Naghanda na sina Elliot at Elysia. Hindi alam ni Elysia kung bakit siya kinakabahan gayong alam niyang ensayo lang naman ang kanilang gagawin. Tinignan niya si Elliot at tinignan kung kinakabahan din ba ito, ngunit hindi niya mabasa ag mukha ng makakatunggali.
Sa kabilang banda naman ay naghanda na rin si Elliot, tinignan niya si Elysia na ngayon ay nakatingin sa gawi niya. Alam niyang pinakikiramdaman i Elysia kung kabado ba siya o hinid, pinakita niya na hindi ito kinakabahan kahit na ang totoo ay kabang-kaba siya dahil si Elysia ang makakalaban niya.
Naunang pumunta sa gitna si Elliot at agad itong pumoisyon na tila handa na itong magka pag labas ng apoy anumang sandali. Ilang sandali pa ay may tila malaking bola ng apoy ang lumipad papunta sa direksiyon ni Elysia.
Nagulat si Elysia dahil naging agresibo agad si Elliot, kinabahan siya ng makaitang may bola ng apoy papalapit sa direksiyon niya. Tinitigan ni Elysia ng maigi ang apoy, may dumaplis sa kanya na kaunti ngunit ilang segundo pa ay biglang naapula ang apoy.
Ang kaninang malaking bola ng apoy ay biglang naging usok, at ang tanging dumaplis na laamng sa damit at katawan ni Elysia ay usok. Noong tinitigan niya ito ay minamanipula na pala niya ang apoy na galing kay Elliot.
Narinig ang malakas na pag singhap ng mga manonood, maging si Wynnona ay nagulat dahil sa ginawang iyon ni Elysia.
“N-nakita mo yon, napatay n-niya ang a-apoy ni pinuno,” pasinghal na wika ng isang lalaking kawal sa kasama niya habang tulala pa ring nakatingin sa mga naglalaban.
“Hindi ko alam na maari pala yung mangyari,” bilib na sagot naman ng kausap niya.
Sa buong pag eensayo nila, ngayon lang nila nakita ang ganoong estilo ng pakikipaglaban. Ngayon lang nila nakita at nalaman na maari mong ma kontrol ang apoy kahit hindi ito galing sa iyo.
Sa lahat ng mga Adelian na apoy ang kapangyarihan, tanging kay Elysis pa lamang nila nakita ang ganoon pamamaraan at teknik. Sa tingin ng mga manonood hindi nila ito kayang gawin dahil normal na mga Adelian lamag sila.
Nakita ni Elliot ang naging reaksiyon ng mga manonood, magiging siya ay nagulat at nabilib din sa ginawa ni Elysia ngunit hindi niya ito ipinahalata. Tinignan niya ang direksiyon ni Elysia at tinaasan lamang siya nito ng kilay.
Maghahanda na dapat si Elysia para sa kanyang unang pagsugod ng walang isang iglap ay sumulpot sa harapan niya si Elliot. Nanlaki ang kaniyang mga mata, magkasunod na suntok at sipa ang binigay ni Elliot kay Elysia ngunit lahat ng kaniyang ibinigay ay nasalag ng dalaga.
Kasabay ng pagkakasalag ni Elysia sa mga binabato ni Elliot sa kanya ay anglabas ito ng apoy sa kamay at direkta niya itong itinapat kay Elliot kaya direktang tinamaan ang lalaki.
Napangisi na lamang si Elliot dahil hindi niya amwari kung bakit ganoon kagaling si Elysia. Hindi niya alam kung paano nito natutunan ang mga ganoong estili sa pakikipaglaban, ngunit hindi papatalo si Elliot dahil nagsisimula pa lamang naman sila.
Tinignan ni Elliot si Elysia sa mga mata. Nakatitig din si Elysia sa kanya ngunit ang tingin nito ay malamig pa sa yelo. Apoy ang kapangyarihan nila pero ang titig ni Elysia ay kasalungat ng kapangyarihang meron sila.
Pinagpag ni Elliot ang kanyang tama. Hindi naman kase sila lubhang maapektuhan nito dahil depende sa taas at lakas ng kapangyarihan kung paano sila masusugatan.
Hindi sila masusugatan at masasaktan lalo na kung ang fire grade nila ay mas mataas sa kalaban nila.
Ang kapangyarihang apoy ni Elliot ay kulay blue na may halong white. Ang kapangyarihan apoy naman ni Elysia ngayong kasalukuyang silang naglalaban ay pinaghalong kulay red, orange, white, at mala yellow na kulay.
Ilang segundo pa silang nagtitigan ni Elysia. Sumugod ulit si Elliot papunta sa direksiyon ng dalaga, ngunit magugulat na lang siya dahil ramdam niya ang lupa na hinihigaan niya.
Mabilis na segundo lamang ngunit heto na siya ngayon nakahiga sa lupa at nakatingin patingala kay Elysia. Tinignan siya ni Elysia bigla niyang inilagay ang paa niya sa dibdib ng nakahigang si Elliot.
