"ATE, pupunta po ako ng Maynila. Okay lang po ba, sa 'yo?"
Natigil sa paghakbang papasok sa may kaliitan nilang bahay ang ate Cleo niya, nang sabihin niya iyon dito. Kakauwi lang nito galing sa palengke.
"Ha? Anong gagawin mo doon?" tanong nito.
Tumuloy ito sa kanilang kusina. Inilapag muna nito ang bitbit na basket na may lamang mga gulay at isda sa maliit nilang mesa bago siya nito hinarap.
Inilabas niya mula sa bulsa ng kaniyang suot na bestida ang natanggap niyang letter galing sa PUS. Ibinigay ito sa kanina ng principal kanina.
"Kasi, Ate, mag-take ako ng exam sa PUS!" Excited niyang sabi rito. Sabay pakita niya sa letter na hawak niya.
Kinuha nito ang letter at binasa.
"Talaga? Gagawin mo iyon? Ano? Nakapag-review ka na ba? Ay teka iyong mga damit mo, na-empake mo na ba?" sunud-sunod na tanong nito sa kaniya.
Natatawa naman siya sa pagkaaligaga nito.
"Ate, relax lang po. Isang araw lang ako doon at uuwi naman ako kaagad matapos ang exam," aniyang natatawa pa rin.
Masaya siya na makitang masaya ang ate Cleo niya.
"Oh! Gano'n ba. Siya sige, mag-review ka na muna. Ako na ang bahalang mag-empake ng mga damit natin," anito at kaagad siyang iniwan at nagtungo sa kuwarto nila.
Kinabukasan ay maaga silang nagpunta sa airport para bumili ng kanilang ticket. Nakakuha naman kaagad sila. 17-year-old lang siya kaya bawal na sumakay siya sa eroplano na walang kasamang matanda o mas nakakatanda sa kaniya.
Pagdating nila sa Maynila ay agad silang tumuloy sa isang hotel. Ang dami-daming pang good luck na sinabi ang ate Cleo niya sa kanya nang ihatid siya nito sa University na pagkukuhaan niya ng exam.
Excited na kinakabahan siya, dahil paano kung hindi siya makapasa? Siguradong madi-disappoint ang ate Cleo niya sa kanya.
Okay sana kung nakasama niya si Lenna, hindi sana siya ganito ka kabado. Kaya lang hindi.
Kaagad niyang inilibot ang paningin sa buong University pagkapasok niya sa loob. Ang ganda ng buong PUS.
Pero natatakot din siya at the same time, dahil sigurado siya na puro mga mayayaman ang mga estudyanteng nag-aaral dito.
Matapos ang kanyang exam ay umuwi rin sila kaagad.
Nasa loob na siya ng barko at nakahiga sa ibabaw na bahagi nang double deck. Nag-barko na lang kasi sila pauwi para mas makatipid. Bahala na kung tatlong araw rin silang maglalayag. Magkahiwalay rin sila ng ate Cleo niya ng deck. Nasa unang floor siya sa super ferry na sinakyan nila. Ito naman ay nasa ikalawang floor.
Nakatingin siya sa mangasul-ngasul na tubig ng dagat mula sa binatana habang iniisip niya ang nangyaring exam kanina nang may marinig siyang umiiyak. Sa sobrang curious niya ay sinilip niya ito.
Isang babaeng umiiyak na nakatingin sa isang litrato ng bata.
"Anak mo?"
Hindi niya napigilang tanong kaya napatingala sa kanya ang babae. Namangha pa siya sa hitsura nito. Napakaganda nito. Para itong artista.
Suminghot ito at agad na pinahiran ang luhang naglandas sa pisngi nito saka marahang tumango. Napatitig siya sa litratong hawak nito.
"Ang pogi. Wait, parang may kahawig siya," aniya, at pilit iniisip kung sino iyong taong kahawig ng anak nito. "Ah! I remember, kamukha niya si Mr. King Jacob De Sandiego, iyong business tycoon. Iyong may-ari ng Banco De Sandiego." Nanlalaki ang mga matang sabi niya nang maalala niya ang mukha ng lalaki na nakita niya sa magazine.
"Pero imposible kasi binata pa naman iyon. At saka---uh, sandali, may magazine ako rito, inaabangan ko kasi lahat ng bachelors na na-features dito sa Yes! Magazine. Kasi 'di ba lahat ng miyembro d'yan ay mga mayayaman at hindi lang basta mayaman. Mga bilyonaryo raw." Daldal niya pa habang nagkakalkal sa dala niyang bag.
Nang makuha niya ang magazine sa kailaliman ng kanyang bag ay kaagad niya iyong binuklat kung saan ang picture ng lalaking kahawig ng anak nito.
Napangiti siya nang makita na niya ang larawan. Bumaba siya para maipakita niya sa babae ang larawan ng lalaking tinutukoy niyang kahawig ng anak nito.
