Chapter 33

1587 Words
Matapos ang pagpapasalamat ni Meriyah sa kanila ay nagpaalam na ito, nag prisinta naman si Elliot na ihatid na siya palabas ng gubat. Nang makaalis ang dalawa ay nagpasya munang kumain sina Elysia at Chioni. Abala sila sa pagkain pareho at panay naman ang bantay sa kanila ni Wynnona. Nakakausap din ni Chioni si Wynnona kaya nagkapalagayn na rin sila ng loob. Matapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila at nag kwentuhan kasama si Wynnona. Maya-maya ay nagpaalam na si CHioni na kailangan na niyang umuwi dahil nakakapagod din ang ginawa nila sa araw na iyon. Muli silang nagyakapan ni Elysia at sinabihan siya ni Chioni na magkita na lamang sila sa monday sa academy nila. Saktong nagpaalam si Chioni kay Elysia ay siya naman pagdating ni Elliot, nagpaalam na rin si Chioni sa kanya. Nag-utos naman ng mga kawal si Elliot upang ihatid si Chioni, para raw maging ligtas ang kanyang paglabas sa kampo nila dahil baka kung mag-isa lang ito ay may mangyaring masama sa kanya. Matapos habilinan ni Elliot ang mga kawal ay nagsimula na silang maglakad papalabas sa kampo. Tinanong naman ni Elysia si Elliot sa nangyari sa pag-uusap nila ni Meriyah. “Kamusta si Meriyah? Kamusta ang naging pag-uusap niyo?” curious na tnaong ni Elysia sa lalaki. Lumapit si Elliot sa kanilang dalawa ni Wynnona at sumagot. “Ayos naman, natulungan ko na naman siay, naihatid ko rin naman siya ng maayos palabas sa gubat,” sagot nito sa tila pagod na boses. Tumango lamang si Elysia sa sagot ni Elliot. Maya-maya pa ay tumikhim si Wynnona. Nakuha naman siya ang atensiyon ni Elliot. Nang tumingin sa kanya ang lalaki ay nagsalita ito. “Naturuan ko na ang mga ilang kawal sa bagong galaw na sinabi niyo. Nakapag ensayo na kami kanina at halos sa kanila ay nakuha naman ito. Hindi naging mahirap ang ensayo dahil lahat ay nakakasunod sa aking mga tinuro,” pagbibigay alam ni Wynnona s aginawnag ensayo nila kanina kasama ang ibang mga kawal. Tumango si Ellito at ngumiti, “magaling Wynnona. Maasahan ka talaga pagdating sa pagtuturo sa ating mga kawal,” nakangiting pagbibigay puri ni Elliot sa babeng kawal. “Sa mga gumagawa naman ng ating mga armas, marami na silang natapos. Pero hindi pa rin iyon sapat para sa ating mga kawal, matagal ang paggawa ngunit may mga natatapos na. Makakaasa kayo na sa susunod ay marami na tayong armas na magagamit pinuno,” malamig na wika muli ni Wynnona kay Elliot. Hindi na mapigilan ni Wynnona na tawaging pinuno si Elliot dahil sa inis na nararamdaman niya sa katawan. Hanggang ngayon kasi ay iniisip niya ang nangyari sa pagitan ni Elliot at ng babae kanina. Dapat nga ay hindi niya kakausapin si Elliot dahil sa inis, ngunit kailangan kasi niyang ipaalam sa lalaki kung ano ang nangyari sa kanilang pag eensayo at kung ano na ang natatapos ng mga kasamang gumagaw ang armas.  Kaya heto siya ngayon, napilitang magsalita at kausapin si Elliot. Batid niyang halata s akanyang boses ang kalamigan ng pakikitungo niya lalo na’t natawag niyang pinuno ang lalaki, na hindi naman niya madalas sabihin. Napalingon naman si Elliot kay Wynnona dahil ngayon lamang siya nito tinawag na pinuno muli. Nanibago si Elliot lalo na at tila malamig ang pakikitungo sa kanya ni Wynnona. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoong ang babaeng kawal sa kanya. Maya-maya pa ay tumayo si Wynnona at nagsalita muli, “Doon muna ako sa mga ibang mga kasamahan natin, Elysia, maiwan ko na muna kayong dalawa at baka may pag-uusapan pa kayo, lalo na doon sa babaeng naligaw dito kanina,” mapait na wika ni Wynnona at hindi tinignan si Elliot. Tumango na lamang si Elysia at marahang ngumiti kay Wynnona. Nagtataka pa rin si Elliot kung bakit tila naiinis si Wynnona, may nangyari kaya sa ensayo nila kanina? Nang humakbang na si WYnnona ay tinawag siya ni Elliot. Huminto anman ang dalaga at humarap, nagpaalam muna sandali si Elliot kay Elysia, sinabihan niya ang kapatid na kakausapin niya muna sandali si Wynnona. Matapos magpaalam ay sumunod si Elliot kay Wynnona. “May problema ka ba?” tanong ni Elliot kay Wynnona. Mariing umuling lamang ang dalaga. Kumunot naman ang noo ni Elliot dahil hindi siya sanay sa pakikitungong iyon ni Wynnona. Sinundan niya pa rin ang babae sa paglalakad at kinukulit niya ito na sabihin na sa kanya ang nangyari. Alam niyang naiinis si Wynnona pero hindi niya ito titigilan hanggat ‘di sinasabi ng babae kung ano ang nangyari sa kanya. Sa kabilang banda naman, lumapit si Aivan sa kung saan nakaupo si Elysia. Kanina pa siya naroon at hindi siya makapag salita dahil hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa mga hindi mortal na kasama niya.  