A WEEK BEFORE...
"You're fired."
Seryoso at malamig na sabi ni Gabriel sa taong pumasok sa kanyang opisina, pero ang mga mata ay nasa screen pa rin ng kanyang laptop nakatingin.
Marami na siyang sinisisanting empleyado ngayong araw dahil sa pagiging incompetent ng mga ito. Umiiyak at nagmamakaawa pa sa kanya but hell, he doesn’t care.
Is he selfish? Yes, he is, and he knew that already.
Sa lahat ng ayaw niya ay iyong mga taong tatanga-tanga, na kahit sa simpleng instructions lang ay hindi pa makuha.
"Well, sorry, dude. I am not your employee here."
Mula sa screen ng kanyang laptop ay napaangat ang tingin niya sa taong may lakas ng loob na pasukin ang opisina niya.
"What do you need?" tanong niya sa pinsang si Reid.
Umupo ito sa katapat niya. Napataas pa ang kilay niya. Himala at napadpad ito ngayon dito sa Maynila. Taong bukid kasi ito at allergy ito sa mga matataong lugar.
So, why is it so sudden he is here?
"Hey, why so grumpy at this young hour, dude? And what happen? Bakit maraming empleyado na naman ang umiiyak na lumabas sa building mo?"
"I don't—"
"Want an incompetent employee inside my company." Tuloy nito sa dapat niyang sabihin sana rito. "I already know that." Reid added then chuckle with no humor.
Hindi na lang siya kumibo dahil mukhang memorize na nito ang linya niya sa tuwing may sinisisante siyang empleyado niya.
Hindi man ito madalas niyang kasama pero alam nilang magpipinsan ang likaw ng mga bituka nila sa isa't isa. Anong ayaw nila at gusto nila, alam nila iyon bawat isa sa kanila.
"Anyway, I'm here to remind you our meeting at DSCEC Tower." Imporma nito. "I have to go and... don’t be too harsh. Baka mawalan ka na ng employee na tapat at loyal sa trabaho." anito at tumayo na.
"Tsk. Look who’s talking," sabi niya. Nagkibit-balikat lang ito at lumabas na ng kanyang opisina.
Umiling-iling na lang siya at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa bago pa man ang pinsan pumasok. Kung ugali ang pag-uusapan mas malala ang isang iyon.
Reid Hunter De Sandiego is a ruthless businessman. He's a rancher but the most ruthless among them.
Pagsapit ng 2 o'clock ng hapon ay nasa daan na siya papunta sa DSCEC Tower.
Ito ang nagsisilbing connection nilang magpipinsan. Halos hindi na kasi sila magkikita-kita dahil sobrang busy nila pero kapag may meeting sila ay saka lang sila magkikita-kita dahil takot naman ang mga ito na mabawasan ng milyones ang mga pera ng mga ito.
Blame Atty. Clifford Augustus De Sandiego, their late grandfather, for this.
Kapag isa sa kanila ay wala, kailangan nitong bayaran ng one million kada isa sa kanila na naroon, serve as fines.
Hindi siya natatakot na mabawasan ang pera niya dahil wala naman siyang pakialam sa pera. Wala lang talaga siyang importanteng ginagawa at gusto rin niyang makasama ang mga pinsan.
Nasa parking lot na siya ng DSCEC Tower at lalabas na sana siya ng kanyang sasakyan nang makita niya ang kapatid na si Scarlett kasama si Yelena at isa pang babae na hindi naman niya kilala. Sa leeg ng babae ay isang dslr camera.
What are they doing here?
Napakunot ang noo niya nang makita niyang pinigilan ng babae ang kapatid niya sa paglalakad kaya napahinto ito pati ang pinsan na si Yelena.
Mas lalong kumunot ang noo niya nang makitang sinisipat na ng babae ang sasakyan niya. Hindi naman siya nangangambang makita ng mga ito dahil tinted at sobrang kapal ng window shield ng sasakyan niya.
Base sa reaksyon ng mukha ng kapatid niya ay nakilala nito ang sasakyan niya. Gumalaw ang mga labi ng kapatid kaya alam niyang may sinabi ito sa babaeng may nakasukbit na dslr camera sa leeg.
Nakita niyang umalis ang kapatid, kasama si Yelena pero nagpaiwan ang kasama nitong babae.
Agad siyang napaayos sa pagkakaupo nang makitang naglakad palapit ang babae sa sasakyan niya kaya mas lalo niyang napagmasdan ang mukha nito.
Simple but so beautiful. But not the type of woman I want. Sa isip-isip niya.
Mukhang kaedaran lang kasi ito ng kapatid niya at hindi siya pumapatol sa mga babaeng mas malayo ang agwat ng edad nila sa isa't isa.
Mataas ang standards niya pagdating sa mga babae niya.
A smirk formed on his lips as he saw her lift the camera she was holding and focus it directly on his car.
"She wants a picture of my car, huh?"
He chuckled. Amused. Well, he can't blame the girl. His sports car is the latest model and the most expensive one.
Dalawang shots pa ang ginawa nito bago siya nagpasyang lumabas ng sasakyan. Sinadya niyang hindi muna tumingin para hindi nito mahalata na kanina pa niya ito pinapanood mula sa loob ng kaniyang sasakyan.
But he felt the urge to look at her and f**k, muntik na niyang maihulog ang car keys na hawak niya dahil sa hitsura nito.
Nanlalaki lang naman ang magagandang mga mata nito, at dali-daling tumalikod at tumakbo palayo.
Damn it! Napakainosente nito!
The thought of her made him smile. He chuckled upon looking at her, running to the sides where his sister's car.
Nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan ay saka lang siya tumalikod at naglakad papasok sa De Sandiego Tower.
"Good afternoon, Sir," bati sa kanya ng guard na nakatalaga sa may entrance ng building.
Bahagya pa itong yumukod pero as usual ay binigyan lang niya ito ng poker face look. Sanay na rin naman ito sa kanya. Well, he wasn't the only one because all of them and his cousins were the same.
"What are my sister and cousin doing here?" he asked the guard.
"Noong isang linggo po ay nagpa-appointment po sila rito, Sir. Gusto raw kasing kuhanan ni Ma'am Scarlett ng mga litrato ang mga bahagi nitong building."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Why?"
"Sa gagawing thesis daw ni Ma'am Scarlett, Sir."
Tumango siya at tumuloy na sa private lift.
The meeting went well, but his mind was far from the four corners of the conference room.
Damn you, Gabriel! He silently cursed himself.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya makakalimutan ang hitsura ng babae doon sa parking lot. Ang mukha ng babaeng iyon ang laman ng isip niya sa buong durasyon ng meeting.
"You're not in yourself, dude. Problem?" Craigh asked.
Nasa parking lot na sila. Hindi muna ito tumuloy sa pagpasok sa sasakyan nito.
He chuckled. "Nah," and shook his head.
Craigh's one eyebrow arched. "You want to have a drink in my bar?"
Tumango siya. Mukhang kailangan nga niya ng alcohol at nang mawala itong kahibangan niya. He got drank that night. Kaya kinabukasan ay masakit ang ulo niya kaya nagpasya siyang hapon na tumungo papuntang Tagaytay para sa kaarawan ng kambal na mga anak ni Jacob.
Nang makarating siya sa Tagaytay ay hindi muna siya dumiretso kung saan ang rest house ni Jacob. Dumiretso siya sa kabilang isla kung saan siya naman ang nagmamay-ari. Ang Green Isle Inc.
May Villa siya sa gitna niyon pero malayo sa mga taong pupunta ng kanyang resort. He was exhausted. Kaya gusto niya munang magpahinga.
Nang makarating siya sa Green Isle ay kaagad niyang ibinigay ang susi ng kanyang sasakyan sa staff ng De Sandiego Hotel na pag-aari ng pinsan niyang si King Zacharias.
"Magandang umaga po, Sir," bati sa kanya ng mga staff ng hotel.
Walang imik siyang nagpatuloy sa paglalakad, diretso sa kanyang motorboat na nakaantabay lang sa may daungan.
Pero hindi pa man siya nakaabot doon nang makarinig siya nang impit na boses ng babae na humihingi ng tulong.
