Chapter 32

1471 Words
Nang madakip ang babae ay pilit na kumakawala ito sa mga kawal. Pilit niyang hinihila pabalik ang kaniyang braso ngunit malakas ang mga kwal ni Elliot at tila hindi man sila natitinag sa pagpumiglas niya. Sa bawat pagpumiglas niya ay sinasabi niya ang pangalan ni Elysia at sinasabi niyang kilala niya ito. Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga kawal at maging si Elliot, iniisip kasi nito na kilala niya ang kapatid niya dahil isa ito sa mga kampon ni Zyldian. Pagdating nila sa kampo ay patuloy na nagpupumiglas ang babae at sumisigaw. Nagulat naman ang mga Adelian kung bakit may babaeng bitbit ang kanilang mga kawal. Muling nagsalita ang babae sa nag mamakaawang boses nito. Sinabi nito wala siyang balak na masama at kailangan lang niyang makausap si Elysia. Si Elysia ang dahilan kung bakit naroon siya sa gubat kaya sana ay mapagbigyan siya ng mga ito na makausap si Elysia. Samantala sa gitnang bahagi ng kagubatan, patuloy pa rin ang paglalakad nina Elysia at Chioni. Tahimik kasi rito at matatayog ang mga puno, maririnig mo rin ang lagaslags ng tubig na nagmumula sa tagong talon sa gubat. Marami ring mga ligaw na bulaklak na makikita rito na mas lalong nagpapaganda sa hapon. Noong una ay inaya ni Elysia si CHioni na pumunta sila sa paiangliguan niyang ilog kanina. Doon ay umupo sila at nag-usap, maya-maya pa ay ang asaran ang mga ito at nagsimula nilang basai ang isa’t-isa. Nang mapagod ay napagpasyahan uli nilang maglakad sa gubat upang lumanghap ng sariwang hangin at ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Pinag uusapan nila ang mga nangyari sa kanilang buhay ng maghiwalay sila ng landas. Nagsimulang mag kwento si Chioni, “Namatay ang Ina ko na kumupkop sa akin, at nang mamatay siya ay nalaman ko na hindi niya ako tunay na anak,” pag amin nito kay Elysia. Napatigil si Elysia sa paglalakad at napa singhap sa sinabi ni Chioni. Natawa naman ang babae dahil nakakatawa ang itsura ni Elysia, akala mo ay naka kita ito ng multo sa hapon. “Bakit ganyan ang itsura mo?” natatwang biro ni Chioni kay Elysia. Inirapan lamang siya ng babae na mas lalong kinatuwa ni Chioni. “Matapos iyang mamatay, ano na ang ginawa mo?” seryosong tanong ni Elysia kay Chioni. Doon na muling nagseryoso ng mukha si Chioni, marahil ay binabalikan niya ang mga panahon giyon. Maya-maya ay tumikhim ito at nagpatuloy sa pag kkwento. “Matapos mamatay ni Ina ay pinalayas ako ng aking Ama. Ayaw na raw niya akong nakikita kaya pinalayas niya ako sa bahay namin,” mahina at malungkot na saad ni Chioni. Nalungkot si Elysia sa kanyang narinig, hindi niya sukat akalain na ganoon ang pinagdaanan ng kanyang kaibigan dito sa mundo ng mga tao. Hinawakan naman ni Elysia ang kamay ni Chioni at nagsalita, “ngayon okay ka na ba?” pag aalalang tanong nito. Ngumiti ng malapad si Chioni,” oo naman, okay na ako ano. Saka may misyoon pa akong dapat gawin at tapusin. Hindi ko na iniiisp ang ginawa ng aking Ama noon dahil hindi ko naman kailangan ang mga panahong nakasama ko siya. Hindi ko kailangan ang memories na kasama siya,” wika nito na may lakas ng loob sa tono ng kanyang boses. Nagpatuloy sa pag kkwentuhan ng mga agay-bagay ng may biglang dumating na dalwa pang kawal at sinabihan silang kailangan na nilang bumalik sa kampo nila. Hindi naman napigilan ni Elysia na maiinis, kung kailan kasi nag eenjoy sila ni Chioni saka naman sila pababalikin. Sinabi ni Chioni na ayos lang yun dahil malayo na rin ang kanilang narating, sinabi rin niya na ituloy na lang nila kwentuhan sa susunod na balik niya sa kampo. Pumayag na lang din si Elysia at nagsimula na silang maglakad pabalik sa kampo. Nang makarating sa kampo ay nagulat siya kay Elliot dahil may kasama itong babae. At mas lalo siyang nagulat ng makita niya kung sino ang babae na kasama nila. Ang hawak hawak nilang babae ay walang iba kundi si Meriyay, ang babaeng may magandang mahabang buhok na nakikita niya sa academy. Dumako ang tingin ni Meriyah kay Elysia at sandali pa silang nagkatitigan. Akmang magsasalita na si Meriyah ng inunahan na siya ni Elysia. “Kilala ko yang hinuli niyo, nakikita ko siya sa academy natin Elliot,” ani Elysia at bumaling sa lalaki. Agad naman binitawan ng mga kawal si Meriyah ng marinig ang sinabi ni Elysia. “Sa academy