Chapter 3

1394 Words
Hindi pa man nakakalayo ang mga dalaga, laking gulat nila nang bigla na lang may bumagsak na ga-higanteng bato sa harapan nila. Ilang segundo lamang ang pagitan at sunod-sunog na nagdatingan ang malalaking bulto at animo’y umuulan ng mga bato sa buong lugar. Hirap ang awat hakbang nila dahil na rin sa pagyanig ng lupa bunga ng pagtama ng mga mabibigat na masa sa lupa. Mas binilisan ng dalawa ang pagtungo papunta sa Hilagang bahagi ng kaharian upang doon salubungin ang Hari’t Reyna. Ilang sandali pa ay maririnig mo na ang histerikal na sigawan ng mga tao sa paligid. Hindi tuloy maiwasang mangamba ng prinsesa sa kalagayan ng kapatid na si Elliot. Ano na nga kaya ang lagay niya? wika sa isip ng dalaga. Sa kabilang banda, mabilis na narating ni Elliot ang pugad ng mga kawal. Agad din niyang inatasan ang ilang batalyon na kumilos pa-Hilaga. Ang ibang grupo naman ay nataasang tumulong sa mga napinsala ng pag atake. Wika ni Elliot, “Ibinibigay ko ang basbas sa bisa ng kapangyarihan iginawad ng mahal ng Haring Eliseo. Gawin niyo ang lahat para protektahan ang kahariang ito!” Sabay-sabay na nag ingay ang mga kawal at nangbigay puri sa ngalan ng Adeleuse. Sa hudyat na ibinigay ng Prinsipe, isa-isang gumalaw ang bawat kawal patungo sa inatas na tungkulin sa kanila. Bitbit ng bawat isa ang takot ngunit nananaig ang tapang at dedikasyon sa bawat puso ng mga ito. “Dito na po tayo tumuloy Mahal na prinsesa!” ani Wynonna habang iginigiya ang hintuturo sa harap na direksyon. Marami man katanungan sa isip, pinili ng prinsesa na sumunod na lang. Sa isip niya, ikinamangha niya ang pagiging kalmado ni Wynonna gayong nagkakagulo ang lugar. Maya’t-maya kung magulat ang dalawa dahil na rin sa ingay na nanggagaling sa mga sigawan at patuloy na pagdagundong ng lupa. May iilang mga imprastraktura na ang lubhang napinsala sa pangyayari. Nagpatuloy ang pag ulan ng higanteng piraso ng mundo at nagsimula na ring dumilim ang paligid. Napalilibutan ng matinding takot ang lugar. Hindi nagtagal at narating ng dalawa ang lugar kung saan naroon ang Hari’t Reyna. Sinalubong ni Elysia ang mga magulang ng mahigpit na yakap. Matapos humiwalay ay agad niyang isinangguni sa amang Hari ang karanasan sa labas. “Nagkakagulo ang mga tao sa labas ama. Ano ang dahilan ng pag atake? Sino at ano ang mga Zailian?” wika niya. Napansin naman ni Elysia ang kawalan ng reaksiyon ng ama. Maya-maya pa ay nakita niya rin ang marahan na paglapit ng inang Reyna sa Hari. Itinuro ng Reyna ang direksyon ng balkunahe kung saan tanaw ang buong nasasakupan. Sa taas ng kinaroroonan ng kanilang lugar, nasaksihan ni Elysia ang paparating na batalyon ng mga anino sa kanilang kaharian. Nababalot ang mga ito ng itim na usok at tila nagbabadya ang unos sa presensya ng mga ito. “Elysia, ngayon magsisimula ang tungkulin mo bilang tagapangalaga ng kapangyarihan ng ating ninuno,” maamong saad ng mahal na Hari. Sandaling napaatras si Elysia sa winikang iyon ng ama. Sa isip ng dalaga, hindi biro ang dinadala niyang tungkulin. Ngayon niya mas napagtanto ang bigat ng kapangyarihang ipinasa sa kaniya. Nagsimula na rin siyang kwestyunin ang kakayanan at unti-unting pinanghihinaan ng loob. Napansin ng Hari ang pag aalanga sa itsura ni Elysia. Noon pa man, nakilala ng Hari ang kanyang anak na prinsesa sa pagiging mahina ang loob. Gayon pa man, may matinding dahilan siya kung bakit napili sa mabigat na tungkuling ito.Upang matulungan, ipinaalala niya ang lahat ng bagay at rason para maniwala si Elysia sa sarili. “Batid ko ang iyong takot. Kung naaalala mo ang lahat ng pagsasanay na ginawa mo sa mga nagdaanang buwan, hindi mo kailangan mangamba sapagkat gagabyan ka ng Phoenix,” paghihikayat ng amang Hari sa prinsesa. “Ngunit natatakot po ako ama. Paano kung hindi pa pala ako handa para rito?” ani Elysia. Bakas ang lungkot at hiya sa tono niya. Bago magsalita ang hari, nakaramdam si Elysia ng presensiya ng yakap ng kanyang ina. Sa puntong iyon, nakaramdam ng kapanatagan ng Prinsesa kahit papaano. Wika ni Reyna Murakan sa kanya, “Ayos lang matakot anak. Matakot ka. Ngunit, gawit mo pa rin kahit natatakot