๑ ๑♡✿♡๑ ๑ LIAM's POV Ito ang kwento ng daily life ko, si Liam Castillo na isang gwapo at may asawang gwapa. Isa siyang babaeng four months pregnant at kasalukuyang naglilihi sa itlog. I mean 'yung egg talaga ah hindi 'yung egg ko, 'yung ilog na kulay pula pero violet naman talaga. Kakatapos ko lang sa trabaho at ngayon pauwi na para salubungin ang maganda kong asawa. Ang problema pinapabili niya ko ng isang bagay na hindi naman napapanahon. "Ibili mo nga ako ng itlog na pula saka santol!" Hiyaw niya sa kabilang linya kahit na November ngayon at walang santol sa kahit ano mang lugar. "Saan naman ako maghahanap nun Jha? Gusto mo tumae ako ng santol?" Tanong ko sa kaniya at para naman akong nakarinig ng tigreng galit sa kabilang linya kaya agad kong binawi 'yung sinabi ko sa kaniya.