Nagulat si Elysia dahil hindi niya alam na naroon pa pala ang binata sa kampo nila. Masyadong naging mahaba ang araw niya at masyado siyang naging abala kung kaya’t hindi niya naramdaman ang presensiya ng binata.  “Bukas ha, huwag mong kalimutan na mag ppicnic tayo ng hapon,” paalala ng binata sa kanya ng makaupo malapit sa kanya. Tumango naman muli si Elysia at pumayag sa alok ni Aivan sa kanya. Nakita ang pagliwanag ng mukha ng binata at ang malapad na ngiti nito. Ilang sandali pa ay niyaya ni Elysia si Aivan na maglakad lakad uli. Nabitin kasi ito kanina noong kasama niya si Chioni. Gusto niya pa talagang maglakad lakad, at dahil wala namang ginagawa sa mga oras na iyon ang mortal ay inaya na niya ito. Agad namang pumayag si Aivan, sino ba naman siya para tanggihan ang alok ni Elysia. Isa pa minsan lang siya ayain ng crush niya kaya paumayag na agad siya. Nagsimula na silang maglakad at nagsimula na rin silang mag usap sa mga bagay-bagay. Na kwento ni Aivan kay Elysia ang pamilya niya. “Alam mo ba na simula noong bata ako, minsan ko lang makita at makausap ang mga magulang ko. Minsan kahit birthday ko e nakaklimutan nila akong batiin, hindi ko tuloy alam kung anak ba talaga nila ako o ampon lang nila ako. Kung tratuhin kasi nila ako ay tila hindi ako mahalaga sa kanila,” malungkot na pag kkwwento ni Aivan. Nakikinig lamang si Elysia sa binata dahil mukhang marami itong hinanakit sa pamilya niya. “Hindi naman sila nagkulang sa pagbibigay ng kung anong gusto ko. Minsan nga kahit hindi ko naman kailangan e binibigay nila. Pero alam mo Elysia, hindi naman yun ang kailangan ko talaga, alam mo ba kung ano?” saad ni Aivan sa kasama. “Ano?” tipid na tanong ni Elysia. “Ang kailangan ko ay pag-aalaga at pagmamahal nila,” sagot ni Aivan at mapait na ngumiti. “Kung ano pa ang talagang kailangan ko ay yun pa ang hindi nila maibigay sa akin. Kaya kapag may problema ako hindi ko alam kanino ako lalapit, hindi ko alam kung kanino ako magsasabi kase wala naman sila e, hindi ko sila nakakusap. Kaya tinanggap ko na lang. Tinanggap ko na binuhay lang nila ako para matuto akong mabuhay mag-isa, kaya pinili kong mag-isa sa buhay, walang kaibigan at walang pamilya o magulang na itinuturing,” mahabang kwento ng lalaki. Bakas sa tono ni Aivan ang pait at pagkamuhi nito sa kanyang mga magulang. Sa loob-loob ni Elysia ay swerte siya dahil hindi nagkulang ang kanyang Ina at Ama lalo na sa pagmamahal at pag aaruga. Maya-maya ay nagtanong ang binata, “Kung tatanungin kita, handa kana ba sa digmaan niyo?” tanong ni Aivan. Matagal bago nakasagot si Elysia, maya-maya ay umiling siya ng marahan at nagsalita. “Sa tingin ko ay masyadong pang maaga para sa pag atake, saka marami pa kaming kailangan matutunan at paghandaan. Kaya kung lalaban kami ngayon ay masasabi kong hindi pa kami handa,” sagot ni Elysia. Bakas sa tono ng boses niya ang lungkot pero naroon pa rin ang pag-asa niya. Inisip ni Elysia na sana ay maging maayos na ang lahat at matapos na kung ano man ang kailangang matapos. Gusto na kasi niyang makabalik sa Adeleuse dahil gusto niyang maramdaman na sa kahirang iyon ay naroon pa rin ang pressensiya ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang Amang Hari at Inang Reyna Kalauna’y nagkayayaan na ang dalawa na bumalik na sa kanilang kampo. Pagdating nila ay naghahanda na ang mga Adelian para sa kanialng pagsasalo. Hindi na rin umuwi si Aivan at naisipan niyang doon na lang matulog. Matapos ang kanilang pagsasalo ay naupo silang nakapalibot sa apoy. Pinanood nilang muli ang pagsayaw ng mga apoy at gaya ng una ay namangha pa rin si Aivan. Matapos masaksihan ang pag sayw ng apoy ay nanatili pa sila sa gitna ng bonfire. Katabi ni Aivan si Elysia, at hindi mapigilan ng binata na hindi titigan ang dalaga. Lalo kasi itong gumaganda at gusto niyang tinitignan ang matangos na ilong nito. Maya-maya ay dahan-dahang inilapit ni Aivan ang kamay niya papunta sa kamay ng dalaga. Bigla namang napatingin si Elysia sa kamay ni Aivan at nagtaka ito kung ano ang ginagawa ng binata. Sa kaba ni Aivan ay agad niyang binawi ang kanyang kamay at umatras ng kaunti. Nag sorry ang binata ngunit nagalit pa rin si Elysia sa kanya. Tumayo bigla ang dalaga at nagpaalam ito na papasok na sa kanyang tent at magpapahinga na. Napatingin naman si Elliot sa gawi ng dalawa, nakita niayng nag iba ang awra ng kanyang kapatid kung kaya’t inilipat niya ang tingin kay Aivan na ngayon ay iba na rina ng awra ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD