๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Sabi ko sa sarili ko aayain ko siya matulog sa tabi ko kagabi kasi nakakaawa na ang kuya mo, laging masakit ang likod at batok dahil sa sahig siya natutulog sa lumipas na dalawang gabi. Kaso hindi ko talaga siyang magawang ayain na matulog sa tabi ko lalo na doon sa nangyari samin kagabi habang sakay ng yate. Umamin siya sa'kin at tinanong ako kung pwede ba niya kong ligawan, syempre alangan naman magpabebe pa ko sa kaniya, kung lumuhod nga siya sa harap ko at binigyan ako ng singsing baka sumigaw agad ako at sagutin siya ng oo pero hindi eh nanligaw muna siya at inuunti-unti ako. Sus, kung nag propose ka na sana kagabi edi sana share na tayo sa kama charot. "Kim ano ready ka na? Mag beach activity naman tayo oh," aya niya na parang walang nangyari kagabi,

