Dumaan pa ang ilang mga linggo walang nagbago sa kanilang mga ginagawa. Papasok ng akadrmya sila Elliot at Elysia, tapos ay magkikita ang dalawang babae at todo bantay sa kanila si Elliot para kung may mangyari man ay naroon agad siya. MAy mga pagkaktaong din nakaksama nila si Taliyah at nakaka kwentuhan nila ito pag nakaksalubong.
Samantala ang mga taga kampo ay gagawa ng mga kinakailangan para sa digmaan, may naghahanap ng pagkain, at ang iba ay abala na nageensayo.
Sabado, at nasa ilog si Elysia. Gusto kasi niyang mag pahinga at maligo na rin lalo na at tahimik sa lugar na iyo. Pupuntahan naman siya ni Chioni mamayang hapon kaya masaya siya at excited dahil makikita niya ulit ang kaniyang kaibigan.
Nakakababad si Elysia sa ilog at wala itong suot na kahit anong saplot, nakapikit din siya at pinapakinggan ang agos ng tubig, ang hangin, at pati na rin ang huni ng mga ibon. Ilang sandali pa ay naguat siya ng nakarinig siya ng sipol.
Noong una ay binalewala niya lamang ito dahil akala niya ibon lang iyon, ngunit nagtuloy-tuloy ang pagsipol sa kanya sa paligid. Doon ay nagsimula siyang mabalisa dahil una wala siyang suot na damit at pangalawa baka tao ang nakakita sa kanya.
Maya-maya ay mas lumakas ang sipol at ramdam niyang papalapit ito ng papalapit hanggang sa may babaeng lumitaw sa harapan niya. Nakaskay ito sa isang pegasus kaya alam niyang hindi ito mortal.
Tinignan siya ng babae sa mga mata at maya-maya ay sinuyod niya ng tingin ang katawan ni Elysia na nakababad sa tubig. Tinaasan niya rin ng kilay si Elysia at kinindatan pa ito. Mas lalong nabalisa si Elysia dahil sa ginawa ng babae, ngunit tumawa lang ito ng malakas.
Hindi naman kasi maikakaila ang magandang katawan ni Elysia, kahit pa nakakababad ito sa tubig ay makikita mo ang ganda ng katawan niya. Balinkitang katawan, mapusyaw na kulay ang balat niya, na bumabagay sa alon-alon nitong buhok.
Muli niyang nakita ang babae na pinasadahan ng tingin ang kaniyang katawan, at sa pagkakatong iyon ay nagalit si Elysia, ngunit wala siyang magagawa dahil ang mga damit niya ay nasa kalayuan kaya kahit gusto niyang magbihis ay ‘di niya magagawa. Takot din siya dahil baka kuhanin ng babaeng may pegasus ang kanyang damit.
Lumapit ang babae sa damit ni Elysia, sa takot ni Elysia ay umamba ito na gamitin ang kapangyarihan niya at magpalabas ng apoy papunta sa babae, ngunit bago pa niya iyon magawa ay hinagis na ng babae ang damit niya papunta sa kanya kaya ibinaba na rin ni Elysia ang kanyang kamay.
Lumapit ang babae sa kanya at nagpakilala, “Ako si Aella, nakikita kita sa academy at kung minsan ay nakikita kong kausap mo sina Taliyah at Chioni naisip ko na baka kaibigan mo rin sila,” nakangiting wika niya kay Elysia.
Si Aella ay marami ring kaibigan sa academy, dahil palakaibigan ito gusto niya parati na may makilala at maging kaibigan at si Elysia ang pinuntirya niyang kaibiganin ngayon.
“Kaibigan ko rin sila Taliyah at Chioni kaya gusto rin kitang kaibiganin. Ang astig kaya nun kapag nagkaroon akong kaibigan na bumubuga ng apoy,” masayang dugtong ng babae sa sinabi niya.
Nagtaka naman si Elysia dahil hindi naman siya dragon upang magbuga ng apoy, apoy ang kapangyarihan nila pero hindi nila ito binubuga. Nagpasya na lamang si Elysia na umahon na at mag bihis.
Habang nagbibihis ay nagsalita muli ang babae, “balak kong kaibigan si Arunika dahil ang alam ko malakas ang apoy na kapangyarihan niya, pero noong nakita kita at nalaman kong apoy din ang kapangyarihan mo ikaw na lang ang nilapitan ko. Mas ligtas kase ako sayo, dahil hindi malakas ang apoy na mayroon ka hindi kagaya ni Arunika,” walang hintong wika niya.
Napaharap naman si Elysia sa kanya at tinignan ng masama, “minamaliit mo ba ang kapangyarihan ko?” galit na tanong ni Elysia.
Nagulat din si Aella at umiling, “nako hindi ganun ang ibig kong sabihin. Takot kasi ako sa apoy at ikaw mukhang kontrolado mo talaga ang kapangyarihan mo at tsaka mas mukha kang mabait kaysa kay Arunika, hindi nakaktakot ang itsura mo,” mahabang paliwanag ng babaeng may pegasus.
Matapos magbihis ay tinanong niya si Aella, “bakit ka ba naririto sa gubat? Para kang si Taliyah na bigla na lamang naliligaw at lumalabas sa gubat,” tanong nito sa babae. Pumasok naman sa isip niya na baka mag pinsan silang dalawa ni Taliyah. Pareho kasi silang lumilipad, at parehong nilang hindi mapigilan ang kadaldalan at ang kakulitan.
Tumawa naman si Aella bago ito nagsalita, “kilala ko si Taliyah, ganoon lang talaga iyon kung saan-saan lumilipad kaya kung saan-saan din nakakarating,” wika niya kay Elysia.
Marahang tumango si Elysia, ilan sandali pa ay nagpaalam na rin sa kanya si Aella.
“Muna na ako sa iyo, kailangan ko ng umalis dahil may aasikasuhin pa ako. Masaya ako na nakilala kita at nagkaroon ako ng bagong kaibigan,” aniya at mabilis na lumipad papalayo.
Nagtaka naman si Elysia dahil hindi niya alam kug kailan niya ito naging kaibigan. Huwag niyang sabihing dahil sa pag uusap nila ngayon ay naging magkaibigan na sila? Iiling-iling na lamang si Elysia at hinayaan na alng niya ang sinabi ng babaeng may pegasus.
Tinahak na ni Elysia ang daan pabalik sa kampo. Tutal nakapag ligo na rin siya mabuti ng bumalik na siya at baka kapag nagtagal pa ito ay tao na ang makaka kita sa kanya.
Nang makarating siya sa kampo ay nakita niya agad si Aivan. May dala-dala itong pana sa kamay at ipinapakita niya ito kina Elliot at Wynnona. Malayo ito kung kaya’t hindi niya naririnig ang usapan ng mga ito, pero batid sa mga kilos ni Aivan arahil ay sinasabi niya kung paano ang pag gawa ng ssarili nilang pana.
Ilang sandali pa ay lumingon si Aivan sa kung nasaan siya. Ngumiti ang binata sa kanya at kumaway at nakita rin niya na namula pa ang mukha nito. Tipid na ngiti lamang ang ibinalik niya kay Aivan bago naglakad papunta sa kanyang tent upang magpalit ng damit at magpahinga na rin saglit.
Mahigit tatlumpung minuto namalagi si Elysia sa kanyang tent. Nang wala na siyang maisip gawin sa loob ay nagpasya na siyang lumabas upang tignan kung ano ang ginagawa ng kasamahan nila sa kampo.
Paglabas niya ay nakita niya si Aivan. Nakita rin siya ng binata at nilapitan niya ito.
“Kamusta ka Elysia?” naka ngiting tnaong ng binata ngunit mahahalata ang hiya nito sa boses.
“Ayos lang naman ako,” tipid na wika ni Elysia at iginiya ang mata sa mga tao sa kampo nila na abala sa pag asikaso ng mga bagay at pag eensayo.
Tumango naman si Aivan, “Ah, Elysia, y-yayain sana k-kita na ano, mag p-picnic mamayang h-hapon,” nauutal at nahihiyang tanong ng binata.
Nilingon naman siya ni Elysia, “pasensiya ka na pero may plano na ako mamayang hapon. Darating kasi ang kaibigan kong si Chioni,” paliwanag niya kay Aivan.
Tumango muli si Aivana at ngumiti, “E kung bukas na lang? May gagawin ka ba? Kung wala kang gagawin bukas ng hapon na lang kita yayayain,” muling nahihiyang hirit ni Aivan kay Elysia.
Tumango na lamang si Elysia sa huling sinabi ni Aivan. Matapos noon ay nagpaalam na uli si Aivan at bumalik sa mga kasama niyang kawal kanina.
Lumipas ang maghapon na walang ibang ginawa si Elysia kundi ang hintaying sumapit ang hapon. Excited na siya dahil makaka sama iya ng matagal si Chioni. Pagdating ng hapon dumating na nga si Chioni.
Pinuntahan agad niya si Elysia sa tent nito. Mabilis namang yumakap si Elysia ng makita ang kaibigan at doon ay napagkasunduan nilang maglakad-lakad muna upang makapag kwentuhan sila. Umalis sila ngunit may kasama silang dalawang kawal, sinabi kasi ni Elliot na hindi sila makakaalis hanggat wla silang kawal kasama.
Nang makaalis ang mag kaibigan ay tumulong naman si Elliot sa paghahanap ng makakain nila kasama ang ibang mga kawal at Adelian. Haang naghahanap sila ng pagkain ay may nakita silang babae, sa hudyat ni Elliot ay naging alerto ang lahat dahil hindi nila abtid kung bakit may iba pang nakakrating sa kampo nila.
Nagisip si Elliot kung ano ang gagawin doon sa babae hanggang sa napagpasyahan niyang ipahuli ito sa mga kawal. Isang hudyat lang ni Elliot ay dinakip ng mga kawal ang babae papunta sa kanilang kampo.