Abala naman si Elysia sa pagsusulat sa kanyang ginawang diary. Dito niya ibinuhos ang mga naiiisp niya at ang nangyayari sa araw niya. Dahil hindi nga siya ganoon katiwala sa mga kasama minaigi na niya na magsulat na lang para na kkwento rin niya ang nangyari sa araw.
Habang nagsusulat ay naalala muli ni Elysia si Chioni. Naisip niya na baka asa academy ito at hindi niya pa nakikita. May kapangyarihan din naman ito kaya malaki ang chance na baka pumasok ito sa school kung saan sila nag-aaral.
Hindi sigurado si Elysia kung prinsesa rin si Chioni pero alam niyang may kapangyarihan ito, napaisip tuloy muli siya, isang prinsesa rin ba kaya si Chioni?
Dahil sa naisip niya, biglang nabuhayan ng loob si Elysia. Na excite siyang pumasok kinabukasan dahil plano niyang magmasid at magikot sa acdemy dahil baka makita niya si Chioni na nag gagala roon.
Muling bumalik sa pagsusulat si Elysia. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kaniyang tent. Agad niyang tinago ang diary niya sa ilalim ng unan at umayos siya sa pagkakaupo.
Hindi naman siya nagkamali na may tao dahil maya-maya pa ay dumating si Wynnona sa tent niya. Humingi ito ng permiso na pumasok at pinayagan naman siya ni Elysia.
“Elysia? Ah nagpaphinga ka ba? Naistorbo ba kita?” tanong ni Wynnona sa kaniya.
Umiling si Elysia, “hindi naman, nagpapahinga lang naman,” ani niya kay Wynnona.
“Tinawag lang kita dahil maya-maya ay hapunan na at mag eensayo sana tayo ng kaunti gamit ang ating mga kapangyarihan. Papanoorin tayo ng ating mga kasamahan upang ng sa ganoon ay makakuha rin sila sa kung paano natin gamitin ang kapangayrihan natin,” paliwanag sa kanya ni Wynnona.
Tumango naman siya sa kausap, “ayos lang sa akin, susunod na lang ako sa iyo,” habilin pa niya sa babae.
Nauna ng lumabas si Wynnona, inayos muli ni Elysia ang diary na pinagsulatan niya at sumunod na rin sa babae.
Pagkalabas nila ng tent ay nakita niya ang mga kasama sa kampo na nagluluto at naghahanda na ng kanilang kakainin para sa hapunan.
Lumapit naman si Elysia sa isang grupo ng kababaihan na nagluluto ng ulam. “Ano ang maitutulong ko? Wala rin naman akong ginagawa kaya pwede ko kayong tulungan,” aniya sa mga babae.
Nagulat naman ang mga babae dahil hindi nila inaasahan na lalapit si Elysia sa kanila.
“Ay nako Prinsesa Elysia huwag na ho, kaya na ho namin ito. Sanay kami sa pag gawa ng ganito,” saad ng isang babae na nakangiti at masaya ang boses.
“Ang mabuti pa ho’y magpahinga na lang kayo, maya-maya ay handa na po itong kakainin natin,” wika pa ng isang babae
Ngumiti naman si Elysia sa kanila at nagsalita, “ e kanina pa ako nagpapahinga sa tent ko. Gusto ko naman na tumulong ngayon para naman hindi lang puro kain ang aking ginagawa,” biro pa nito sa mga kausap niya.
Nagtawanan ang mga ito at sinakyan pa ang biro ni Elysia, “ay nako Prinsesa, dapat lang na kumain ka lamang at kami ang maghahanda, gusto ka namin lalong palakasin,” saad naman ng may katandaang babae na siyang abala sa paglalagay ng sangkap sa kanilang ulam.
Ilang mga bolahan at biruan pa ang kanilang piangpasapasahan ngunit ayw talaga nilang patulungin si Elysisa sa kanila. Ayaw daw nila itong mapagod dahil alam nilang mag eensayo pa sila mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas at naghanda na sila ng mga nailuto nilang pagkain. Nilagay nila ang mga pagkain sa mahabang mesa at doon ay nagsalo-salo sila. Kumbaga sa tao, nag boodle fight ang mga taga Adeleuse.
Masaya ang naging salo-salo ng mga Adelia. Nagkamustaha sila sa mga nangyari at kinamusta rin nila sina Elliot at Elysia kung ano ang ginagawa nila sa academy na pinapasukan nila.
