๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM'S POV Three days na siyang hindi umuuwi sa unit naming dalawa at na pagkaalaman kong kasama niya si Migs sa Zambales at nasa bahay sila ng parents ko. Hindi ba naman mga ungas at kung ano-ano ang dinadahilan sa'kin bakit sila nasa Zambales ngayon. Na contact na rin naman ako nila Nanay at Tatay na kasama nga nila 'yung dalawa at baka raw umuwi na bukas pero ang pinagtataka ko, anong ginagawa nilang dalawa doon? Hindi ba't may pasok si Liam at si Migs naman ay busy sa darating naming book signing? Anong ganap? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba? In the first place pano ko naman papaniwalaan 'yung mga palusot nilang nagkaayaan lang daw sila pumunta sa Subic at dinaanan na nila ang parents ko habang andun pa sila. The hell? Sinong maniniwala sa palusot na 'yun? I