"Tingnan mo? 'Di ba, magkahawig sila ng anak mo?" aniya habang naupo sa tabi nito.
May mga magazine talaga siyang kinokolekta. Galing iyon sa malayong kamag-anak niya, may kaya iyon sa buhay kaya afford nitong bumili ng mga ganitong magazine.
Inaabangan na lang niya kapag binabasura na nito iyon, pati mga pinaglumaang libro nito ay kinukolekta rin niya para basahin.
"Baka nagkataon lang, sabi mo nga imposible, 'di ba?" sabi nito.
Nakita pa niyang may dumaang sakit sa mga mata nito pero saglit lang din iyon kaya hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon.
Napangiti siya.
"Baka nga. Ayon kay google, bawat isa sa atin ay may mga kahawig daw tayo kahit hindi naman natin kaanu-ano. Kaya tama ka, baka nagkataon lang."
Hindi pa rin ito umiimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Ah, ako nga pala si Kate Emerald. Taga-Davao ako, sa may Agdao ang amin. Nagpunta lang kami ng ate Cleo ko ng Maynila para mag-take ng exam sa PUS for scholarship. Iyong ate Cleo ko nasa second floor nitong barko. Magkahiwalay kasi ang ticket number namin. Saan ka nga pala sa Davao, Ate?" tanong niya.
"Call me, Heejhea Angela. Sa Heart Foundation ako, sa Buhangin," sagot naman nito.
Kaagad namilog ang mga mata niya. Alam niya ang Foundation na iyon.
Lagi siyang pumupunta roon kapag wala siyang ginagawa. Tinutulungan niya ang kaibigang si Lenna sa tuwing may okasyon o di kaya sa pag-aalaga ng mga bata. Kaibigan din niya si Sister Hermie.
Nakakalungkot nga lang dahil hindi nakapasok sa standards for scholarship si Lenna. Sabay pa man nilang pinangarap iyon pero hindi umabot ang General Average(GA) nito sa standard ng PUS.
Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang alok ng kanilang principal na ipapa-register siya nito bilang isa sa mag-a-apply ng scholarship sa University na iyon.
"Puwede ba kitang tawaging ate Jhea?"
Simula noon ay lagi na silang nagkikita, lagi na rin kasi siyang pumupunta sa Heart Foundation habang hinihintay ang resulta ng scholarship exam niya. Lagi rin itong pumupunta sa bahay nila, at naging magkaibigan na rin ito at ang ate Cleo Elizabeth niya. Hanggang isang araw...
"Are you okay?"
Bigla naman siyang natauhan nang marinig niya si Scarlett. Nasa kuwarto na sila ni Yelena, dito sa rest house nina ate Heejhea at kuya Jacob.
Matapos ang makabagbag damdamin nilang pag-uusap ni ate Heejhea kanina ay pinagpahinga na siya ng mga ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na iyong lalaking nakausap niya noon sa chapel ng hospital kung saan dinala at namatay ang ate Cleo niya ay ang asawa pala ni ate Heejhea. Hindi na kasi niya ito namukhaan dahil wala rin siya sa tamang huwisyo noon.
"Oo. Hindi lang ako makapaniwala na makikita ko ulit si ate Heejhea na... na alam mo iyon..."
Ang hirap banggitin. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
Ang hirap banggitin kasi kapag inaalala niya baka maisiwalat niya lahat ng mga kinikimkim niyang sakit at pagkalungkot mula nang mawala ang ate Cleo niya.
"Grabe pala, no? Parang nasa teleserye tayo," ani Scarlett.
Kita niya sa mukha nito ang pagkamangha.
"Thank you for saving ate Heejhea." Sisinghot-singhot na sabi ni Yelena at niyakap siya ng mahigpit. "You don't know how thankful we are, especially kuya Jacob."
'Thank you for saving my wife's life.'
Napangiti siya ng maalala niya ang mga sinabi ng kuya nito sa kanya kanina.
She’s not the one who saved ate Heejhea's life, it was ate Cleo. Dahil puso nito ang ipinalit sa puso ni ate Heejhea.
Kanina lang din niya nalaman na kay ate Heejhea pala napunta ang puso ng ate Cleo niya.
Noon ay tinanong niya ang Diyos, kung bakit ang ate Cleo niya pa? Sinisisi niya lahat, pati sarili niya ay sinisisi niya dahil wala siyang nagawa para iligtas ang ate Cleo niya.
Pero nang nakausap niya si kuya Jacob noon sa chapel, hindi man niya alam na asawa pala ito ni ate Heejhea, ay kaagad siyang nagdesisyon na ibigay sa asawa nito ang puso ng ate niya.
Ngayon, nang makita niya kung gaano kasaya ang pamilya ng taong natulungan nito, ay masaya siya sa naging desisyon niya at siguro kagustuhan din ng Diyos na mangyari iyon sa ate niya, just to save another life.
Pero hindi ibig sabihin n'yon na hindi na niya pagbabayarin ang taong may gawa niyon sa ate niya.
Someday I will find you and I'll make sure you'll rot in jail.
"Ate gusto kong puntahan si ate Heejhea, please..." pakiusap niya sa kapatid. "Ang daya-daya niya, hindi man lang niya ako kinausap na uuwi na pala siya."
Nagpunta sila kanina sa Foundation para bisitahin ito at ang mga bata pero nagulat na lang siya nang malaman niya mula kay Sister Hermie na umuwi na raw ito ng Maynila dahil kinuha na raw ito ng asawa nito.
"Nagtatampo ka na n'yan?" biro naman ng ate Cleo niya.
"Ate naman eh! Gusto ko nga siyang makita." Pagmamaktol niya at napapadyak pa kaya tuluyan na itong natawa.
"Oo na. Ikaw, sobrang demanding mo na. Saan mo ba iyan natutuhan, ha?" anito.
Kunwari ay galit pero alam niyang binibiro lang naman siya nito.
Suminghap siya at pawisan ang noo na nagising na naman sa isang panaginip.
Napatingin siya kina Scarlett at Yelena. Tulog pa ang mga ito kaya dahan-dahan siyang bumangon para hindi ang mga ito madisturbo.
Magkatabi silang tatlo na natulog sa malaking kama ni Yelena. Mabuti na lang at hindi niya ang mga ito nagising sa nagawang ingay niya.
Kinuha niya ang dslr niya sa kaniyang bag saka lumabas ng kuwarto. Gusto niyang maglakad-lakad na muna sa labas nang makalanghap naman siya ng sariwang hangin.
Nang tuluyan na siyang makalabas ay kaagad siyang nagtungo sa may kakahuyang bahagi ng rest house. Nakita niya ito kahapon at gusto niyang kumuha roon ng mga magagandang larawan.
Panay ang kuha niya ng larawan kaya hindi na niya namamalayan na malayo na pala ang narating niya.
Mataas na rin ang sikat ng araw. Naaaliw na tinitingnan niya ang mga nakuhang larawan niya habang naglalakad.
"A beautiful sunrise," sabi niya sa sarili at kaagad napangiti.
"Hi, Miss."
Napahinto siya at bahagyang umatras nang may lalaking maangas ang mukha na lumapit sa kanya.
Nakangisi pa ito na ikinangiwi niya. Hindi niya ito pinansin at lumihis sa kabilang bahagi ng daan at mas binilisan pa niya ang paglalakad pabalik ng rest house nina ate Heejhea at kuya Jacob.
"Ang suplada mo naman." Galit nitong sita sa kanya, kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad. "Pero iyan ang mga gusto ko sa babae, kunwari pakipot pero bibigay rin naman." dugtong pa nito at tumawa ng malakas.
Kaya napatakbo na siya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya, na halos hindi na siya makahinga sa sobrang takot at kabang nararamdaman.
“Ahh!” Napatili siya nang matapilok siya at nadapa.
"Gotcha!!" sabi ng lalaki nang maabutan siya nito.
Napadaing siya nang hatakin nito ang buhok niya. Nagpupumiglas siya para makawala sa hawak nito.
Halos madurog din ang braso niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng lalaki roon na alam niyang gumawa iyon ng marka, pagkatapos.
"Bitawan niyo ako! T-Tulong!" Impit na sigaw niya.
Pero agad siyang napaigik nang bigla na lang siya nitong suntukin sa kaniyang sikmura. Natumba siya ulit at namimilipit sa sakit na napahiga sa lupa.
Nanlalabo na rin ang mga mata niya dahil sa luha at para siyang malalagutan ng hininga sa sobrang sakit ng sikmura niya.
"H-H'wag p-po... m-maawa p-po k-kayo." Hirap na pagmamakaawa niya sa lalaki habang kinakalmot niya ito.
"Ate Cleo, tulong..." mahinang usal niya.
Humihikbing pilit pa rin siyang nanlaban nang dumagan sa kaniya ang lalaki. Hinaklit nito ang suot niya na nagpatili sa kaniya. Pero bigla na lang itong naalis sa pagkakadagan sa kaniya nang may humaklit dito.
Nanghihinang pilit siyang bumangon pero nabuwal lang siya ulit.
"You die, assh*le!" Huling salita na narinig niya sa isang lalaki bago siya nawalan ng malay.
NAGISING siya na sobrang sakit ng katawan niya. Particularly sa may bandang tiyan niya. Nang maalala ang nangyari ay kaagad siyang nagpanic.
"Hey, Era, relax h'wag ka munang gumalaw." Kaagad na pigil sa kanya ni Scarlett. Ilang ulit pa niyang ikinurap-kurap ang mga mata para siguraduhing ang kaibigan nga niya ang nasa harap niya ngayon.
Totoo ba talaga? Ligtas na ba siya?
"Kuya!" Sigaw ni Scarlett.
"S-Star..." Namamalat pang sambit niya sa pangalan ng kaibigan.
"Oo, ako ito. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" naiiyak na sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Namamaga at namumula pa ang mga mata nito.
"Scarlett, why are you shouting?" Isang lalaki—o mas tamang sabihing isang greek god na bumaba galing sa Mt. Olympus ang biglang pumasok sa kuwarto kung nasaan sila ng kaibigan niya. Nakatapis lang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito at basá pa ang katawan.
Mukhang naliligo ito at dahil narinig ang malakas na sigaw ni Scarlett kaya napasugod ito rito nang wala sa oras.
Pero hindi pa man ito tuluyang nakalapit sa kanila nang magkasunod naman na pumasok sina Yelena at ate Heejhea. Parehong umiiyak. Napaigik pa siya ng dambahin siya ng yakap ng dalawa.
"Nakakainis ka! Alam mo ba iyon, ha? Halos himatayin ako sa sobrang pag-aalala, sa 'yo? Bakit umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam?! Sobra mo kaming pinag-aalala!" Umiiyak na sigaw ni ate Heejhea habang patuloy ang mahinang paghampas nito sa kaniya.
"F**k! Stop that, Jhea, she's hurting!"
Napalingon silang lahat sa may pinto nang marinig ang pagsaway ng isang lalaki kay ate Heejhea. Ito 'yong lalaking unang nakita niya kanina. Mabuti naman at nakabihis na ito.
Natigil naman si ate Heejhea sa paghampas sa kanya.
Naalala tuloy niya ang ate Cleo niya rito. Hinahampas siya nito kapag pinag-aalala niya ito ng husto. Siguro dahil puso ng ate Cleo niya ang dinadala ng ate Heejhea niya ngayon.
"Don't curse and shout my wife, Gabriel!" Sita ni kuya Jacob doon sa lalaking sumaway kay ate Heejhea.
Napatingin siya kay kuya Jacob. Saka lang din niya napansin na may iba pang mga lalaking nandito. Pamilyar sa kaniya ang mga mukha ng mga ito pero hindi niya kilala ang mga pangalan.
Nagsusukatan ang dalawang lalaki ng tingin. Kung hindi pa tinapik sa balikat ng isang lalaki iyong Gabriel ay hindi matigil ang tensiyon sa loob ng kuwarto.
"Lumabas na nga kayong lahat!" Sita ng isang babaeng kapapasok lang. Namangha naman siya sa hitsura nito. Mukhang modelo yata?
Nagsilabasan naman kaagad ang mga lalaki. Maliban kay Gabriel dahil nanatili lang itong nakatayo malapit sa may pinto at matamang nakatitig sa kaniya.
Kinabahan na naman siya. Naiilang na iniwas niya ang tingin sa lalaki.
“Lalabas na muna kami, itse-check ka muna ni ate Chel, okay?” malumanay na sabi ni ate Heejhea at tumayo na. Marahang tumango lang siya.
Inalalayan naman kaagad si ate Heejhea ng asawa nito at lumabas na ang mga ito ng kuwarto.
“Ikaw, lumabas ka na muna,” sabi ng babae kay Gabriel na kanina pa nakatitig sa kaniya.
Nakita naman niya ang pag-alon ng dibdib ng lalaki sa isang malalim na buntonghininga, pagkatapos ay tumalikod at lumabas na rin ng kuwarto. Pero mukhang napipilitan lang.
"I'm Reichel and I am your attending physician." Nakangiting pagpapakilala ng babae sa kaniya nang sila na lang dalawa ang naiwan dito sa silid.
Kumurap naman siya. Parang mas bagay dito ang magmodelo kaysa maging doctor.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Malumanay na tanong nito sa kaniya.
"S-Sobrang sakit ng tiyan ko po at hindi ko maigalaw iyong kanang paa ko." Pagsasabi niya ng totoo rito. Pumiyok pa ang boses niya dahil parang maiiyak na naman siya.
Tumango ito.
"May malaking pasâ ka sa tiyan dulot ng pagkakasuntok ng lalaking iyon, sa 'yo. Iyong kaliwang paa mo naman ay na-sprain kaya kailangan na munang ma-sedate. Don't worry maya-maya lang ay puwede mo na iyang maigalaw. Pero hindi mo muna puwedeng itapak sa sahig dahil namamaga pa iyan." Mahabang paliwanag nito.
Pero wala naman siyang naiintindihan dahil ang isip niya ay nandoon sa nangyari sa kaniya. Muntik na siyang ma-rape kung hindi dumating 'yong lalaking tumulong sa kaniya.