Chapter 28

1770 Words
Kinabukasan, may pasok sina Elliot at Elysisa sa akademya nila. Sabik si Elysia sa araw na iyon ngunit kabaligtaran nito ang naararamdaman niya kay Elliot, hindi niya ito pinapansin dahil galit pa rin siya rito. Simula pa lang sa pagkaalis nila sa kampo ay kinakausap na siya ni Elliot ngunit hindi niya talaga ito pinapansin. Nakuha nang humingi ng atensyon ni Elliot kahit pilit lamang ngunit hindi iyon pinahintulutan ng kanyang kapatid. Hanggang sa makarating sila sa University ay ‘di pa rin niya ito kinakausap. “Ano ba kasing nakakagalit doon? Ensayo lang naman yun Elysia. Isa pa, hindi mo ba nakukuha ang punto ko sa naging opensang iyon?” panunuya ni Elliot sa kaniya habang naglalakad sila papasok sa academy. Nilingon siya ni Elysia at agad niya itong inirapan. Inis na talaga siya kanina pa sa lalaki pero hindi pa rin siya tinitigilan nito. Nakuha pa ngang tumawa ni Elliot kahit na nagsusungit na si Elysia sa kanya. "Pandaraya ang ginawa mo. Siguro, natatakot ka lang na baka matalo kita kung kaya't isang desperedong pag atake ang ginawa mo. Tama ba ako?" matamang wika ng dalaga na hindi pa rin magawang lingunin si Prinsipe Elliot. “Talo ka lang e,” saad ni Elliot sa kapatid na hanggang ngayon ay umuusok ang ilong sa inis kay Elliot.  Ayaw ni Elliot na tantanan ang kapatid niya dahil natutuwa siya sa pang aasar niya. Hindi pa rin kasi nagbabago si Elysia, kagaya noong bata ito mabilis siyang mainis at mag init ang ulo. Sa huli ay tumigil na si Elliot sa pang asar niya kay Elysia dahil baka mamaya e bumuga na ito ng apoy. Hihintayin niya na lang na lumipas ang galit ng kanyang kapatid. May karapatan din naman itong magalit kaya naiintindihan siya ni Elliot. Matapos makapasok sa academy ay agad na humiwalay si Elysia kay Elliot, ayaw niyang sumusunod ito sa kanya dahil para siyang kinder na binabantayan kapag nakabuntot ito sa kanya. Agad naglakad si Elysia at nilibot ang academy, hinanap niya si Chioni kahit hindi siya sigurado kung naroon din siya sa academy na iyon. Malaki ang academy kaya mahihirapan din siyang hanapin si Chioni, hindi rin kase siya sigurado saan magsisimulang maghanap kaya mas maigi na libutin niya na ito ng buo. Sa kaniyang paglalakad ay may mga nakakasalubong din siyang ibang prinsesa. May mga iilan nag hhi sa kanya at kumakaway tapos ngumingiti ngunit tinataasan lamang niya ito ng kilay at nilalampasan. May mga prinsesa rin na ang pakikitungo kay Elysia ay gaya ng una nilang pakikitungo, takot. Mayroon din kasing mga prinsesa na umiiwas at natatakot kay Elysia dahil sa cold ito at nakaktakot pa siya kung tumingin. Kung minsan ay sinusungitan niya ang iba kahit wala naman silang ginagawa kung kaya’t natakot ang mga ito. Ngunit sa katayuan ni Elysia, wala siyang pake kung pansinin siya o hindi, kung matatakot sila o hindi. Ayaw niyang abalahin ang sarili sa pakikipag plastikan sa ibang mga prinsesa. Nagpatuloy muli si Elysia sa paghahanap kay Chioni, nakuha ng sumakit ng kaniyang mga paa sa paglilibot pero hindi niya pa rin ito nakita. Nang ilang sandali pa ay sumuko na si Elysia sa paghahanap, at ang nakita niya ay ang babeng sumira sa itlog na dapat ay kakainin nila, si Taliyah. Nang makita siya ni Taliyah ay agad na ngumiti ito ng malapad at tumakbo papalapit sa kaniya. Nag hi si Taliyah sa kaniya at kinamusta siya ngunit hindi siya pinansin ni Elysia. Sa isip ni Elysia sinabi niya na bakit ngayong araw pa siya minalas. Una, galit siya kay elliot dahil sa maagang pang aasar nito. Panagalawa, hindi niya mahanap si Chioni sa loob ng academy. At ikatlo, ang makulit at madaldal na prinsesa ang kanyang nakita. Nagpatuloy sa paglalakad si Elysia dahil naghahanap siya ng mauupuan, gusto na niya aksing maupo dahil nangalay na siya kakalakad. Nakasunod pa rin sa kaniya si Taliyah at patulo lang itong nagsasalita, hanggang sa makahanap siya ng mauupuan ay naksunod pa rin ito kaya napilitan si Elysia na kausapin niya na lang din ito dahil naiinis na talaga siya sa kadaldalan ng kasama. “Bakit ba kasi ang tahimik at lamig mo? Akala mo lagi kang may kaaway,” saad sa kaniya ni Taliyah habang kinakamot ang kilay. “Bawal ba akong maging mataman at tahimik? Isa pa, hindi mo ako masisisi kung lahat kayo'y isipin kong mga kaaway” walang emosyong sagot niya sa prinsesa. Natawa na lamang si Taliyah at umiling, “hindi ko naman sinabing bawal, kaya nga lang wag mo naman araw-arawin,” birong wika nito kay Elysia. Maya-maya pa't nakatutuwang gumagakaw ang mga tenga nito ngunit hindi nga lamang malaman kung ano ang ibig sabihin. Tinaasan siya ng kilay ni Elysia, “kung ganoon, tuwing kailan lang pwede?” pilisopong sagot niyang muli sa kausap niya. Sa pagkaktaong ito ay tumawa na ng malaks si Taliyah at may kasama pang pagpalakpak. Sa isip tuloy ni Elysia baka nasisiraan na ng ulo ang babae kahit na prinsesa pa ito.  “Alam mo funny ka rin ano,” natatawang wika ni Taliyah. “Pero kase wag naman laging ganyan ang reaksiyon mo. Huwag ka namang laging malamig, tahimik, at masungit. Sige ka, hindi ka magkakaroon ng kaibigan niyan,” anito kay Elysia na ngayon ay nakatingin sa mga ibang studyante na dumadaan. Sumagot naman si Elysia, “Alam mo rin, hindi mo kailangang maging makulit at maingay araw-araw. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo. Hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo at kinukulit mo ay masaya sa buhay nila,” seryoso at makabuluhang wika ni Elysia kay Prinsesa Taliyah. Sa sinabing iyon ni Elysia ay biglang tumahimik ang isa pang dalaga. Kung kanina ay walang hinto sa pagsasalita si Taliyah ngayon ay tila nakain na niya ang kaniyang dila sa sobrang tahimik niya. Parang kinabahan naman si Elysia sa katahimikang namagitan sa kanila. Sa loob-loob niya mas gusto na niyang dumadaldal ito kaysa sa sobrang tahimik niya. Maya-maya pa ay nagsalita na ulit ang babae. “Hindi naman din ibig sabihin na madaldal at makulit ang isa tao e ibig sabihin masaya talaga siya buhay. Hindi naman laaht ng mapaglaro at malikot ay masaya talaga sa buhay nila. Hindi mo alam baka ganoon sila dahil may tinatago pala sila. Hindi mo alam na dahil baka ganoon sila ay upang itago kung ano man ang pinagdadaanan nila. Minsan mas madali kasing itago ang mga pinagdadanan sa pamamgitan ng pag ngiti, pakiki salamuha, pakikipag kaibigan, at pagiging madaldal sa ibang tao,” mahabang paliwanag ni Taliyah sa seryosong boses. Bigla namang natahimik si Elysia sa sinabing iyon ni Taliyah, sa sandaling iyon ay napagtanto niya na may punto naman ang babae sa kaniyang tinuran. Nilingon siya ni Prinsesa Taliyah at ngumiti ng marahan. “Ayos lang iyon, wag mo masyado seryosohin ang usapan natin,” ani nito at tumawa pa ng kaunti. Marahil nabasa niya sa mukha ni Elysia na tama ang kaniyang tinuran at nagsisi si Elysia ng kaunti dahil hindi ito naging marahan sa kaniyang pagsasalita. Maya-maya ay inilahad ng kasama ang kamay niya sa kanyang harapan, “Ako si Taliyah, can we be friends?” tanong nito na malapad ang ngiti. Batid ng dalaga ang pag iingles ng kasama ngunit pinalampas na lang iyon. Sa tagal ng inilagi niya noon sa mundo ng mga tao ay nakakaintindi naman siya ng lenggwaheng iyon. Yun nga lang, mas matagal ang inilagi niya sa kaharian kung kaya't ganoon na langdin kalalim ang pananagalog niya.  