Chapter 29

1525 Words
Matapos balikan ni Elliot ang kaganapang iyon ay agad din niyang iwinaksi sa isip niya dahil baka mahalata ni Elysia na may iniisip siya. Tinanong niya si Elysia kung saan ito galing. Sumagot naman si Elysia na naglibot lang ito sa loob ng akadamya dahil gusto niyang makita ang kabuuan nito. “Ayun lang ang ginawa mo?” nagtataka na tanong ni Elliot sa kaniyang kapatid. Nagawa pa ng lalaki na pag taasan ng kilay ang kausap. Umaasang may iba pang sabihin bukod sa nauna. “Oo naman, nilibot ko lang ang paaralan para na rin makita ko at malaman ang mga pasikot- sikot dito, ang laki kaya nito no kaya maiigi na iyong may mga maiikling daang akong alam,” paliwanag naman ni Elysia kay Elliot. Sinusubukan ng dalaga na bilhin ang pananaw ng kasama. Kung hindi naman mapilit ay wala na siyang pakialam doon dahil mapapagod lamang siya. Tumango na lamang si Elliot sa palusot ng kanyang kapatid, maya-maya ay niyaya na rin siya ni Elysia na pumasok na sa kanilang mga klase. "Ano? Handa ka na sa pagpasok? Baka mahuli pa tayo, Elysia," pataas na tono ng binata. Umani iyon ng matamang pagtaas ng kilay ng kapatid niya. Ganoon na lang at nagsimula na rin na maglakad ang mahal na Prinsesa. Sumunod naman si Elliot sa kapatid niya at tumango na rin sa walang emosyong tugon ng kanyang kasama. Dahil wala pang pasok si Elliot naisipan niyang maglakad lakad muna sa loob ng akadamya. Gusto rin niyang makakita ng iba pang mga prinsipe at prinsesa. At gusto niyang kabisaduhin muli ang kabuuan ng paaralan nila. MAy limang minuto na siyang naglalakd ng may mapansin siyang isang babae. Hindi lang ito pamilyar sa kanya bagkus ay pamilyar na pamilyar, ito kasi ang babeng matagal ng hinahanap ni Elysia. Nakita rin siya ng babae at nakita niya kung paano nanlaki ang mga nito at dahan-dahan pa siyang tinuro. Nakilala rin siya ni Chioni, lumpait siya sa babae at nag kamustahan sila. “Kamusta?? Bakit ka nandito at anong ginagawa mo rito Elliot?” salubong na pangangamusta ni Chioni. “Ayos lang ako, ikaw kamusta ka naman? Matagal na rin simula nung huli nating pagkikita,” aniya sa babae sabay ngiti. “Okay naman ako, pero ‘di mo pa ako sinasagot, bakit ka nandito?” muling tanong ni Chioni. Sa putong iyon ay ikinuwento ni Elliot ang nangyari sa kanilang kaharian. “Wala na ang kaharian ng Adeleuse, nakuha na nito ni Zyldian simula ng matalo niya kami. Napunta kami rito sa mundo ng mga tao dahil tumakas kami at pinatakas na kami ng Hai at Reyna, hindi sila nakaligtas at namatay sila. Naito kami upang palakasin ang aming hukbo para sa pagbawi ng kaharian namin. At si Elysia,” wika ni Elliot at humarap kay Chioni. “Nawala sa kaniya ang kapangyarihan ng Phoenix dahil inilipat ito sa akin,” malungkot na dugtong niya. Sa sobrang gulat ni Chioni ay napahawak pa ito sa kaniyang bibig, ngunit agad din siyang inunahan sa pagsasalita ni Elliot. “Chioni, hindi pwedeng malaman ni Elysia na magkapatid kami. Hindi niya pwedeng malaman iyon dahil may takdang oras para roon,” pagbibigay niya ng babala kay Chioni. Doon pumasok sa isip ni Chioni na nawlan ng alaala si Elysia, “paanong-,” hindi na naituloy ni Chioni ang kaniyang sasabihin ng biglang magsalita muli si Elliot. “Hindi nabura ang lahat ng kaniyang alaala. May mga bagay pa siyang natatandaaan, ang tanging hindi niya maalala ay noong nagkadigmaan. Pati ikaw ay naalala niya, Chioni. Sa katunayan nga ay matagal ka niyang hinahanap, simula pa alang noong unang takpak namin sa mundong ito,” mahabang paliwanag ni Elliot. Nakahinga ng maluwang si Ellito sa oras na iyon. Laking pasalamat niya dahil siya ang unang nakakita kay CHioni at hindi si Elysia. Dahil kung nagkataon hindi niya alam ang gagawin niya kapag nalaman agad ni Elysia ang ugnayan nila. Mabuti na lang at nakita niya si Chioni at nasabihan niya agad ito sa mga bagay na hindi dapat malaman ni Elysia. Sumunod si Elliot sa kung saang classroom man pumasok si Elysia. Pagpasok sa classroom ay umpo sila sa may malapit sa bintana. Ilang minuto lang ang hinintay nila at duamting na rin ang Prof nila. Buong klase ay tahimik na nakinig ang dalawa sa lecture ng Prof nila. Ganito sila pagdating sa mga kalse nila, tahimik at seryoso silang nakikinig sa discussion at lecture ng mga PRof nila, kung minsan ay nag pparticipate din sila lalo na kapag may mga itiatanong ang kanilang Prof. Sa loob-loob ni Elliot alam na niya ang mga itinuturo ng Prof nila at kilala rin niya ang Prof na nasa harapan nila. Kailangan niyang magkunwari upang hindi mabisto. HIndi mabisto na galing na siya sa academy na iyon at ankapag-aral na siya roon. Bumalik lamang siya sa pag-aaral dahil kailangan niyang bantayan si Elysia. At bago pa man magsimula si Elysia na pumasok sa academy na ito ay nauna ng nagpunta si Elliot rito. Ilang araw bago mag enroll si Elysia sa academy na pinag-aaralan nila ngayon ay nagpunta na si Elliot rito. May mga iilang guro na siyang kilala sa academy na ito dahil nakapag aral na nga siya rito. Marami rin sa kaniyang mga naging guro ang nagtanong kung bakit siya bumalik sa academy. Hindi naman niya itinago sa kanila ang dahilan ng kaniyang pagbabalik. Sinabi nito sa mga Prof ng academy na mag-aral siyang muli, ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang kaniyang kapatid. Sinabihan niya rin ang mga ito na hindi maaraing malama ni Elysia na magkadugo at magkapatid silang dalawa. Dahil oras na malaman ni Elysia yun ay masisira ang plano ng mga magulang nila para sa kanila. Mahaba man ang naging talakayan nina Elliot at ang mga guro sa academy. Nagksundosundo naman sila sa huli na hindi ipapaalam kay Elysia ang ugnayan na meron ito kay Elliot. At dahil doon kaya nakapasok sila at nakapag aral sa academy. Matapos ang mahabang lecture ng kanialng guro ay pinalabas na rin sila. Inayos muna ni Elliot ang kaniyang mga gamit bago siya tumayo. Paglingon niya s akatabing upuan ay nagulat siya ng wala na si Elysia roon. Tila ba ang kapangyarihan na taglay nito ay pag tteleport at hindi apoy sa sobrang bilis niya kung mawala. Hinayaan na muna niya si Elysia at hindi na muna niya ito hinanap at sinundan dahil baka magalit na naman ang kaptid niya sa kanya. Minabuti muna ni Elliot na maglakad muli at libutin ang buong academy. Sa paglalakad niya ay may nakasalubong siyang isang prinsesa. Pinakatitigan ni Elliot ang prinsesa at maya-maya pa ay kumunot ang kanyang noo dahil pamilyar ang mukha ng babae sa kanya. Inisip niya kung saan niya nakita ang babae, binalikan niya lahat ng pagkaktaon kung saan may ibang prinsesa siyang nakita at nakasabay. Kalauna’y kumislap ang bumbilya sa kanyang isipan, ang babaeng nakasalubong niya ay ang prinsesa na nakasabay nila na nagpalista sa academy. Sinundan niya ang babae upang makakuha ng iilang impormasyon sa kaniya. Nag lagay din siya ng distansiya sa pagsunod dahil ayaw niyang maramdaman nito ang kaniyang presensiya. Maya-maya pa ay narinig niya sa iilang mga prinsesa rin pinag-uusapan ang babeng dumaan sa kanilang harapan. Ang panagalan daw nito ay Arunika, base na rin sa narinig niya ay prinsesa ito ng araw. Doon tumango si Elliot sa kaniyang isipan. Marahil kaya naging magaan ang pakiramdam nito sa kaniya ay dahil na rin sa magkakalapit lamang ang kanilang kapangyarihan. Kahit sa araw ito at apoy ang sa kaniya ay namangha pa rin siya, naging komportable tuloy siya sa presensiya ng dalaga. Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Elliot habang ang kanyang isip ay abala sa labis na pagka mangha sa prinsesa ng mag araw na si Arunika. Sa kabilang banda naman, patuloy pa rina ng paglilibot ni Elysia sa academy dahil umaasa pa rin siya na makikita niya si Chioni. Iniisip niya kanina na baka hindi niya nakita si Chioni dahil maaga pa iyon, okaya naman ay may pasok ito. Nagpabalik-balik siya sa iilang mga buiding upang tignan kung naroon si Chino, ngunit tila mailap ang tadhana sa kaniya dahil hindi niya pa rin ito makita. Sunod na nagpunta siya sa lugar kung saan marami sa mga students ang tumatambay lalo na tuwing break time nila. May kalakihan ito kaya inilibot muna ni Elysia ang kanyang mata. Hinahanap ng kanyang mata ang pigura ni Chioni, ngunit gaya ng kanina ay nabigo ito. Muli siyang naglakad pabalik. Habang abala sa pag lalakad, nagulat siya ng may biglang kumalabit sa kanya. Paglingon niya, ngiting-ngiti yung babae sa kanya. Maguguluhan naman si Elysia kung bakit nakangiti ng malapad ang babae. Isang mahigpit at malamig na yakap ang natanggap niya sa babae at doon lamang niya nakilala kung sino ito. Ang kayakap niya ngayon ay ang hinahanap niya, si Chioni. "Kay tagal nating hindi nagkita! Kamusta ka na, Elysia?" masayang panimula ng pinaka malapit na kaibigan nito sa mundo ng mga tao. Yumakap pabalik si Elysia sa kaibigan at naramdaman niya ang malamig na sensasyong dala ng kanyang katawan, marahil dahil ito sa kapangyarihan niya na snow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD