๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM'S POV Ngayon na alam ko na ang ending ng love story namin ni Liam, siguro makakapag-umpisa na ko sa bagong yugto sa buhay ko. Tutal hindi niya naman tanggap kung sino ako hindi ba? Tutal wala naman siyang pakialam sa'kin at alam kong kinamumuhian niya ko lalo na't alam niya na ang totoong pagkatao ko. Ngayon pwede na ko magmahal ng iba at siguro kaya ko na rin tanggapin ang sarili ko. Parang sinayang ko lang ang ilang taon ng buhay ko para sa pagpapaganda ko at pag-aalaga sa sarili ko. Akala ko pa naman pag nakita ko na ulit siya ay pwede ko na siyang saktan at ako naman 'tong gaganti sa kaniya sa panlalait niya. Pero ang ending ako pa rin 'yung talo dahil ako pa rin 'tong nagmahal nang todo. Pero bakit ganun? Bakit kahit naiisip ko ang mga bagay na 'to ay gu

