muling nagsalita. “No. Walang appointment si Miss Kang kay Engineer De Sandiego. Okay. Thank you.”
Pagkasabi nito n’yon, agad din nitong ibinaba ang telepono at ibinalik sa cradle.
“See?” sabi pa nito sa kaniya. “Kaya next time, relax. Hangga’t wala silang appointment sa CEO, they can’t get pass the ID Scanner.”
Gano’n ba iyon? Sobrang higpit pala ng security rito. Tila nabunutan naman siya ng tinik sa lalamunan. Sobra ang relief na nararamdaman niya.
Natatakot kasi siya na baka sumugod sa kaniya ang babae. Sobrang galit sa kaniya ang babae kanina kaya hindi malabong susugurin siya nito at baka hablutin na lang nito bigla ang buhok niya.
Pero nang maisip niya na nakaabot siya rito kanina kahit wala pa naman siyang ID…
“Bakit nakaakyat po ako rito? Wala pa naman akong ID kanina…” naisatinig niya.
Muling napangiti si Architect Pia.
“Kasama mo sina Engineer De Sandiego at Gary kanina, remember? At sumabay ka sa kanila sa private lift ng CEO.”
Oh… kaya pala. Mas lalo tuloy na nagsi-sink in sa kaniya kung gaano ka-successful si Gabriel.
Nang mag-alas onse ng tanghali, nakatanggap siya ulit ng mensahe mula kay Gabriel. Sinabi nito na pina-deliver na nito ang pagkaing in-order para sa kaniya sa canteen para makasama niya ang kaniyang mga kaklase.
Wala sa sariling napangiti siya at nagpasalamat dito.
Gabriel:
I wanted to have lunch with you, but this cousin of mine, ruined my plan.
Uminit ang pisngi niya at hindi na niya napigilan ang sarili na kiligin. s**t. But then, kahit na wala itong lunch meeting sa labas, hindi rin naman mangyayaring magkasama silang kumain ng tanghalian.
Nangingiting nagtipa siya nang reply rito.
Siya:
Kahit na wala kang lunch meeting sa labas, hindi rin puwede na magkasama tayo sa panananghalian.
Gabriel:
I have my ways, Mrs. De Sandiego.
Mas lalong uminit ang pisngi niya sa itinawag nito sa kaniya.
Hindi na siya nag-reply at baka kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip niya at tuluyan na talaga siyang aasa na may patutunguhan ang lahat ng ‘to.
Nang ayain siya nina Architect Evelyn at Architect Pia na bumaba na at mag-lunch sa labas. Sinabi niyang sa canteen lang siya dahil gusto niyang makasama ang mga kaklase niya.
Sabay-sabay naman silang bumaba sa ground floor. Nang bumukas ang elevator ay sabay din silang lumabas.
Itinuro naman sa kaniya ni Architect Pia ang hallway papunta sa canteen, na ipinagpasalamat naman niya dahil hindi pa niya alam ang pasikot-sikot dito sa kompanya.
“Stop calling me Architect. Call me Ate Pia, kapag tayo-tayo lang, kay?” sabi nito sa kaniya.
“Ako rin. Call me, Ate Evelyn.”
They both smiled and winked at her, before they walk towards the employees’ exit.
Nakangiting nasundan na lang niya ang mga ito ng tingin. Ah, ang sarap pala sa pakiramdam na bukod kina ate Heejhea, Scarlett, at Yelena, may ibang tao pang itinuring siyang kaibigan at nakakasundo niya.
Alas dos na ng hapon nakabalik si Gabriel sa opisina nito. Nagkaroon din ng meeting sa team nito kasama ito sa conference room na ikinansela nito kaninang umaga at siya ang nag-take ng minutes pero wala pang isang oras ay natapos din kaagad ang meeting.
“Brew me some coffee, please. Then get inside my office,” sabi nito sa kaniya bago pumasok sa opisina nito, nang makabalik sila sa palapag.
Nakita niya pa ang gulat at kyuryosong mga mata nina ate Evelyn at ate Pia na nakatingin sa kaniya.
Sandali pang sumulyap si Ate Evelyn sa kapapasok lang na si Gabriel sa opisina nito pero agad din na ibinalik sa kaniya ang mga mata.
Para bang nahihiwagaan ang mga ito sa nangyayari. Kahit si Sir Gary ay nakatitig na rin sa kaniya.
“Okay, that was first,” si ate Evelyn ang unang nakapagsalita.
Kumunot naman ang noo niya. “First?” litong tanong niya.
“Engineer De Sandiego, saying please…” si ate Pia.
“We never heard him say, please, to an employee before…” si Sir Gary, na parang sobrang nakakagulat talaga rito ang pagsasabi ni Gabriel ng please sa kaniya.
Tabinging napangiti siya. “Ah, baka maganda lang ang araw niya,” dahilan niya.
Bago pa man humaba ang usapan sa nangyari, agad na siyang kumilos at nagtungo sa pantry. Mabuti na lang at alam niya kung paano mag-brew ng kape. Thanks to Scarlett.
Matapos niyang mailagay sa mug ang brewed coffee, inilagay niya iyon sa platito at ipinatong sa tray, pagkatapos ay binitbit niya iyon at nagtungo sa opisina ni Gabriel.