“Kamsuta naman ho ang pagpasok niyo Prinsesa Elysia? Mahirap po ba?” tanong ni Ysmir sa kanya na siyang nangunguna rin biruan ng mga taga Adelian.
Nag angat naman tingin si Elysia at sumagot, “Okay naman. Minsan may mga nakaksalubong akong mga prinsesa rin, at noong isang araw ay nag physical training kami at sobrang nakakapagod,” wika niya sa mga kasamahan.
“Nako alam naming kayang-kaya niyo ni pinunong Elliot iyon dahil alam namin ang inyog kakayahan at kalakasan,” masiglang wika niya na sinuportahan naman ng ibang mga Adelian.
Tumawa na lamang sila dahil hindi nila alam ano pa ang isasagot. Ganito talaga silang mga Adelian kapg nagsao-salo. At ganito si Elysia kapag kasama niya ang taga kampo, nawawala ang pagka masungit niya at pagka cold kapag sila ang mga kasama niya.
Habang kumakain ay nasabi rin ni Elliot ang plano na gagawin nila s amga susunod na araw.
“Napag usapan namin na baka sa mga susunod na mga araw e dadalhin ulit namin kayo sa lugar ng mga tao. Isasanay at isasabak uli namin kayo sa pakikibagay sa mga tao, at lagi niyo tatandaan ang mga napagusapan nating signal kapag kailangan na kayo sa digmaan,” paalala ni Elliot sa kaniyang mga kasamahan.
Marami naman ang tumango, mayamaya pa ay may nagtanong. “Pinuno, lahat ba kami ay sasama, wala bang maiiwan dito sa kampo natin?” tanong ng isang kawal kay Elliot.
Umiling si Elliot, “hindi maaring sumama ang lahat dahil baka mapahamak tayo at ang iilan sa inyo. May maiiwan pa rin dito sa kampo upang magbantay at mag gawa ng mga kinakailangan natin,” muling paliwanag ni Elliot sa mga kasamahan.
Naintindihan naman ng mga Adelian ang sinabi ni Eliot. Nagpatuloy ang lahat s apagkain ng hapunan habang nagpatuloy ang kanilang pag kkwentuhan. Maraming biruan at mga kamusta din ang nangyari.
Matapos kumain ni Elysia ay nakita niya ang mga batang Adelain na naglalaro. Malapit ang loob ni Elysia sa mga batang Adelian at gusto-gustong niyang nakikipaglaro sa mga ito. Kapg kasi sila ang kausap at kalaro ng mga ito ay nagiging magaan ang kaniyang pakiramdam.
Nilapitan niya ang mga ito, nakita naman ng mga bata ang paglapit niya at lumapit ang isa sa kanila, “prinsesa, gusto niyo ho bang sumali sa amin?” inosenteng tanong ng batang babae.
Ngumit naman si Elysia at ginulo ang buhok ng babae, “pwede ba akong sumali?” balik na tanong niya sa bata.
Ngumit namana ng bata at tumango, hinawakan niya angkamay ni Elysia at iginaya niya ito sa mga kasamahan niya.
May ilang minuto siyang nakipaglaro sa mga bata. Tuwang-tuwa siya dahil nakikita niya sa inosenteng mga mukha ng mga bata ang walang inaala sa mga bagay-bagay. Ineenjoy lamang ng mga ito ang kanialng paglalaro at hindi iniisip ang mabibigat na bagay na maari nilang kaharapin.
Matapos maiayos at mailigpit ang mga nagamit nila sa hapunang iyon at matapos makapagpahinga ng lahat tinawag na ni Wynnona si Elysia at sinabi nito na pumunta sila sa may bakanteng space.
Tumango naman si Elysia at nagpaalam siya sa mga bata na kailangan na nilang mag ensayo kaya iiwan na niya ang mga ito. Matapos niyang magpaalam ay sumunod na siya kay Wynnona.
Pagdating sa bakanteng space ay naroon na ang ibang mga kawal na Adelian. Naghahanda na rin ang mga ito at pati na rin si Elliot. Nilapitan ni Wynnona si Elliot dahil may itinaong ito sa kanya.
Maya-maya pa ay pumunta sa gitna si Wynnona at nagsalita, “Makinig ang lahat!’ paninimula niya. “Magsisimula tayo ng limahan, kailangan niyong ipakita ang paggamit niyo ng kapangyarihan niyo, kailangan maipakita niyo sa amin ang nagagawa ng inyong mga kapangyarihan. Maliwanag ba ang lahat?” tanong nito sa mga kasamahan niya.
