๑ ๑♡✿♡๑ ๑ AUBREY's POV Punyetang buhay 'to! Kinamalas-malasan naman talaga, kung sino pa 'yung may ari ng building iyon pa 'yung binalahura ko! Iyan tuloy hanggang ngayon hindi pa rin ako mahanap ng pagtatrabahuhan ko. Oo na! Aminado na kong karma ko na 'to sa lahat ng kagagahan ko pero kasi kinain na ko ng inggit. Inggit kay Liam dahil nakuha niya ang unang best friend ko na si Kim at inggit kay Kim dahil nakuha niya ang unang lalaking na gustuhan ko, si Liam. Napakagat ako sa labi at napatingala dahil naiiyak na naman ako, bakit ba ang impokrita ko? Bakit hindi ko kaya maging masaya para sa kanilang dalawa? Iyan tuloy talunan ako ngayon at hindi ko na alam saan ako titira, ilang buwan na ko palipat-lipat ng matitirahan, halos lahat ng bahay ng kaibigan ko natirahan ko na pero hind

