Ilang sandali pang nanatili sa bisig ng isa’t isa ang magkaibigan. Kun pwede nga lang ay mag stay na lang sila ganoong posisyon e, ppero dahil nasa academy sila hindi rin maiiwasan na may mga matang nakatingin sa kanila na iba ang nasa isip nila.
Matapos humiwalay sa yakap si Elysia ay malapad pa rin ang ngiti niya at kinausap ang kaibigan.
“Sabi ko na naga ba’t makikita ita rito sa academy e. Ilang na kitang hinahanap dito pero kahit anino mo ay hirapa akong hanapin,” pabirong saad niya sa kaibigan at hindi maitago ang saya sa boses nito.
Tumawa din si Chioni at sumagot, “mailap talaga ako kaya hindi mo ako basta-basta mahahanap lalo na sa malaking academy na ito,” pabirong sagot niya sa kaibigan.
Sabay silang tumawa at maya-maya pa ay nag kwento si Chioni sa kung paano ang naging buhay niya noong umalis si Elysia sa mundo ng mga tao at kinailangang bumalik sa Adeleuse.
“Naalala mo ba noong high school tayo ay bigla e kanailangan mong bumalik sa kaahrian niyo?” panimula niya at tinignan si Elysia. Tila nag-isip naman ang babae saka ito marahang tumango.
Nagpatuloy muli si Chioni sa pag kkwento, “alam mo na noong umalis ay nalungkot ako. Ikaw lang pinaka close na kaibigan noon tapos aalis ka na alng bigla, ayoko na nga pumasok non dahil hindi naman kita makikita sa school,” malungkot na wika niya kay Elysia.
Napangiti naman si Elysia dahil hindi niya alam na sobrang nalungkot ito sa kaniyang pag alis. Napangiti rin siya dahil alam niyang mahal siya ni Chioni bilang isang matalik na kaibigan.
Inirapan siya ni Chioni dahil alam nito kung bait ngingiti-ngiti si Elysia. Ilang sandali pa ay bumalik ito sa pag kkwento at naging seryoso na siya.
“Noong mga panahon na iyon, nagsimula na rin akong mahirapan. Naging mahirap din ang buhay ko at ang dami kong pinagdaanan na hindi ko alam kung paano ko lalagpasan. Wala ka naman noon kaya hindi ko alam kung sinong tatakbuhan kong kaibigan, gusto ko ngang magalit sa’yo noon dahil iniwan mo ako pero naisip ko na hindi mo naman din kagustuhan na bumalik na lang bigla sa kaharian niyo. Ayun, nagsimula ako mahirapan at dumaan sa mga mabibigat na sitwasyon pero nalampasan ko naman yun. Kaya andito pa ako at nagkita tayong muli,” nakangiting wika niya sa huli niyang tinuran.
Niyakap naman agad siya ni Elysia upang ipaalam niya sa kaibigan na pinagmamalaki niya ito at humingi ng tawad dahil wala siya noong mga panahong kailangan siya nito.
Matapos ang mabilis na yakapan ay kinamusta ni Chioni si Elysia. “Ikaw, ano ng nangyari sayo pagbalik mo sa kaharian niyo?” tanong nito kay Elysia.
“Ako, ayos lang din naman ang naging buhay ko pagbaik ko sa kaharian. May mga napagdaanan din at nalampasan naman. Pero ngayon, masaya ako dahil sa wakas na kita na kita Chioni, sa hinaba-haba at tinagal-tagal ng paghahanap ko sa wakas kasama na kita ngayon,” masayang wika ni Elysia na hindi maitago ang tuwa sa kanyang mukha.
Magyayakapan ulit sialng magkaibigan dahil pareho nilang sobrang na miss ang isa’t-isa. Sino bang mag aakalang magkikita ulit sila kung saan sila unang naging magkaibigan. Abot hangang tenga ang ngiti ni Elysia dahil nakita na niya uli ang best friend niya.
Naisipan naman nilang maglakad-lakad sa academy, at doon nga nakakita muli sila ng ibang mga prinsesa. Syempre nakita rin nila ang madaldal at makulit na prinsesa, walang iba kundi si Taliyah.
Malapad na ngiti ang agad na sinalubong sa kanila ni Taliyah. “Ngayon ko lang yata nakita ang ngiti na ‘yan sa mukha mo Elysia,” masayang wika niya. Hindi niya tuwa niya dahil ito ang unang pagkakataong nakita niyang nakangiti si Elysia.
Nahiya naman si Elysia sa tinuran ni Taliyah kaya marahan siyang yumuko at nagtago sa may balikat ni Chioni. Natawa naman si Chioni sa reaksiyon ng dalaga dahil para itong bata na binigyan ng kendi ng hindi niya kilala.
Nagtaka naman si Taliyah dahil bakit si Chioni ang kasama ni Elysia. Tapos napansin niyang close ang mga ito, at hindi siya sinusungitan ni Elysia hindi kagaya ng una nilang pagkikita tila magbubuga na ng apoy ang dalaga sa kasungitan nito.