Tumango at lahat at naghanda na sila, “Masisimula na tayo, pumunta sa gitna ang limang gustong mauna,” wika ni Wynnona at marahan siyang tumabi sa gilid upang magbigay daan sa mga kawal.
Nagsimula na nga ang kanilang pag eensayo, pinasayaw at pinakita ng mga kawal ang kayang gawin ng kapangyarihan nilang apoy. Animo’y avatar ito na palabas na kung saan ginagamit anag fire bending technique nila.
Matapos ang pagpapakitang gilas ng mga kawal ay panahon naman upang sina Elliot at Elysia ang maglalaban. Maglalaban sila ngunit para lamang ito sa pageensayo na iyon.
"Huwag mong subukang pagbigyan ako dahil tatanggapin ko bilang insulto iyon," walang emosyong saas ng Prinsesa.
Binalingan lamang ng mapag larong tingin ni Elliot ang mahal na Prinsesa. Hindi nito mapigilang isipin ang alaala nila noong bata pa lamang sila.
--
“Habulin mo ako Elliot! Bleh… napakabagal mong tumakbo!” pang aasar ng bata sa nakakatandang kapatid nito. Maya- maya pa mabilis na hinabol ni Elliot ang nakababatang kapatid. Kaya naman, nauna ng tumakbo si Elysia sa kabilang dulo ng kanilang hardin.
“Akala mo ha, pinag bibigyan lang kita pero ako talaga ang mas mabilis na tumakbo sa ating dalawa.”
Kampante ang tono ng lalaki. Ilang sandali pa at naabutan na nga niya ang maliit na kapatid.
Habang masayang naglalaro ang dalawa ay saka naman sila tinawag ng mga magulang. Agad silang lumapit sa gawi ng Inang Reyna Murakan at Haring Eliseo.
Malugod na tinanggap ng mag asawa ang kanilang mga anak sa mga bisig nito.
“Kamusta ang paglalaro niyo sa hardin?” malambing na tono ni Reyna Murakan.
Nag unahan pa sa pag sagot ang dalawa ngunit kalaunan, pinagbigyan din ni Elliot ang nakababatang kapatid.
“Si Elliot madaya! Binilisan niya ang takbo habang naglalaro kami. Ang usapan maglalakad lang siya kapag hinabol niya ako. Parusahan niyo siya Amang Hari!” naka pamaywang pang reklamo ni Elysia.
Sabay- sabay namang nagtawanang ang magpamilya. Pinatulan na rin ng Hari ang sumbong ng kanyang prinsesa.
Wika nito, “Anong parusa ang marapat kong ipataw sa iyong nakakatandang kapatid, mahal kong Prinsesa Elysia?”
Sa sinabing iyon ng Ama, tila nagkaroon ng liwanag sa ulo ng Prinsesa. Isang perpektong ideya ang naisip nito.
“May naiisip ako ama! Ano kaya kung ibibigay niyo na lang sa akin ang tinapay na para sa kanya mamayang meryenda?”
Ganoon na lang at mas malakas na tawanan ang pinagsaluhan ng mag anak. Napaka simple lamang ng hiling ni Elysia at walang kaso iyon sa kanyang kapatid.
Ngunit para mas mapasaya pa ito, nagpanggap na lamang si Elliot na pakalaking parusa raw noon. Ikinatuwa ng Hari ang ikinilos ng panganay niyang anak.
Sa ganoong paraan, hindi mahihirapan ang Kaharian sa pag aaway sa pamumuno. Lubos na ikinagagalak ng Hari na maayos niyang napalaki ang kanyang mga anak.
“Ano kaya kung mas marami na lang ang tinapay na para sa iyo kaysa sa iyong nakakatandang kapatid? Hindi ba mas magandang ideya iyon?” dinig naman ngayon sa Reyna.
“Sige pumpayag ako pero mas marami ng isang bilang ang akin ha? At ikaw naman kuya, sa susunod tumupad ka sa usapan! Ako ang bunso kaya ako ang masusunod. Sa akin ang lahat ng atensyon ninyo, naiintindihan niyo ba?” ani Elysia sa nakatutuwang boses nito.
Noon din ay nakatanggap ng kabi-kabilang halik sa pisngi ang pinakabatang Hunt. Hindi tinigilan ni Elliot ang pag atake sa mukha nito ng maraming halik. Kasunod noon ay ang malakas na pagtawa ng batang babae.
--
"Ang laki na ng pinagbago mo. Pero nakikilala pa rin kita," wika ni Elliot na ikinagulo lamang ng isip ng babae.