๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM'S POV Totoo na ba 'to? Baka naman pagpinikit ko ang mga mata ko at imulat 'to saka ko lang malalaman na panaginip lang pala lahat ng 'to? 'Yung hawak niya ang kamay ko habang sabay kami naglalakad. 'Yung tinatawag niya ko sa tawagan namin noon. 'Yung alam kong mahal niya rin ako ngayon. Totoo ba 'to? Sana may magsabi sa'kin na totoo ang lahat ng mga pangayyari na 'to ngayon. Kasi baka tuluyan na kong masira kung hindi eh. Baka tuluyan ko nang isara ang puso ko kung hindi pa siya ang huling lalaking makikilala ko. "Jha, okay ka lang?" Tanong niya habang namumula ang mga tenga niya at nahlalakad kami pabalik sa bahay namin ngayon. Napatitig ako sa mukha niya sabay kusot sa mga mata ko dahil baka mamaya namamalik mata lang ako. "Totoo na 'to di ba? Totoo nang