Huminga ng mamalim si Elliot dahil masyadong malakas at magaling ang mga estilo na ipinapakita ni Elysia. Maya-maya pa ay iniaabot ni Elysia ang kamay niya sa harapan ni Elliot.
Tumawa naman ng mahina si Elliot at iniabot niya ang kamay ng dalaga. Pagkaabot niya ay agad niyang sinugod si Elysia dahilan para magkapalit sila ng pwesto. Kung kanina’y si Elliot ang nakahiga sa lupa ngayon ay si Elysia naman ang nakahiga sa lupa.
Ilang mga atake pa ang ginawa ni Elliot. SInamantala niya ang pagkakahiga ni Elysia sa lupa. Hindi na nagawang makalaban at makatayo man lang ni Elysia. Ilang sandali pa ay pinatigil na ni Wynnona ang labanan, at sa huli ang nagwagi ay si Elliot.
Alam ni Elliot na ensayo lamang iyon, ngunit hindi pwede sa digmaan ang ganoong estilo. Marami ang natatalo sa digmaan dahil sa pagiging mabait nila sa kalaban.
Unspoken rule nila sa ensayo na hindi mo maaring iabot ang kamay mo sa napabagsak mong kalaban. Kahit na mukha itong kawawa at mukhang hindi na mabubuhay hindi maaring iabot ang kamay at tulungan ito.
Sa digmaan bawal ang maawa. Bawal kaawaan ang mga kalaban, unang-una sumabak sila sa labanan upang magtanggol at hindi upang kaawaan, kaya bakit ka maawa sa kanila kapag natatalo sila?
Nagiging dahilan ang pagiging maawain at mabait sa kalaban upang patumbahin at traydurin ka nila. Gagamitin nila ang pagiging mabuti at maawain mo upang bumaligtad ang sitwasyon niyo, sa huli, kung sino ang unang naawa sa digmaan ay siyang talo.
Hindi makapaniwala si Elysia na si Elliot ang nanalo. Dapat siya ang nanalo ngunit dahil gusto lamang niya tulungan si Elliot pero sinugod naman siya nito. Sa isip niya hindi naging patas ang laban dahil sinugood siya ni Elliot noong sinusubukan niya itong tulungan.
“Papaanong si Elliot ang nanalo? Nakahiga na siya sa lupa noong una, tinulungan ko lang siya ngunit sinugod niya ako kaya ako natumba,” galit na wika ni Elysia habang lumalapit kay Wynnona.
Umiling si Wynnona sa kanya, “malinaw na natalo ka ni Elliot, Elysia. Kaya sa laban niyong dalawa siya ang nagwagi,” mahinahong sagot ni Wynnona sa galit na Elysia.
Magkakasunod na iling din ang ginawa ni Elysia, “paano nangyari iyon? Pandadaya ang ginawa niya. Talo na siya, tinulungan ko lamang siyang tumayo pero dinaya niya ako,” galit na baling muli ni Elysia sa babaeng kawal.
“Elysia huminahon ka, ensayo lang naman ito. Sa susunod na ensayo natin bumawi ka na lamang, sa ngayon ang unang paglalaban niyo ni Elliot, siya ang nanalo,” malumanay na saad muli ni Wynnona.
“Dinaya niya ako Wynnona, alam kong nakita mo ‘yon,” pagpapaliwanag muli ni Elysia.
Umiling na lamang si Wynnona at tinapik ang balikat ni Elysia. Tinignan ni Elysia ang direksiyon ni Elliot at nakita niyang nakangisi ito at iiling-iling.
Umakyat ang dugo ni Elysia, susugurin na sana siya ni Elliot pero napigilan agad siya ni Wynnona. Hinawakan siya ni Wynnona at sinabi niya ang dahilan kung bakit siya natalo sa laban nila.
“Elysia, sa pakikipagdigmaan hindi ka pwdeng maging mabait at tulungan ang iyong mga kalaban. Tama lamang ang ginawa ni Elliot, alam niyang matatalo siya ngunit dahil naawa ka sa kanya ginamit niya ito upang ikaw naman ang patumbahin,” paliwanag ni Wynnona sa kanya.
“Elysia, lagi mong tatandaan na sa pakikipagdigmaan, ang mabait ay siyang natatalo sa huli. Kakapg nagpakita ka ng awa, gagamitin nila ito laban sayo. Tandaan mo na ang mga kalaban ay traydor, kapag naawa ka ttraydurin ka nila upang pabagsakin ka,” seryosong pagbibigay niya ng habilin kay Elysia.
Hindi na angsalita pang muli si Elysia. At nang alam na ni Wynnona na kumalma na ito ay binitawan na niya ang dalaga. Pinaikutan ng mata ni Elysia si Wynnona t umupo na lamang siya sa isang gilid.
Nakita niyang umupo naman si Elliot sa kabilang direksiyon. Tinignan niya si Elysia at tumawa na tila inaasar niya ang dalaga. Pang-aasar na katulad noong bata sila.