๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Nagluluto ako nang dumating siya galing sa kung saan, na gulat ako dahil all this time akala ko nasa loob siya ng kwarto niya at hindi niya mahuhuli ang pagluluto ko para sa kaniya ngayon umaga kaya pareho kaming napatulala nang makita namin ang isa't isa. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya galing at bakit siya inumaga ng uwi? Galing kaya siya kala Migs? Kasama niya ba si Migs buong magdamag? Gusto ko tanungin sa kaniya lahat ng bagay na 'yan kaso ayoko naman na pagmulan na naman 'to ng pag-aaway naming dalawa kaya bago pa pumiltik ang pag-iisip ko ay agad akong tumalikod sa kaniya at tinuon na lang ang atensyon ko sa pagluluto. Narinig ko siyang naglakad at mukhang pumasok na siya sa loob ng kwarto niya, hinyaan ko na lang siya at inintay siyang lumabas

