CHAPTER 6

2354 Words
NAKAHINGA lang si Emerald ng maluwag nang makarating sila sa ibaba at inilapag siya ni Gabriel sa mahabang couch dito sa living room. "S-Salamat," aniya sa lalaki. Tumango lang ito at umupo sa tabi niya. Kaagad naman niyang inilibot ang paningin sa buong villa nito. It's a 3-storey white modern luxury villa. Nakakamangha ang interior design. Puro glass ang wall at natatakpan lang ng makakapal na kurtina. Mukhang pinaggagastusan talaga. "I'm not afraid of heights and I'm not afraid to die," Kaagad nabaling ang tingin niya sa lalaki nang bigla na lang itong nagsalita. Napangiwi siya. Everyone is scared to die. Pero ito ay hindi? Napaka-imposible. Hindi ba ito nanghihinayang sa mga tinatamasa nitong buhay ngayon? May pamilya ito, and he seems happy with them. Hindi gaya niya na kung wala sina Scarlett at Yelena ay wala talaga siyang maituturing na pamilya pero takot pa rin siyang mamatay. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit?" he asked, looking at her intently. Biglang kumalabog ang dibdib niya kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya kayang tagalan ang nakakalunod nitong mga titig. Umiling siya. Ayaw na niyang magtanong dahil pakiramdam niya mas lalo lang siyang matakot kapag marinig niya ang sagot nito. "Coward," bulong nito, pero narinig naman niya. Masama naman niya itong tiningnan. Nagkibit-balikat lang ito at dinampot ang remote ng tv na nakapatong sa maliit na lamesa sa harap nila. "Oo, duwag ako," pag-amin niya. Hindi naman ito nagulat na narinig niya ang sinabi nito. Nanatili lang itong nakatitig sa nakabukas ng television sa harap. Aminado siyang duwag talaga siya. Mula pagka-bata niya ay napaka-dependent na niya sa ate Cleo niya. Lahat ng mga desisyon niya sa buhay ay nakadepende lahat sa ate niya. Kaya nang nangyari ang aksidenteng iyon at nawala ang ate niya ay parang nawalan siya ng kaluluwa. Limang taon na namuhay siyang may dala-dalang takot sa kanyang puso at magpahanggang ngayon. Muli niyang sinipat ang nakabenda niyang paa. Malalim na bumuntonghininga siya. Wala talagang pag-asa na makakauwi pa siya nito ng Davao. Dahan-dahan niyang isinandal ang likod sa sandalan ng couch at ipinikit ang mga mata. Sorry, ate, I can't make it to be with you on your 4th death anniversary. "Good morning, Sir, Ma'am. Handa na po ang almusal niyo." Narinig niyang imporma ng isang boses ng babae. Binuksan niya ang mga mata at agad na nakita niya iyong isa sa dalawang babaeng naghatid ng pagkain niya kahapon. Napangiti siya nang makitang namula ang pisngi ng babae nang tumingin ito sa amo nito. Pero kaagad din itong nagyuko ng ulo nang tingnan ito ni Gabriel. "Let's go?" ani ni Gabriel at tumayo. Akmang bubuhatin na naman siya nito nang inilingan niya ito. Kaagad na kumunot ang noo nito. "Gusto kong gamitin iyong saklay," malumanay niyang sabi rito, bago pa man ito makapagsalita. Sobrang nakakahiya na at lagi na lang siya nitong binubuhat na para bang wala na talaga siyang mga paa. Tinititigan siya nito na parang inaarok kung kakayanin ba niya o hindi. "Are you sure?" he asked. Tumango naman siya. "Oo, hindi naman puwedeng lagi mo na lang akong bubuhatin." "Okay. But please let me know if it hurts o di kaya ay nahihirapan ka." Kinuha nito sa gilid ng couch ang dalawang saklay niya. Pagkatapos ay inalalayan siya nitong makatayo at ito na rin ang naglagay sa magkabilaang braso niya. Natigilan siya at napatitig siya kay Gabriel. Ito ang unang pagkakataon na bukod kina Yelena at Scarlett ay may iba pang taong nag-aalala sa kanya. Hindi