SABAY silang napatingin ni Scarlett kay Gabriel. Nasa paanan ito ng hagdanan, standing like a Greek god.
Magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay. His deep gray eyes were very serious looking at Scarlett. Then transferred to her.
Hindi niya nakayanan ang lamig sa mga mata nito kaya ibinaba niya ang tingin sa suot nito.
He's wearing an expensive black V-neck t-shirt with maong pants on his lower part. Basa ang buhok nito kaya alam niyang tapos na itong naligo.
"Kuya," Scarlett approach him.
Muli siyang nag-angat ng tingin sa mukha ni Gabriel. Hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kaniya, kahit nasa harap na nito ang kapatid.
Kaagad niyang iniwas ang tingin sa lalaki. Kung hindi lang dahil sa namamaga niyang bukung-bukong sa kaliwang paa, baka kanina pa siya nakaalis sa islang ito sa sobrang kaba sa klase ng tinging ipinupukol ni Gabriel sa kaniya.
He is mad.
"What are you doing here, brat? You're supposed to be on that party."
Narinig niyang sabi nito sa kapatid. Hindi man lang nabawasan ang kalamigan ng boses nito.
Muli siyang napatingin dito. Nakita niyang mas lalo pang nagsalubong ang makakapal nitong kilay na nakatingin kay Scarlett.
Nagalit yata talaga ito na pinagtsi-chismisan nila ang buhay nito.
"Hindi ko na tinapos, Kuya. Saka nagpaalam ako kina ate Jhea at kuya Jacob na pumarito," nakasimangot na tugon ng kaibigan niya.
Napaiwas siya ng tingin at napatungo. She felt guilty. Hindi yata nag-enjoy ang kaibigan niya dahil sa kalagayan niya at halata iyon sa boses nito ngayon.
Alam niyang nag-aalala si Scarlett sa kalagayan niya ngayon, lalo pa at sa Lunes na magsimula ang OJT niya. Sana nanahimik na lang talaga siya sa apartment niya.
Pero kung hindi naman siya lumabas sa rest house nina ate Jhea at kuya Jacob at kung saan-saan nagsusuot, hindi siguro ito nangyayari sa kaniya.
"May pakiusap sana ako sa 'yo, Kuya,"
Nag-angat siya ng tingin kay Scarlett sa sinabi nito. May problema ba ang kaibigan niya? Bigla naman siyang nakaramdam ng pag-aaalala rito.
"What is it?" kunot ang noong tanong ni Gabriel sa kapatid.
His tone still very serious. Kung hindi lang niya ito nakausap na malumanay ang boses ay baka natakot na siya.
"Napaaga kasi ang OJT namin ni Yelena, kaya walang mag-aalaga kay Era."
Nilingon siya ni Scarlett. Mas lalong tumambol ng malakas ang dibdib niya. Nagtatanong ang mga mata niya rito, pero agad din naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya at muling itinuon ang mga mata kay Gabriel.
"And?" Gabriel queried, with his stoic face.
"Kung maaari sana, sa 'yo muna si Era. Mag-isa lang kasi siya sa apartment niya. Walang mag-aalaga sa kaniya roon."
Napasinghap siya. Namilog pa ang mga mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. What the! Heck no! Kaya niyang alagaan ang sarili niya!
"Okay—"
"No way!" Sigaw niya at biglang napatayo.
Nakalimutan niyang may pinsala ang kaliwang paa niya at naitapak niya iyon sa sahig.
Napahiyaw siya sa sobrang sakit at kaagad nabuwal.
Narinig niya pa ang malutong na pagmumura ni Gabriel at ang pagsigaw ni Scarlett sa pangalan niya bago siya tuluyang nawalan ng malay sa sobrang sakit.
Nagising siya sa hindi pamilyar na kuwarto. Pero alam niyang nasa hospital siya dahil sa nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay at amoy alcohol din ang paligid.
Kinurap-kurap niya ang mga mata at inaalala ang nangyari at bakit siya naospital. And she groaned when she remembered her stupidity.
Sinubukan niyang igalaw ang kanyang paang may pinsala at gano'n na lang ang pagluwag ng dibdib niya nang maigalaw pa naman niya ang paa.
"Thanks God!" mahinang usal niya.
Agad na napatingin siya sa may pinto ng kuwartong kinaroroonan niya nang bumukas iyon.
Her breath hitched when Gabriel entered the room and their eyes met.
Wala sa sariling napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib nang biglang tumibok iyon ng malakas.