Pagkapasok niya ay naabutan niya itong nakaupo sa swivel chair nito sa likod ng desk habang busy sa harap ng laptop nito.
Nag-angat lang ito nang tingin nang makalapit siya. Pero sinikap niya ang sarili na hindi ito tingnan at nag-focus siya sa paglalagay ng kape nito sa mesa nito.
Ramdam niya ang paninitig nito sa kaniya, pero pilit niya iyong iniignora.
Tatalikod na sana siya nang bigla na lang itong nagsalita.
“Hindi ka na nag-reply sa text ko kanina,” sabi nito.
Wala ng nagawa, hinarap na niya ito. Agad naman niyang nakasalubong ang mga mata nito.
His intense stare made her knees weak.
“Niyaya na kasi ako nina Architect Evelyn at Architect Pia na bumaba para mag-lunch,” aniya. Totoo rin naman iyon.
Dinampot nito ang tasa ng kape at sumimsim doon, pero hindi man lang inihiwalay ang mga mata nito sa kaniya. Pagkatapos ay ibinaba nito ulit ang mug sa platito.
“Kasama niyo silang nag-lunch?” tanong nito.
Umiling siya. “Hindi. Niyaya nila ako na sumama sa kanila sa labas para kumain pero sinabi kong kasama ko ang mga kaklase ko na kumain doon sa canteen.”
“Mas gusto mo ba silang kasama kaysa sa akin?” muling tanong nito.
Bahagya namang namilog ang mga mata niya. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kaniya at muling sumimsim sa kape nito.
“Oo-” natigil siya nang muli siya nitong tingnan, but this time his eyes were sharped and irritated.
Maingay pa nitong naibaba ang mug sa platito.
“I mean,” napalunok muna siya. Parang bigla kasing nanuyo ang lalamunan niya. “Gusto ko silang makausap, matanong kung kumusta ang internship nila rito at makahingi na rin ng mga notes nila sa two weeks na hindi ako nakapasok at para mapag-aralalan ko,” paliwanag niya.
Nabawasan naman ng kaunti ang iritasyon sa mga mata nito. Pero lukot pa rin ang noo.
Bigla naman siyang nainis nang maalalang hindi ito sumunod sa napag-usapan nila.
“Saka sinabi ko na sa ‘yo, hindi ba? Na bawal tayong mag-usap o magkasama kapag nandito tayo sa kompanya. Pero napakatigas ng ulo mo, dito mo talaga ako nilagay sa team mo-”
Muli siyang natahimik nang mapagtanto kung ano ang nasabi niya rito. Tumaas naman ang isang kilay nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin dito dahil parang binabasa nito ang iniisip niya.
Tumayo ito. Nataranta naman siya nang dahan-dahang naglakad ito papunta sa harap ng desk nito kung nasaan din siya nakatayo.
Bago pa man siya nakaiwas dito ay naharang na siya ng dalawang braso nito sa magkabilang gilid at inilapat ang dalawang kamay sa gilid ng desk kaya parang nakulong na siya sa mga braso nito.
He crouched down. “Which one, Mrs. De Sandiego?” he asked, near her ear.
Kinilabutan pa siya nang tumama ang mainit nitong hininga sa leeg niya at nakaramdam siya ng kiliti roon at bumaba pa iyon sa kaniyang tiyan. Mas lalo pang lumakas ang pagtibok ng puso niya nang maramdaman ang init ng katawan nito dahil sa maliit na distansya nilang dalawa.
Pero agad din na kumunot ang noo niya nang maisip ang tanong nito.
“A-Anong which one?” litong tanong niya.
Iyong inis niya ay napalitan ng pagkalito.
He looked at her. Hindi naman niya iniwas ang tingin dito.
"Baba o itaas?" halos bulong nitong tanong, na mas nagpalito pa sa kaniya.
He chuckled. Natawa ito sa litong ekspresyon niya. He stared at her with a soft smile in his lips. His eyes were dancing with amusement too, para bang may nasabi siyang sobrang nagpaaliw rito.
“Let’s have dinner later,” he said, his face was an inch away from her.
Sa sobrang lapit nito, ramdam niya ang hininga nito at ilang dipa na lang, dadampi na ang labi nito sa kaniya.
Pero bago pa man siya makapagsalita nang bumukas ang pinto ng opisina nito. Bago pa man sila nakita ni Sir Gary sa ganoong posisyon ay naitulak na niya si Gabriel palayo sa kaniya.
Parang tatalon naman ang puso niya sa sobrang kaba. Lalo na ng magtagal ang tingin ni Sir Gary sa kaniya.
“What is it, Gary?” Gabriel asked coldly.
Ramdam niya ang inis roon sa boses nito. Na para bang kasalanan ni Sir Gary at bigla-bigla na lang itong pumasok sa opisina.
Hiyang-hiya na mabilis siyang naglakad palabas ng opisina ni Gabriel. Lihim din niyang kinastigo ang sarili.
Paano kung nakita sila ni Sir Gary sa ganoong posisyon? Ano ang mangyayari sa kaniya?