Hindi na nagdalawang isip si Elysia at tinaggap niya ang kamay nito, “Elysia... s-sige.” anito at tipid na ngumiti. Matapos magkamayan ay nagpaalam na rin si Taliyah dahil may tumawag na rin sa kanya. Tinawag siya nung babaeng nakita niya sa pisikal na ensayo nila. Yung babaeng may magandang mahabang buhok, ngunit hindi na niya maalala kung ano uli ang pangalan niya. Nagpaalam na si Taliyah sa kanya at sinabi nitong magkita na lang sila sa susunod na makikita niya ito, tumango lang si Elysia. Pagtayo ng babae ay tinawag niya ang babaeng may magandang mahabang buhok, tinawag niya ito sa pangalang Meriyah. Sandali pang nakinig si Elysia sa pag uusap ng dalawa. Hindi man ganon kalakas ang tinig nila, nagawa pa rin ng Prinsesa ng Adeleuse na makiusyoso roon. Sa haba ng tinuran ng isa pang prinsesa, kalaunan, napagtanto ni Elysia na tungkol lamang sa paglabas sa mundo ng mga tao ang naging paanyaya ni Taliyah kay Prinsesa Meriyah. Ipinag walang bahala na lang ng dalaga ang diskusyon at muling binalik ang atensyon sa naiwang gawain. Matapos magpahinga, nag desisyon na si Elysia na bumalik sa kung saan ang kaniyang unang klase. Naglalakad siya ng bigla niyang makabungguan ang kinaiinisan niyang lalaki simula kaninang umaga, walang iba kundi si Elliot. Hindi katulad kanina na nang aasar ito, ngayon ay seryoso na ang kaniyang mukha. Alam kasi ni Elliot na hinahanap ni Elysia si Chioni sa loob ng kanialng academy. Paano niya nalaman? Nabasa niya ito sa diary na ginawa ni Elysia. Matapos lumabas ni Wynnona ay sumunod na rin si Elysia. Matapos ang ilang minuto ay siya namang pagdating ni Elliot sa tent. Pumasok siya kwarto upang tignan kung mayroon pang tao. Balak na kasi niyang tawagin si Elysia dahil malapit na sialng maghapunan. "Elysia-" Natigilan si Elliot. Sinuri niya ang bawat kanto ngunit wala nga talaga  roon ang kanyang hinahanap. Ganoon na lang din at pinagsa walang bahala na lang din ng lalaki. Naisip niya marahil ay tinawag na ni Wynnona ang kaniayng kapatid. Pinagmasdan ni Elliot ang loob ng tent at tinignan ang mga bagay na nasa loob nito. Kung susuriin, walang masyadong kapansin pansin sa silungan. Isa sa mga dahilan ay pawang tarapal, banig, ulunan at maliit na mesa lamang ang laman noon.  Hindi naiwasan ng binata ang mapaisip sa sitwasyong kinalalagyan nila. Malayong malayo ang bawat silungan sa kinagisnan nilang silid noong nasa kaharian pa. Ganoon na lang din at nakaramdam ng lungkot ang binata. Hindi na rin nito napigilang maalala ang namayapa nilang mga magulang.  Umaasa si Prinsipe Elliot na masamang panaginip lang ang lahat. Gano man pagbali-baliktarin ang mundo, batid ng prinsipe na ito ang magiging buhay nila sa mga susunod pang mga araw. Ang tanging magagawa lamang nila sa ngayon ay ang pag igihin ang mga ginagawa at mas paigtingin at pag isipan ang kanilang balangkas pang digmaan. Gayon pa man, natigilang muli ang binata. Pumukaw sa mata nito ang imahe ng maliit na kwadernong nakapatong pa sa ibabaw ng mesa. Marahan niya itong kinuha, isa itong papel na marahil ay hindi naitago ni Elysia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD