๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV One week din ang ginugol ko para paghandaan ang out of town na 'to, halos guluhin ko na ang katawang lupa ni Ice para lang tulungan ako sa pagpili ng mga susuotin ko at mga dadalhin ko sa trip na 'yun. Pag-umaga umaalis ako para maghanda ng mga kailangan kong dalhin at gamitin sa byahe, parang kulang nga ang isang luggage sa dami nga mga gusto kong dalhin at pag gabi naman ay gahol na gahol ako sa tulog dahil sa tambak ang trabaho na iiwan ko. Syempre aalis ako ng three days, dapat ahead kong mapasa kay Ice 'yung mga need namin for this month at syempre hindi naman ako agad makakabalik sa pagsusulat pagkauwing pagkauwi namin galing sa vacation. Kaya 'yun laban na ang pagsusulat para wala na kong iintindihin sa pag-alis at pag-uwi ko. "Kim tara na," aya sa

