๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM'S POV Ginising ako nang maaga ni Nanay para maghanda ng babaunin namin ni Liam sa beach. Actually malapit lang naman 'yung beach na pupuntahan namin pero 'tong Nanay ko akala mo talaga kung saan kami pupunta kung makapagpabaon ng pagkain. "Nay, alam mong sa Baloy lang kami tatambay bakit parang three days trip ang pabaon mo samin?" Tanong ko sa kaniya habang nagkakanaw ng kape ko at panay ang hikab. "Naku, syempre gagabihin kayo doon no mabuti na't may baon na kayo," sabi niya at napakamot ako ng ulo. "Hindi ba kayo sasama ni Tatay?" Tanong ko at umiling siya. "Hindi na, dalaga't binata pa lang kami naliligo na kami sa Baloy umay na umay na kami d'yan, kayo na lang dalawa ni Kulot at isa pa darating na 'yung magpipintura ng kwarto mo," sabi niya at tumango na

