๑ ๑♡✿♡๑ ๑ Sabi nila mahirap daw makalimutan ang first love mo, iba raw kasi ang tama sayo nun dahil doon mo mararamdaman 'yung una mong pagkahulog sa pag-ibig. Iba naman daw ang last love, dahil dito mo naman raw ibubuhos ang lahat nang natitira mong pagmamahal, ito na 'yung last mo at karamihan dito na nag-stay. Pano kung 'yung first and last love mo ay na tagpuan mo na sa iisang tao? Tawag doon? Napakaswerte! At masasabi kong ako na nga ata ang pinakaswerteng babae dahil minahal ko siya sa una at huli, syempre ganun din siya sa'kin. 'Yung mga nagdaang taon sa buhay ko na halos ikasuko ko na dahil hindi ko na mahanap 'yung pagmamahal na natagpuan ko sa una ay matatagpuan ko rin pala sa huli. Sa kaniya rin, sa iisang tao na minahal ko nung una. Masasabi kong worth it 'yung hinagpi

