๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM'S POV Para akong nasa loob ng arena kung saan isa akong wrestler at siya ang kalaban ko. Parangarap ko 'to noon eh 'yung magpatumba ng kalaban katulad sa mga napapanood kong WWE smackdown sa TV. Handa na kong hablutin ang buhok niya gamit ang kamay ko pero malupit din 'tong si Aubrey ayaw magpatalo at panay ang layo sa'kin pero hindi ko siya hahayaan dahil hindi ko siya titigilan hanggat di ko siya na pupuruhan. Naglakad kami paikot sa isa't isa at nag-iintay ng tyansa kung sino ang unang makakapuntos saming dalawa. Para akong nakakarinig ng tunog ng bell at bigla na lang may magsasabi ng round two! Fight! Kaya agad ko siyang sinugod kaso mabilis siyang tumakbo palabas ng unit niya at mabilis ko naman hinablot ang buhok niya sabay hila rito. "Aaaah! Tama na Jh