man ito ngumiti at parang laging galit pero may malasakit naman pala ito sa kapwa. Wala sa sariling napangiti siya na agad din naman nitong napuna. "What?" Napakurap siya. Agad na nag-init ang pisngi niya at mabilis na itinuon ang mga mata sa ibang bagay. Shit. Matagal na pala siyang nakatitig sa lalaki. Nahuli pa siya nitong nakangiti habang nakatitig dito. Nakakahiya! "What is it, Emerald? Tell me." He demanded. But the way he uttered her name was so gentle. "Ahm... ano nga pala ang p-pangalan mo?" Out of context na tanong niya. Shit! Mas lalo lang na nadagdagan ang hiya niya nang mapagtanto niya kung ano iyong itinanong niya. Ang shunga lang ng naging tanong niya! Kinabahan siya nang makita ang pagkunot ng noo nito. Nanliit pa ang mga mata nito at bahagyang gumalaw ang panga. Galit ba ito? "Seriously? You don't know my name?" tanong nito. Kita niya ang hindi pagkapaniwala sa mukha nito. Napangiwi siya. Gusto tuloy niyang sabunutan ang sarili. Well, narinig lang naman niya ang pangalan nito na binanggit ni kuya Jacob kahapon at hindi rin naman sila pormal na nagkakakilala kaya panindigan na lang niyang hindi talaga niya alam kung ano ang pangalan nito. Kahapon lang din niya nalaman na ito ang nakatatandang kapatid ni Scarlett na laging ikinikuwento nito sa kaniya. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" balik niyang tanong dito at sinimulang ihakbang ang isang paa. Paninindigan na talaga niyang hindi niya alam ang pangalan nito. "Just call me, Gabriel." Narinig niyang sabi nito pero hindi na niya ito tiningnan pa dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang bawat paghakbang niya. Napapangiwi naman siya dahil masakit sa kili-kili ang saklay. Nauna siyang naglakad at alam niyang nakamasid lang si Gabriel sa kanya. "Are you okay?" tanong nito. He's too attentive, na nakita pa nito ang pagngiwi niya kahit nasa likod naman niya ito. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ang dahan-dahang paghakbang pero nang hindi na niya kaya ay huminto na siya. "Masakit ang kilikili ko," mahina niyang reklamo. Narinig niya itong bumuntonghininga at kaagad siyang nilapitan. Napakurap siya at bahagya pang napaatras nang hawakan nito ang balikat niya. Kinuha nito ang dalawang saklay at iniabot doon sa babae na nakasunod din sa kanila. Napasinghap na lang siya ng malakas nang walang sabi-sabing binuhat na naman siya nito. Agad din niyang ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito sa takot na baka mahulog siya. "H-Hindi ka ba napapagod na palagi akong buhatin?" Nakatitig na naman siya sa mukha nito. Ang guwapo talaga nito at hindi nakakaumay tingnan ang pagmumukha. May similarities din ito at si Scarlett. "Hindi. And a simple thank you will do," sabi nito. Napangiti siya. "Thank you, Gabriel," aniya, na nagpahinto rito at napatingin sa kaniya. She caught her breath when their eyes met and their faces were inch away. Hindi siya nag-iwas ng tingin at sinalubong niya ang malamig nitong mga mata. Kahit may pagkamagaspang ang ugali nito, may mabuting kalooban din naman pala ito. "Salamat sa pagligtas sa akin at sa pag-aalaga," aniya ulit. Tuluyan na talagang nawala ang takot niya rito. Medyo nasanay na rin siya na lagi itong nakahawak sa kaniya. Napakurap ito at bahagya lang na tumango, saka muling naglakad at itinuon ang mga mata sa dinadaanan. Ganito kaya ito? Laging tipid magsalita? Kapag nakauwi na siya, tatanungin talaga niya si Scarlett. Nagulat siya nang marahan na siyang inilapag ni Gabariel sa isang silya sa harap ng hapag. Hindi man lang