ka.” Natulala ang dalaga sa sinabi ng ina. Nalipat ang atensyon nito sa direskyon ng bintana. Sa imahe noon, makikita ang mas paglapit ng mga kalaban patungo sa kanilang nasasakupan. Makikita rin ang eksena ng mga taong patuloy na napipinsala sa pag atake ng mga kalaban. Dahil sa sinabi ng ina, mas naintindihan ni Elysia ang kanilang sitwasyon. Hinanda siya ng ama sa paulit-ulit na pagsasanay at kailangan niyang magtiwala sa mga natutunan niya rito. Napagtanto niya ang naunang sinabi ng ama. Ginagabayan siya ng kanilang mga ninuno at sapat na dahilan ang lumaban para sa kahariang Adeleuse. Alam niyang hindi siya nag iisa dahil kasama niya ang buong kaharian sa pag depensa sa mga kalaban. Wala man ideya sa dahilan ng pagsalakay, buong pusong tinanggap ni Elysia ang tungkuling ginawad ng kanyang ama. Malalim itong huminga at kalaunan, tumango ito bilang tugon sa hari. Masayang ngumiti ang ama at sa loob nito, walang kapantay ang pagmamalaki niya sa anak. Naputol ang eksena matapos dumating ng mga kawal na ipinadala ng Prinsipe. Kasama na rito si Olayon, ang punong gwardya. Agad na nakuha ang atensyon ni Wynonna sa presensya ng kanyang ama. Nagbigay pugay sila sa pamilyang Hunt. “Nagsimula na ang pagdepensa ng grupo sa kanlurang bahagi mahal na Hari. Inatasan kami ng prinsipe na paigtingin ang proteksyon sa loob ng kaharian,” wika ng punong gwardya. “Atasan mo ang isa sa sundalo mo na iparating kay Elliot ang mahalagang mensahe,” matatas na saad ni Haring Eliseo. Kasunod noon ang paglipat ng dalawang mata niya sa Prinsesa. Pagpapatuloy niya, “Bigyang daan ang pag atake ng Phoenix sa hudyat ko.” Gulat na sinalubong ng mga sundalo ang sinabing iyon ng Hari. Nagtinginan pa ang mga ito bago naalalang kailangan nilang sumaludo muli sa Hari matapos ang desisyon. Tulad ng sinabi ni Haring Eliseo, ginawad ni Olayon ang utos kay Samuel, isa sa mga kasamahan ni Wynonna. Dali-daling sumunod ang binata. Matapos ang maikling pag uusap, nagsimula ng kumilos ang mga kawal. Isa-isang pumila ang mga ito sa kanya-kanyang pwesto sa loob ng Kaharian. Ang ilan ay naatasan sa labas ng silid ng Hari’t Reyna. Kabilang doon si Punong Olayon na tutulong sa pag oobserba ng galaw ng mga kalaban. Perpekto ang lugar ng silid para sa pagpa-plano ng atake. Sumunod naman si Elysia kasama si Wynonna papunta sa direksyon ng kapatid na si Elliot. Katulad kanina ay kalmado pa rin ang matapang na kawal. Tahimik ang lakad ng dalawa taliwas sa patuloy na kaguluhan sa labas. Tila nasanay na ang katawan nila sa walang tigil na pagdagundong at pag alingawngaw ng mga naglalakihang bato na tumatama sa lugar. Tuluyan ng nabalot ng kadiliman ang buong kaharian. Habang naglalakad, dala-dala ng babaeng kawal ang sariling apoy sa kamay upang pailawan ang dinadaanan. Maya’t-maya kung silipin niya ang prinsesa at napansin naman niyang mas kalmado ito hindi katulad ng nauna nilang paglalakad. “Hindi ako malakingsundalo ngunit po-protektahan kita sa abot ng makakaya ko. ipangako mo lang na mag iingat ka  mahal na Prinsesa at ganoon din ako,” ani Wynonna ng hindi man lang nililingon si Elysia. Tumugon ang prinsesa sa kanya, “May tiwala ako sayo Wynonna. Sa tagal natin na magkaibigan, naniniwala ako sa intensyon at kakatahan mo. Maililigtas natin ang kaharian.” Sinuklian iyon ng matipid na ngiti ni Wynonna. Sa isip niya, ikinagagalak niya na hanggang sa mga oras na iyon ay itinuturing siyang kaibigan ng prinsesa kahit na magkalayo ang agwat ng dalawa sa lipunan. Habang papalapit sa kung saan naroon ang sinabing lugar ng punong Olayon, sinisipat na ni Elysia ang kapatid na si Elliot. Tatawag na sana siya sa Prinsipe ngunit natigilan siya ng sumigaw ito para sa hudyat ng unang pagsugod ng unang batalyon. Matapos ang pagbigay ng prinsipe ng hudyat, nalingat ang atensyon ni Elliot sa direksyon ng dalawang dalaga. Inaasahan niya na ito dahil sa naunang lalaking nagpdala ng mensahe sa kanya. Sa mailing sandali, narating ng prinsesa at kawal ang harapan ng prinsipe. Mapait na ngumiti si Elliot sa kapatid at sinabing, “Handa ka na ba... Elysia?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD