๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE'S KIM POV Ang hirap pala pag 'yung lalaki na 'yung nagtatampo. Hirap suyuin parang mas pabebe pa sa pabebe, pero nagtatampo nga ba siya o talagang dense lang siya at na walan ng pakialam sa'kin? As in lahat ng plano ko para makausap siya ulit ay ligwak, ni isang plano ko hindi emepekto sa kaniya at halos gusto ko na nga siyang sigawan para pansinin niya ko kaso sobra siyang busy. Lagi siyang late umuwi at pag nakauwi naman na siya hindi ko naman siya makausap kasi madalang na namin buksan 'yung connected door sa unit naming dalawa. Para na lang kami nagpapakiramdaman sa bawat tunog na ginagawa namin sa kaniya-kaniya naming unit. Pagbibisitahin ko naman si Teptep at bibigyan ng pagkain ay naabutan ko siyang nagtatrabaho o hindi kaya laging may kausap sa telepono. N