niya iyon namamalayan dahil ang mga mata at isip niya ay nasa guwapong mukha pa rin nito nakatuon. Hinding-hindi yata siya magsasawang titigan ito, ang natural na mapapulang mga labi nito at ang pinakagusto niyang titigan ay ang abuhing mga mata nito. Natauhan lang siya nang malakas itong tumikhim at malalim na nakatitig sa kanya. Waah! Nakakahiya! He caught her staring at him intensely again. "Stop ogling me, Emerald," saway nito sa kaniya. Her heart leapt when he uttered her name again. Bakit ang sexy naman pakinggan ng pangalan niya kapag ito ang bumabanggit? "And now your blushing," sabi pa nito kaya kaagad niyang tinakpan ng kanyang mga kamay ang mukha. Bakit ba lagi na lang niyang ipinapahiya ang sarili rito? Naramdaman niyang hinawakan nito ang dalawang kamay niya at ibinaba iyon mula sa pagkakatakip sa mukha niya. "Eat." Utos nito at inusog sa kanya ang platong puno na ng pagkain. Napanguso siya at itinuon na lang ang mga mata niya sa pagkain. Ayaw na niya itong tingnan pa at baka madagdagan lang ang mga kahihiyang ginawa niya. Puno ng masasarap na pagkain ang mesa. Bigla tuloy siyang nagutom. Isinantabi na muna niya ang kahihiyang ginawa at nagsimula na siyang kumain. Minsan lang ito sa buhay kaya lubus-lubusin na niya. She's eating like a horse, nang maramdaman niya ang titig ni Gabriel sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin dito. Napalunok siya. Hindi man lang kasi nito iniwas ang mga mata sa kaniya kahit na nakatingin na siya rito. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. Umiling lang ito at inabot nito ang clear acrylic tissue holder na nasa harap nito at humugot ng kapirasong tissue paper roon. Bago pa man niya mahulaan kung ano ang sunod nitong gagawin nang dumampi na sa gilid ng labi niya ang tissue paper na hawak-hawak nito. "S-Salamat." Nahihiyang sabi niya rito. Napatitig siya sa binata. "S-Sorry kung parang patay-gutom ako kung kumain. Sobrang sarap naman kasi lahat ng handa niyo." Wala ng hiya-hiyang sabi niya. Tumango lang ito. "Just continue eating." "Close kayo ni Scarlett, no?" tanong niya, para may pag-usapan sila at mapagtakpan ang nahihiya niyang sistema. Sa dinami-dami naman kasing ugali na maganda na meron siya, bakit ito pang ugali niyang ito ang unang naipakita niya kay Gabriel? "What do you think?" Balik-tanong nito sa kanya. Napaisip siya. Ngayon lang niya nakilala ang lalaki sa personal. Pero kung pagbabasehan niya ang mga kuwento ni Scarlett tungkol dito, masasabi niyang napakabait nitong kuya kay Scarlett. Naalala niyang sinabi ni Scarlett sa kaniya, na mabait, maaalalahanin, sweet at napaka-caring nito. Pero may hindi rin magandang ugali raw ito. Ayaw nito sa mga taong incompetent at bobo kaya ginalingan talaga ni Scarlett ang pag-aaral para makapasa sa standards ng kuya nito. And looking at him now, mukhang may ipagmamalaki naman talaga ito. Hindi lang sa pisikal na anyo pati na rin yata sa mga achievements na nagawa nito sa buhay. He's domineering and mysterious too. Halata naman sa hitsura pa lang at tindig nito. "Seeing your face like that, seems that my sister was always bragging me to you, huh." sabi nito. Napakurap-kurap siya, saka napatango. Well, wala namang sinabi si Scarlett na bawal iyon ipagsabi rito. At sino ba namang mag-aakala na magko-krus ang landas nila ng kapatid nito, 'di ba? "Oo. Sobrang idol ka niya kasi," aniya at sumubo ulit ng pagkain. He chuckled. "Gaano mo na katagal naging kaibigan sina Scarlett at Yelena?" tanong ulit nito. Hmm. Gaano na nga ba katagal? "May apat na taon na rin." Kinuha niya ang basong may lamang tubig na nasa kanang bahagi lang niya at sinaid. Napaliyad pa siya ng bahagya at hinimas ang busog na busog niyang tiyan. Medyo okay na rin at hindi na makirot ang tiyan niya nang hawakan niya iyon. Mukhang effective talaga ang binigay ni ate Chel na ointment para sa pasa niya roon. "Salamat sa pagkain," aniya. Sinubukan niyang tumayo na ikinaalarma naman nito. "Hey, easy." Mabilis itong napatayo at kaagad siyang inalalayan. Binuhat na naman siya nito at dinala ulit sa sala. "S-Salamat. Siya nga pala, hindi ka ba pupunta sa birthday party ng kambal nina ate Heejhea?" tanong niya at inayos ang sarili sa pagkakaupo. Umiling lang ito at kinuha ang remote ng television at itinapat nito iyon doon para buksan ulit. "Bakit?" Alam niya na kaya ito nandito dahil sa birthday party ng kambal nina Ate Heejhea at Kuya Jacob. Pero bakit hindi ito pupunta? Dahil ba sa kaniya? Hindi ito sumagot. "Dahil ba inutusan ka ni Scarlett na alagaan muna ako?" muling tanong niya rito. Hindi pa rin ito nagsalita. Nakatayo ito sa tabi ng center table na nasa harap niya. Ang mga mata ay nasa nakabukas na TV. Ang isang kamay ay nasa baywang habang ang isa ay hawak pa rin ang remote at naghahanap ng magandang palabas. Inihinto nito iyon sa isang palabas, saka inilapag ang remote sa center table. "Stay here. I'm going to shower first," sabi nito at mabilis ng umalis. Itinuon na lang muna niya ang paningin sa nakabukas na smart tv sa kaniyang harapan. Pero wala naman siyang naintindihan sa pinapanood kaya inihiga na lang niya ang sarili sa mahabang couch. She was wondering if how's ate Heejhea and kuya Jacob twin’s birthday party going on. At kung gaano ito nakakahiya ang nangyaring pagpapasaway niya sa mga kaibigan and now she was stuck with Gabriel. Nahihiya na talaga siya sa lalaki dahil sa purwesyong dala niya. Kahit hindi pa nito sabihin, alam niyang laking abala talaga siya rito. Scarlett once told her that her older brother was a very busy man. Na kahit ang mga magulang ng mga ito ay nagrereklamo na rin dahil hindi na ito halos umuuwi ng bahay, mula nang tanggihan ito ng babaeng inalok nito ng kasal. Huh? Kaagad siyang napaayos sa pagkakaupo sa naalala. Luh! Iyong lalaking iyon tinanggihan ng isang babae? Bakit? He's handsome—ah, no, he's beyond handsome that every woman will bend their knees to have him. She's sure of that! And aside that, he has the power, fame, and money. Everything that every male species would envy him. Ang mga katulad ni Gabriel ang hindi pinapakawalan or that was she thought dahil iba naman sila ng babaeng tumanggi rito. Napasinghap siya nang may pumitik sa noo niya at tiningnan nang masama kung sinong gumawa n'yon sa kanya. "Scarlett?" manghang sambit niya nang ito ang makita niyang nakatunghay sa harap niya. "Kanina ka pa ba, d'yan?" Bahagya niyang hinimas ang nasaktang noo. Nandito na pala ito, hindi man lang niya namamalayan. "Just enough time to see you on that state." Nakataas na ang isang kilay nitong sabi. "Gaano ba kalalim iyang iniisip mo, na kung hindi pa kita pinitik sa noo ay hindi ka pa magigising, hm?" Napasimangot siya. Dahil lang naman sa kuya Gabriel nito kaya hindi niya na namamalayan na narito na pala ito. "Uh, naalala ko kasi ang sinabi mo noon sa 'kin na nag-propose ang kuya mo sa girlfriend niya tapos tinanggihan siya nang babae—" "So, as well as my personal life, you told that to your friend, huh, Scarlett?" Gabriel's cold, baritone voice echoed throughout the living room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD