๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Gumising ako nang maaga para maghanda ng umagahan naming dalawa pero pagbangon ko ay nakakaamoy na agad ako ng sinangag. Napailing ako sabay bangon at kamot sa tiyan ko habang naglalakad papunta sa kusina niya at nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng kalan at nagluluto ng umagahan. "Hu? Totoo ba 'to? Totoo bang maaga kang na gising ngayon?" Tanong ko sa kaniya habang papalapit ako at nagmumog sa sink niya. "Syempre bagong buhay saka mag-aayos ako ng mga gamit ko ngayon at maghahanap rin na ng bagong malilipatan," sagot niya at napahikab naman ako sabay yakap sa kaniya. "Sa'kin ka muna tumira habang wala ka pa nahahanap," sabi ko at tumango naman siya agad. Ang sarap naman nang magigising ka sa umaga na ganito ang maabutan mo, para na kam

