๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Maaga akong na gising para mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa pagbisita kala Jhustine, nag file na rin ako ng advance leave kay kuya kahapon at halos sang katutak na sermon ang binigay niya sa'kin. Dahil Saturday kahapon at gabi na rin nung inistorbo ko siya sa bahay nila. Agad ko siyang pinuntahan sa bahay niya pagtapos ko makipag-usap kay Migs at kinukwento lahat ng mga nangyari samin ni Jhustine. Alam din ni kuya lahat ng tungkol kay Jhustine at syempre alam niya rin na alam ko ang lahat simula pa lang nung una kaya tinutulungan niya ko at si Kim na makapag-usap at maayos ang gulo na meron kami sa isa't isa. Pero hindi niya maiwasan na mainis dahil apektado ang pagtatrabaho ko. Ito ang bagay na ayaw niya na napapabayaan ko dahil sa rito nakasalalay ang pe