Kunot ang noong naglakad ito palapit na sa kamang kinahihigaan niya.
"Are you okay?" tanong nito.
Nasa gilid na ito, sa kanang bahagi ng kama, nakatayo at nakatunghay sa kaniya. Ang malamig nitong mga mata ay nagkaroon ng emosyon. Awa.
Naawa siguro sa kalagayan niya.
"O-Oo. I-I'm sorry," she said in a broken voice.
Pakiramdam niya ay maiiyak na lang siya bigla sa harapan nito.
He sighed deeply and sat at the edge of the bed she was lying in, and in one blink of an eye, he lowered his head and kissed her temple.
Her body went rigid.
"Don't do that again, 'kay?" May himig pag-aalala sa boses nito.
Napakurap siya. Dumadagundong na naman ng malakas ang puso niya. He kissed her on her forehead. Why did he do that?
Napalunok siya at agad na nag-iwas ng tingin dito.
Pumatlang ang katahimikan. Mukhang pati yata ay nagulat sa iniakto nito.
Tumikhim ito at napatayo ng tuwid.
Pero nang maalala niya ang nangyari ay agad bumalik ang panic niya. Alam niyang medyo masama talaga ang pagkakatapak niya kanina.
"M-Makakalakad pa ba a-ako?" kinakabahang tanong niya, nang maalala ulit ang nangyari kanina.
Malakas ang puwersang naitapak niya ang mga paa sa sahig kanina at sobrang sakit ng nararamdam niya na hinimatay talaga siya.
God! Paano kung napuruhan na talaga itong paa niya? Paano kung hindi na siya makakalakad? Pinangiliran siya ng luha sa mga iniisip.
"Of course. But after a month, kung hindi na matigas iyang ulo mo."
"What?! O-One month!" She squeaked in shock.
"Hey, easy." saway kaagad nito sa kanya.
No! Hindi puwede iyon.
"Hindi puwede iyon. May OJT ako. Paano na iyon?" tuluyan na siyang napaiyak.
Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang uhugin na bata sa harap nito.
Apat na taon din siyang naghihirap para lang makarating sa finish line. Pero ganito lang ang mangyayari dahil sa katigasan ng ulo niya.
"Sshh, don't worry, I'll deal with it."
Parang nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito at natigil sa pag-iyak.
Huh? Naguguluhang nag-angat siya ng tingin sa lalaki.
He'll deal with it? Paano?
"I'll deal with your professor but in one condition,"
Kumunot ang noo niya. "Condition? Kung tungkol iyan sa hiling ni Scarlett sa 'yo, fine, papayag na ako."
As if she had a choice. Sa kondisyon niya ngayon ay wala talaga siyang choice kundi ang tumira sa bahay nito.
"That, yes. But there's another one."
Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay.
"So, may kapalit talaga lahat ng pagtulong mo sa 'kin?" tanong niya.
Biglang nakaramdam siya ng inis sa lalaki sa mga pinagsasabi nito.
"Of course. Sa panahon ngayon ay wala ng libre."
Agad naman na nanliit ang mga mata niya sa sinabi nito.
So, ang akala niyang good Samaritan ay nagpapanggap lang.
Paano ba niya ito naging crush sa maikling panahon? Oh, dahil akala niya mabait ito, matulungin, sa kabila ng pagiging malamig nito, hindi palangiti at laging magkasalubong ang mga kilay.
Seryoso lang ang mukha nito kaya alam niyang hindi ito nagbibiro. Pero kailan ba ito nagbibiro?
Her heart was thudding so fast, kaya siya na ang unang nag-iwas ng tingin dito.
"What is it?" tanong niya.
Nakatuon pa rin sa ibang direksyon ang mga mata niya.
Sana naman hindi labag sa loob niya ang hihingin nitong kapalit mula sa kanya.
"Marry me,"
Parang biglang nag-shutdown ang pandinig niya sa dalawang salitang lumabas sa bibig nito.
Is he serious? O, siya lang itong asyumera at kung anu-ano na lang ang naririnig niya? At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lang siyang natawa.
Tiningnan niya ito. He looked so serious. Wala siyang makita sa mukha nito na nagbibiro lang ito o ginu-good time lang siya nito at gustong patawanin dahil sa nakakalungkot na sitwasyon niya ngayon.
"A-Are you? I—I mean, —proposing to me?" putul-putol ang salitang tanong niya sa binata.
Mas lalong lumakas ang t***k ng kanyang puso.