Nagpalinga-linga siya para hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Kaagad naman niyang nakita ang isang babae na kinakaladkad ng isang lalaki.
Hindi siya mahilig makialam dahil ayaw niyang masangkot na naman sa isang bagay na ikasisira ng reputasyon niya at sa reputasyon ng mga magulang niya. But this time, he feels the urge to intrude with them.
Nang makalapit siya ay nakita niya kung paano suntukin ng lalake ang babae. Pero agad siyang natigilan nang mamukhaan niya ang babae.
Damn! She was the girl in DSCEC parking lot.
F**k! Dali-dali siyang lumapit at walang habas na hinila ang gagong lalake na halos nakapatong na sa babae at pinagsusuntok ito.
"You die assh*le!" sigaw niya.
Halos patayin na niya ito sa suntok. Ilang saglit lang ay marami ng mga security ang lumapit sa kanila.
Pati ang limang bodyguards na itinalaga ng ama niya para sa kaligtasan niya ay nasa harapan na rin niya at nakiawat na rin.
"Get that f*****g assh*le out of my property. And make sure he will rot in hell! Dahil kapag nakita ko pa iyan ulit dito, papatayin ko na iyan!" Sigaw niya sa mga guard.
He's fuming mad. Sobra-sobra ang galit na nararamdaman niya.
He cursed again and again. Nang balingan niya ang babae na nakabulagta sa buhangin at wala ng malay ay mabilis niya itong nilapitan. Hinubad niya ang suot niyang coat at agad tinabon sa halos hubad ng katawan ng dalaga.
"Damn it!" he cursed loudly at kaagad niya itong binuhat.
"Boss—"
"F**king drive my f*****g motorboat." Utos niya sa isa sa mga bodyguard niya habang sunud-sunod pa rin ang pagmumura.
Kaagad naman itong tumalima. Sumampa naman siya kaagad na karga pa rin ang babae.
"I'm sorry, baby... I was late." He whispered and caressed her pale cheeks.
Pagdating niya sa Villa ay idineretso niya ang babae sa kaniyang kuwarto. Agad din niyang tinawagan ang pinsan niyang si Reichel. Good thing at naroon na ito sa rest house ni Jacob at makakapunta kaagad ito rito sa Villa niya.
Kuyom ang kamao habang hindi mapakaling nagpalakad-lakad siya sa labas ng kanyang kuwarto. Naghihintay siya sa pagdating ng pinsan niya.
"Where is she, kuya?!" Umiiyak na tanong kaagad ni Scarlett sa kanya.
Nakasunod dito sina ate Reichel, Yelena at Heejhea kasama rin ng mga ito si Jacob.
"Where is she, Gab?" ani ate Reichel nang makalapit ito sa kanya.
"She's in my room." aniya at binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto.
Bahagya pa ang mga itong nagulat. Pero saglit lang din at agad din namang pumasok kasunod ang kapatid at mga pinsan niya.
"Ano ba'ng nangyari, kuya?" Scarlett asked, still crying.
Niyakap na lang niya ito at inalo.
"Gab, what really happened to her?" Heejhea asked, kaya napunta ang atensyon niya rito.
He sighed heavily and tilted his head.
"I was passing by... patungo rito sa Villa when I saw a man dragging her and tried to—f**k that bastard. I will kill him by myself," he said with gritted teeth.
Kumuyom ang mga kamao niya. Hindi niya kayang isipin ang maaaring mangyari sa babae kung sakaling mas nahuli pa siya ng dating kanina.
"Kuya, thank you. Thank you for saving my best friend." Umiiyak na sabi ni Scarlett at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Ngayon lang niya ito nakitang naging emosyonal pagdating sa isang kaibigan. She must really love her best friend.
"Thank you, kuya Gab." Yelena said. Umiiyak na yumakap na rin sa kaniya.
Nakita rin niyang umusal ng pasasalamat si Heejhea sa kanya habang yakap-yakap naman ito ni Jacob.
Ilang saglit lang ay nagsidatingan na rin ang iba pa nilang mga pinsan at nakikiusisa sa nangyari.
He excused himself to take a shower. Until now, he was upset about what had happened.