Pero ngayon, kay Chioni, tila ibang Elysia ang nakikita niya at ang nakakgulat pa rito ay magkaiba ang kanilang kapangyarihan at sobrang magkasalungat, pero silang dalawa ay sobrang matalik na magkaibigan.
Gayunpaman, masaya pa rin si Taliyah na makitang nakangiti si Elysia at batid niya sa mukha ng dalaga na masaya siya ngayong araw.
Ilang sandali pa ay dumating din si Elliot. Nakita niya sa mukha ng kanyang kaaptid ang labis na kasiyahan, kaya mas doble ang saya niyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Matagal-tagal na rin niyang hindi nakita ang natural na pag ngiti ng dalaga kung kaya’t sa sandaling iyon ay natutuwa siyang makita ang malapad na ngiti nito.
Sinabihan na sila ni Elliot na sabay-sabay na silang pumasok mamaya para sa susunod na lecture class nila. Pumayag naman sila at nang dumating na nga ang oras para sa susunod na lecture ay hindi pa rin mapaghiwalay ang dalawa.
Tila mga magnet sila na nagdikit at mahirap ng paghiwalayin. Kung maghihiwalay man ay sobrang sandali lamang dahil maya’t-maya ay nagdidikit na naman sila.
Hanggang sumapit ang uwian ay ganoon pa rin ang dalawa. Magkaakbay, magkadikit, at sabay na lumabas ng academy. Hindi naman nakealam pa si Elliot sa galaw ng dalawa dahil naiintindihan niya kung gaano sila katagal hindi nagkita. Kaya naman ngayon ay hirap sialng paghiwalayin. Kung hindi lang magkaiba ang kanialng inuuwian, malamang ay magkadikit pa rin ang mga ito.
Habang tinatahak nina Elliot at Elysia ang daan pauwi sa kampo ay nakikita ni Elliot kung gaano kasaya ang kanyang kapatid. Sa sandaling iyon, tila wala ring mapaglagyan ang sayang nadarama ng binata. Sa tagal ng panahon, muli niyang nakita ang pagsilip ng mga ngiti salabi ng kapatid na Prinsesa. Kung maaari lang, naway makita niya iyon pala-palagi. Bumalik man ito sa pagiging tahimik niya, ramdam naman niya ang saya nito dahil sa nangyari ngayong araw.
Dito na naapagtano ni Elliot ang iba-ibang expression at emosyon na naipapakita ni Elysia sa kanila. May mga ekspresyon kasi itong pinapakita at mga emosyong tinatago. Pero sa puntong iyon napagtanto na ni Elliot na marami pa at may iba pang mga emosyon si Elysia na itinatagoa t hindi niya pa naipapakita.
Habang papalapit na sila sa uuwian ay nagsalita si Elysia dahil para matigil sa pag-iisip niya si Elliot.
“Elliot may sasabihin sana ako sa’yo,” wika nito sa malamig na tono. Ganito na ang nakasanayan niyang tono ng pananalita ni Elysia, ngunit alam niyang kalauna’y magbabago rin ito dahil nga may mga emosyon pang hindi naipapakita ang dalaga.
“Ano yun?” balik na tanong ni Elliot sa kapatid.
“Inimbitahan ko kase si Chioni na pumunta rito sa kampo natin sa isang araw,” mahinang wika ni Elysia.
Agad namang tinutulan ni Elliot ang sinabi ng kaniyang kapatid. SInabi niyang hindi siya papayag na sa kampo niya iimbitahin si Chioni.
Nakita ni Elliot sa maa ni Elysia na naiis ito sa pagtutulo niya, maya-maya ay nagsalita ang dalaga.
“Ano naman ang masama kung bibisita siya rito sa kampo natin? Kilala mo naman si Chioni ah, at tsaka para na rin makapg usap kami ng maayos. Matagal kaming hindi nagkita Elliot,” saad ni Elysia sa mataas na boses nito.
Tumango si Elliot at nagsalita, “alam kong kaibigan mo siya at matagal kayong hindi nagkita. Ayaw ko lang din na malagay sa kapahamakan si Chioni, Elysia. Hindi natin alam na may mga kampon ni Zyldian ang sa ati’y sumusunod na pala, paano kung pat si Chioni ay mapahamak dahil sa atin?” mahinahong paliwanag ni Elliot.
Hindi sa ayaw niya si Chioni na pumunta sa kampo nila, ang sa kaniya lang ay netong isang araw may presensiyang nararamdaman na sumusunod sa kanila. Hindi niya alam kung kampon ba ito ni Zyldian. At ngayon, tumutol siya dahil ayaw niyang mapahamak si Chioni sa kapahamakang dala ni Zyldian.
Nanatiling tahimik ang dalawa, at nang marating na nila ang kanialng kampoa y tinawag ni Elliot si Elysia. Lumingon naman ang dalaga na may blankong ekspresyon sa mukha.
“Pumapayag na ako na magpunta rito si Chioni,” wika niya sa kapatid dahil ayaw niyang magalit muli ito sa kaniya.