"Ah, hindi pala iyon tunog proposal. Tunog isang boss pala iyon na nag-uutos." bahagya pa siyang natawa para pagtakpan ang kabang nararamdaman niya.
Pero hindi pa rin ito natinag at seryoso pa rin siya nitong tinititigan.
"I'm serious, Emerald," he coldly said.
She gasped. Ang nagwawalang t***k ng puso niya ay mas lalo pang nagwala.
She didn't know, but every time he uttered her given name, her heart would beat erratically. At domoble pa iyon ngayon sa sinabi nito.
Fine. Gusto niya ito pero hindi ibig sabihin n'yon na papayag na siya sa kasal na inalok nito sa kanya.
And for what? Bakit gusto siya nitong pakasalan?
"The last time I checked, we're not lovers nor a friend, so why do I have to marry you?" Nakataas ang kilay niyang tanong kay Gabriel.
Totoo naman. Hindi sila magkasintahan at lalong hindi sila magkaibigan. Kung hindi pa nangyari ang insidenteng iyon ay baka ngayon, estranghero pa rin ito sa paningin niya.
Well, estranghero pa rin naman ito dahil hindi pa rin naman niya ito lubusang kilala. But seriously, magpapakasal? That's absurd!
"Because I said so." Matigas ang boses nitong sabi.
Nagtagis ang mga ngipin niya at naikuyom niya ang dalawang kamay.
Matalim ang mga matang sinalubong niya ang titig nito sa kaniya.
"Not because you said so, ay oo na ako sa 'yo d'yan sa condition mo. So, No. Hindi ako magpapakasal sa 'yo." Unless kung sabihin mo sa akin na mahal mo ako.
Gusto sana niyang idugtong pero alam naman niyang imposible iyon.
Tumayo ito at isinuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng mamahaling jeans na suot nito. He towered her, almost emotionless.
"So, hahayaan mo na lang na hindi ka maka-graduate?" malamig at seryoso nitong tanong sa kanya.
Saglit siyang natigilan.
"And oh, I received a letter from one of your professor. He wants my approval to accept his engineering students as a trainee in my company."
Suminghap siya at namilog ang mga mata sa sinabi nito. Ibig sabihin ito ang may-ari ng SGDSteel Enterprises & Constructions?
"I-Ikaw ang may-ari ng SGDSteel Enterprises & Constructions?" hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki.
He smirked. "The one and only, Miss Arguelles."
Napanganga siya. Hindi makapaniwala. Hindi pa kasi niya nabasa iyong ni-research ng kaklase niya tungkol sa may-ari ng kompanyang pag-o-OJT-han nila ng apat na buwan.
Pero nasabi niya iyon kina Yelena at Scarlett. Bakit—natigilan siya nang maalala niya ang mga mukha ng dalawa ng araw na iyon.
"Close your mouth, Miss Arguelles." Gabriel said sarcastically.
Natauhan naman siya at itinikom ang bibig. Nag-iinit din ang buong mukha niya sa pagkapahiya.
Damn this brute!
Napataas ang kilay niya. Eh, ano naman ngayon kung ito ang may-ari? Hindi naman siguro nito idadamay ang mga kaklase niya dahil lang sa tinanggihan niya itong pakasalan.
"Oh, eh ano naman ngayon?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Kahit ang totoo ay kinakabahan talaga siya sa puwedeng gawin nito.
"Okay," anito, bago tumalikod at naglakad na palabas ng kanyang hospital suite.
Pero bago ito tumalikod ay nakita pa niya ang pagkislap ng mga mata nito. What the freaking hell! Totoo ba iyong nakikita niya sa abuhing mga mata nito? Saglit lang iyon pero nakita pa rin niya.
Dumadagundong sa kaba ang puso niya.
"S-Sandali," pigil niya sa binata bago pa man nito mabuksan ang pinto.
Tumigil ito pero hindi siya pinagkaabalahang tingnan pa.
"Anong dahilan mo at inalok mo ako ng kasal?" tanong niya.
"You said, no. So, it's none of your business anymore." malamig nitong sagot, at tuluyan ng lumabas ng silid.
Pero ano iyong lungkot na biglang dumaan sa mga mata nito kanina? Is she that heartless for turning him down?
Pero bakit naman siya hindi tatanggi kung wala naman talaga silang relasyon na dalawa para humantong sila sa pagpapakasal?
Oo, crush niya ito pero hindi iyon sapat na dahilan para pakasalan niya ito lalo pa at parang may iba itong intensyon kung bakit nito siya inalok na pakasalan.
Napaka-imposible rin naman kasi na papakasalan siya nito dahil gusto siya nito.
"Haist! That man, ginugulo niya ang isip ko." Napupurwesyong bulong niya.
Abala siya sa pag-iisip nang bumukas ulit ang pinto ng kanyang suite and this time, sina Yelena at Scarlett na ang pumasok.
"Hey, kumusta?"
Yelena asked her in a worried tone and sat at the edge of her bed.
Sa kabila naman ay si Scarlett na malungkot na nakatingin sa naka-cast niyang paa.
"I'm not okay," pag-amin niya.
"I'm so sorry, Era." Malungkot na turan ni Scarlett.
"Nah, hindi mo naman kasalanan kung bakit ako narito ngayon."
Totoo naman iyon. Siya ang may kasalanan kaya walang dapat sisisihin kundi ang sarili lang niya.
"Paano na iyan? Ang sabi ni ate Chel ay matatagalan pa bago ka makakalakad ng walang saklay at aabot iyon ng isang buwan dahil sa nangyari kanina," malungkot na sabi rin ni Yelena.
Napabuntonghininga na lang siya.
"I'll tell kuya Gabriel to postpone your OJT—"
"H-H'wag na, Star." agap niya sa kaibigan. "Kinausap na ako ng kuya mo at may kapalit ang pagtulong niya sa akin."
Napasimangot siya nang maalala na naman ang lalaki at ang sinabi nito sa kaniya kanina.
"Ha? Kapalit? Anong kapalit?"
"He will do something with my OJT if I'll marry him." nakasimangot niyang sabi.
Naroon na naman ang kaba sa kanyang puso. Hindi na talaga yata iyon mawala kung si Gabriel ang pag-uusapan.
"What?!"
Natakpan niya ng dalawang palad ang magkabilang tainga nang sabay na sumigaw ang dalawa.
Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan pa ang mga ito saka sabay na napatingin ulit sa kaniya.
"Umamin ka nga sa amin, Kate Emerald. May relasyon ba kayo ni kuya Gabriel?"
Siya naman ang nanlalaki ang mga mata sa tanong na iyon ni Scarlett. Nagitla.
"I wish we have," tugon niya ng makabawi sa pagkabigla. "Para may dahilan akong tanggapin ang proposal niyang iyon. But sad to say, wala."
Wish lang talaga niya, meron.
"Kung gano'n, tinanggihan mo si kuya Gabriel?" sabay na namang tanong ng dalawa.
Isang simpleng tango lang ang isinagot niya. Nakita niyang nagkatinginan na naman ang mga ito. Kapwa natahimik.
"Bakit?" tanong niya.
Mas lalong naging kyuryoso siya sa reaksyon ng dalawa.
"Emerald, can I ask you a favor? Please, marry him?" Scarlett pleaded.
Nakakunot ang noong napatingin siya rito. Ngayon lang ito nangyari na nakiusap ang babae sa kanya.
"B-bakit?" naguguluhang tanong niya sa kaibigan.
Napatingin rin siya kay Yelena nang bumuntonghininga ito.
So, may ibang intensyon nga ang pag-alok sa kanya ni Gabriel ng kasal sa kanya kanina?
"Tell her, Scarlett. Bibili lang muna ako ng pagkain natin." Ani Yelena.
Tumayo ito at naglakad palabas ng silid.
Scarlett sighed and looked at her intently, then sighed again. Siya naman ay naghihintay lang sa gustong sabihin nito sa kanya.
"Kuya Gabriel must be married before or on his 30th birthday. And that is one month from now."
Doon na siya natigilan. What the heck!
"Bakit?"
Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan ni Gabriel na mag-asawa bago pa man dumating ang 30th birthday nito.
"Kasali iyon sa last will and testament na iniwan ng lolo namin."
"Ha? Pero puwede naman sigurong hindi niya iyon gagawin, 'di ba?" tanong niya sa kaibigan.
Pero malungkot lang itong umiling.
"Our grandfather was so heartless and wise. He knew our weaknesses at iyon ang ginamit niya para hindi makatanggi sa mga gusto niyang mangyari. Kuya Gabriel's case was not as hard as mine and the rest of our cousin dahil kahit na hindi siya magpapakasal ay mayaman pa rin naman siya. Pero ang hindi niya kayang gawin ay ang mawala sa kanya ang Green Isle Inc. at mahati ang SGDSteel Enterprises & Constructions at mapupunta ang kalahati sa ibang tao."
Napakurap siya at bahagya pang napaawang ang bibig.
"L-Lahat kayo may mga gagawin bago niyo makuha ang mga mana niyo mula sa abuelo n'yong namatay?"
Malungkot na tumango ito. Napangiwi na naman siya. Parang ayaw na yata niyang maging mayaman kung ganito rin lang katindi ang problema niyang papasanin.
"Then, pakasalan niya ang girlfriend niya. Hindi ba, sabi mo sila pa? Wala silang pormal na break up nang umalis iyong babae at saka hinihintay pa siya ng kuya mo hanggang ngayon. Bakit hindi niya puntahan sa Paris at ayaing pakasal? Baka this time, sasagutin na siya ni Natasha." Nakasimangot niyang sabi.
Pero parang may kumirot naman sa puso niya na hanggang ngayon hindi pa rin sumusuko sa paghihintay si Gabriel kay Natasha. Umaasa pa rin ito na babalikan ito ng babae.
"Then, mas lalong mawawala sa kanya ang Green Isle Inc. Ayaw ng pamilya namin kay Natasha lalo na si lolo kaya inilagay rin iyon sa will na iniwan nito kay kuya. "
Napangiwi siya. Kung ganoong ayaw ng mga magulang ni Gabriel sa girlfriend nitong si Natasha, bakit siya ang inalok nito? Kung kumpara naman kay Natasha hindi man lang siya aabot ni dulo ng kuko ng babae?
"W-Wait. Bakit ayaw ng mga magulang at lolo niyo kay Natasha? Maganda, sikat na modelo, may pinag-aralan, at galing pa sa prominenteng pamilya." naguguluhan pa rin niyang sabi.
Sa pagkakaalam pa niya ay anak ng Besi-Presidente ang babae. Kaya kung iisiping mabuti, mas maganda iyon sa pamilya dahil parehong nasa politika ang mga ama nina Gabriel at Natasha. That will strengthen their power in political industry, unless...
"Hindi ko alam. Si kuya lang ang makakasagot sa 'yo n'yan. Kung ikukumpara mo ang sarili mo kay Natasha then h'wag mo nang subukan dahil hindi ka nga papantay sa kanya." nakasimangot nitong sabi na ikinalaki ng mga mata niya. "Dahil b***h iyon," dugtong nito.
Napangiwi ulit siya. Mukhang ito rin yata ay hindi rin gusto ang babae.
"Anyway, I don't want to talk about her. Dahil ayaw ko rin siya para sa kuya ko. Kaya sige na Era, marry my brother please..."
"Tumanggi na ako. Ang sagwa naman yata kung bigla na lang akong magsabi sa kanya na papayag na akong magpakasal sa kanya."
Namilog ang mga mata nito. "Does it mean, na kapag alukin ka niya ulit, papayag ka na?" tanong nito, puno ng pag-asa ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Hindi siya sumagot. So, she plead again. "Please, Era..." pinagsalikop pa nito ang dalawang palad sa tapat ng dibdib nito.
"Fine. Papayag na ako, pero iyon ay kung tatanungin pa niya ako ulit."
She can't resist her friend. She loves Scarlett so dearly that she can't say no her plea.
Sa totoo lang gusto niyang tulungan ang lalaki para makabawi naman siya sa pag-aalaga nito sa kanya kaya lang naman siya tumanggi dahil naiinis siya sa pagiging demanding nito. Saka hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lang itong nag-aalok sa kaniya ng kasal.
"Oh, my God! Thank you, Era!" Scarlett squeaked in happiness and hugged her tight.
Bumukas ulit ang pinto at muling pumasok si Gabriel kaya agad humiwalay si Scarlett mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Kuya Gab,"
Wala ni anumang emosyon ang makikita niya sa mukha ng lalaki at blangko rin ang mga matang tiningnan lang siya nito sandali at dumiretso na sa couch na naroon at kaagad naupo.
Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa inasal nito.
"Tinawagan ka na ba ni Mommy?" Scarlett asked him.
"Yeah."
She flinched when she heard his cold voice. Ewan, pero talagang natatakot siya kapag gano'n na ang tono ng boses ng binata.
"Kuya—" hindi na natapos ang sasabihin ni Scarlett nang bulabugin sila ng tunog mula sa cellphone ni Gabriel.
“It’s Mom, sagutin mo." ani Gabriel at kaagad ibinigay kay Scarlett ang phone nito.
Bumuntonghininga siya at ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Wala siyang balak makialam sa family matters ng mga ito. Pero kinakabahan naman siya sa puwedeng mangyari sa hinaharap kung sakaling pakasalan nga niya si Gabriel.