natin siya nag-aaral Elliot at isa siyang prinsesa. Gaya natin siya na may kapangayrihan din,” seryosong paliwanag niya kay Elliot. “Saka bakit nito siya hinuli? Hindi niyo alam na baka nasaktan niyo ang prinsesa kaya humingi kayo ng tawad sa kanya,” anito sa mga kawal na humahawak kay Meriyah kanina. Sumunod naman ang mga kawal. Agad silang umapit kay Meriyah at humingi ng tawad, sinagot sila ni Meriyah na ayos lang daw ‘yon dahil hindi naman siya nila kilala. Samantala, nahiya naman si Elliot sa ginawa niya sa prinsesa na pinadakip niya. Nagsalita si Elliot matapos humingi ng tawad ang kanyang mga kawal, “Bakit ka naririto sa gubat na ito, at anong pakay mo sa aming kampo? Hindi ka maaring magpunta rito lalo na kung wala kang pasabi at hindi ka pamilyar sa aming lahat,” matalim na tanong nito sa babae na ngayon ay nakatayo malapit kay Elysia at Chioni. Agad naman sumagot ang babae, “narito ako dahil kailangan ko ang tulong ni Elysia,” anito kay Elliot at marahang lumingon kay Elysia, “kailangan ko ng tulong mo,” anito sa mahinang boses. Nagtaka naman si Elysia at nagtanong sa babae, “Tulong? Anong kalseng tulong ang kailangan mo sa akin?” punong pagtataka na tanong ni Elysia kay Meriyah. Sumagot naman ang babae kay Elysia, “kailangan ko ng ginuntuang balahibo ng Phoenix. Nasabi nila sa akin na nasa iyo ang Phoenix kaya ikaw ang hinanap ko para humingi ng tulong,” paliwanag nito kay Elysia. Kumunot naman ang noo ni Elysia sa babae, maya-maya pa ay nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag. “Nanggaling na ako sa kahrian ng Adeleuse ngunit wala akong naabutan roon at hindi kita nakita roon. Napag alaman ko na nasa mundo na kayo ng mga tao. At kailan ko lamang nalaman na nasa iisang academy lang pala tayo, at ng malaman ko iyon ay inalam ko agad kung saan ka nakatira kaya narito ako ngayon sa kampo niyo,” paliwanag ito sa umaasang boses niya. Tumango naman si Elysia ngunit malungkot na tinignan niya ang babae at nagsalita, “gusto kitang tulungan ngunit ikinalulungkot kong ipaalam na wala sa akin ang Phoenix,” malumanay na saad niya kay Meriyah. Sa pagkakataong iyon ay tila nanlumo si Meriyah sa nadinig niya. Kailangang kailangan niya ang balahibo ng Phoenix at mukha hindi siya magtatagumpay na makakuha nito. Gustuhin mang umiyak ni Meriyah ay hindi maaari, dahil isa pa rin siayng prinsesa. Naiisip niya na baka huli na talaga ang lahat at ang tanging kailangan niya ay tila nawala na parang bula. Nang mapansin ni Elliot ang malungkot na si Meriyah at agad siyang nagsalita upang putulin ang kalungkutang nararamdaman niya. “Tutulungan kita,” wika nito kay Meriyah. Nag angat naman ng tingin si Meriyah kay Elliot. “Dahil pinadakip kita sa kaing mga kawal at napagkamalan kitang kalaban, kapalit non ay tutulungan kitang makakuha ng balahibo ng Phoenix,” seryosong dugtong ni Elliot. Biglang nagliwanag ang mukha ni Meriyah at ngumiti ito ng malapad. Dahil sa tuwa ay bigla siyang tumakbo papunta kay Elliot at mahigpit na niyakap niya ang binata. Hindi naman naka kilos si Elliot dahil nagualt din siya sa ginawa ng babae. Sa kablang banda, kung masaya si Meriyah sa sinabi ni Elliot ay kabaligtaran naman nito ang nararamdaman ni Wynnona. Alam niyang hindi naman maaari ngunit naramdamn pa rin niya ang kirot sa kanyang puso. Nang makita niyaa ng babae na tumakbo at yumakap sa binata ay tila sinaksak ng punyal ang kanyang puso sa nakita niyang pangyayari. Agad na lamang siyang nag iwas ng tingin ng hindi man lang tumutol si Elliot sa ginawa ng dalaga sa kanya. Matapos ang kasunduan ay umalis sina Eliot at Meriyah. Tinulungan din siay ni Elliot dahil kailagan din nilang magkaroon ng koneksiyon sa ibang mga kauri nila. At kinakailangan niya ring gawin iyong upang magkaroon ng relasyon sa kaharian kung saan nakatira si Meriyah. Kailnagn niya iyon para kung sakali man kailangan nila ng tulong ay may malalapitan silang kaharian. Matapos siyang bigyan ni Eliot ng balahibo ng Phoenix ay agad tong nagpasalamat sa lalaki. Nang makabalik din sila sa kampo ay agad siyang lumapit kina Elysia at Chioni. Pinasalamatan nia ang dalawa, nginitian lamang siya ni Elysia dahil wala naman sa kanya iyon dahil si elliot naman talaga ang tumulong sa kanya at hindi siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD