Matapos ang naging pag uusap nila ni Elysia ay angpasya na siyang bumalik sa kung nasaan sina Elliot. Tinanong niya si Elysia kung babalik na rin ba siya ngunit umiling ito at sinabing mauna na siya.
Nagpaiwan si Elysia kung saan sila nakaupo kanina.Nag iisip lang siya ng mga bagay-bagay at naalala niya na may pasok na naman sila bukas ni Elliot. Ilang sandali pa siyang nandoon sa pwesto na pinagiwanan sa kanya bago niya naisipang bumalik na rin sa kampo.
Samantala sa kampo, nagpapahinga na ang lahat dahil kaktapos lamang nilang mag ensayo. Makikita sa mukha ng mga kawal ang pagod pati na rin sina Elliot at Wynnona. Sabay-sabay silang nagpahinga at napagkasunduang itigil muna ang pag eensayo.
Nang makita ni Wynnona na sumunod ang mga kawal sa bilin niya at nagpapahinga na nga ang mga ito ay naghanap siya ng puno na malaki kung saan pwede siyang magpahinga at magpahangin.
Nakakita siya ng puno a doon nga siya nagpahinga,, nagualt naman siya ng makitang nakasunod si Elliot at inabutan siya ng tubig. Inabot niya ito at nagpasalamat.
Maya-maya pa ay bumaba si Elliot at umupo sa tabi niya. Sumandal ito at pumikit at pagkatapos ay ilang magkaksunod na hingang malaim ang ginawa niya. Animo’y pagod na pagod siya sa ginagawa niya.
“Ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Wynnona.
“Ayos lang naman ako,” anito habang naka pikit pa rin. “Ikaw, ayos ka lang?” balik na tanong niya kay Wynnona.
“Oo naman, ayos pa ako,” wika niya na pinasigla pa ang boses para magmukha siyang di pagod.
Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila. Tinitignan lamang ni Wynnona ang mga tao sa kampo nila na abala sa pag gawa ng kung ano-ano habang ang iilang mga kawal naman ay nagpapahinga.
Sinilip niya ang kasama niyang nakasandal sa puno nakapikit pa rin ito gaya ng kanina. Maya-maya ay nagualt siya ng muli itong magsalita.
“Sa tingin mo ba tama ang mga ginagawa natin, Wynnona?” anito na tila ba hindi sigurado ang tono ng kaniyang boses.
“Anong ginagawa ang ibig mong sabihin?” balik na tanong ni Wynnona.w
Nagmulat ng mata si Elliiot at umayos sa pagkakasandal, “itong ginagawa nating pag eensayo at pag aaral sa mga galaw ng mga tao,” wika niya sa kasama.
“Tama naman ang mga ginagawa natin sa ngayon,” tipid na sagot ni Wynnona.
Muling huminga ng malalim si Elliot at nag salita. “Hindi ko alam kung nagiging magaling na pinuno ba ako sa inyo. Hindi ako sigurado kung ang mga pinapagawa ko sa inyo ay tama ba. Hindi ko alam kung umuusad ba tayo sa ginagawa natin, at kung tama ba talag ang ginagawa natin,” mapait na sabi ni Elliot.
Batid ni Wynnona ang kalungkutan at hindi kasiguraduhan ni Elliot sa mga ginagawa nila ngayon kaya naman sinagot niya ito.
“Elliot, hindi naman natin agad malalaman kung magiging matagumpay ang lahat ng ating ginagaw kung babasehan na natin ito agad sa nangyayari sa atin ngayon,” seryoso ngunit makabuluhang sabi ni Wynnona.
Kumunot naman ang noo ni Elliot, “anong ibig mong sabihin?” tanong niya sa kasama.
“Ang ibig ko lamang sabihin ay maaga pa. Maaga pa para malaman natin kung ang mga ginagawa natin ay makaktulong talaga sa atin. Na kung ang mga pagod natin ay may patutunguhan ba talaga. Hindi natin ito masasabi sa ngayon dahil masyado pang maaga para husgahan ang pag sasanay natin. Kung ang pagod natin ay hindi matagumpay hindi naman tayo nagsayang ng pagod dahil amrmai tayong natutunan,” mahabang litaniya ni Wynnona na animo’y sinesermunan si Elliot.
Tumango lamang si Elliot sa sinabi ni Wynnona. “May punto ka. Hindi, tama ka, tama ang lahat ng iyong tinuran,” anito kay Wynnona habang tumatango-tango.
Muli namang sumandal at pumikit si Elliot. Tinignan naman siya ni Wynnona at nagsalitang muli.
“Darating din ang panahon na kung saan malalaman natin kung ano ang magiging bunga na ating pagsasakripisyo, pag eensayo, at pagpapagod. Darting din tayo roon at sa ngayon hindi pa ito ang tamang panahon,” sinseradong pahayag ni Wynnona.
Sa pagkakasabing iyon ni Wynnona ay unti-unting iminulat ni Elliot ang kaniyang mga mata. At dahil nga tinitignan siya ni Wynnona huli na para mag-iwas siya ng tingin. NAgkasalubong sila ng tingin ni Elliot.
Hindi alam ni Wynnona kung gaano katagala ng titigan nila ni Elliot, ang tanging nararamdaman niya lamang ay ang lakas ng t***k ng kaniyang puso at ang pamamawis ng kaniyang mga palad dahil sa kaba.
Unti-unting inilapit ni Elliiot ang mukha niya kay Wynnona. Tila naman isang magnet ang katawan ni Wynnona at unti-unti rin niyang ilalapit ang mukha niya kay Elliot.
Napapikit si Wynnona sa sobrang lapit na ng mukha ni Elliot sa kaniya at kaunti na lang ay magtatama na ang kanialng labi, ng ilang sandali ay biglang sumulpot si Aivan sa kanilang harapan.
Silang tatlo ay labis na nanlaki ang mga mata sa gulat. Hindi alam ni Aivan kung aalis ba siya o tatakbo dahil sa nagawa niya.
“Sorry, h-hindi ko s-sinasadya,” nauutal na sabi niya kina Wynnona at Elliot habang ngumisi at yumuko.
Umayos naman si Wynnona sa pagkakaupo, ininom din niya ang natitirang tubig na binigay sa kaniya ni Elliot bago nagsalita, “wala yun, ayos lang yun,” nahhiyang wika niya at tumikhim.
Tumango lamang si Aivan at nagsalita muli si Wynnona. “Yung nakita mo wala lang iyon, wala kaming ginagawang masama ni Elliot ha. Baka akse kung ao ang isipin mo,” pag ddepensa ni Wynnona sa kanilang dalawa ni Elliot.
Tumango na lamang muli si Aivan sa sinabi ni Wynnona kahit na ang nasa isip niya ay may ginagawa talaga ang mga ito at hindi nila ito natapos dahil nga bigla siyang sumulpot.
Nahiya si Aivan sa isip niya at kinurot ang sarili patago. Kung bakit ba naman kasi sa maling pagkakataon pa siya sumulpot. Edi sana ay hinid siya humihingi ng sorry ngayon at nahihiya.
Tinignan niyang muli sina Wynnona at Elliot. Si Wynnona ay inabala ang sarili sa paglalaro ng baso na hwak niya habang si Elliot naman ay nasandal lang na tila wala lang sa kaniya ang nangyari.
Nagsalita si Aivan upang ipaalam sa dalawa ang dahilan kung bakit siya naroon sa pwesto nila. “Magpapalam na sana ako na uuwi muna ako sa bahay ko. Hindi ko alam kung sasama kayo ni Elysia, pero baka hindi na dahil alam kong pagod kayo,” pagpapalam niya kay Elliot.
“Hindi na muna kami sasama ni Elysia, marami pa rin anman kasing gagwin dito sa kampo. Isa pa amy pasok kami bukas at hindi ko na kayang maglakbay pa pabalik sa bahay mo kung sakaling sasama kami. Pagod na rin kasi ang aking katawan kaka ensayo,” sagot naman ni Elliot kay Aivan.
“Naiintindihan ko, ako kailangan ko ng umuwi para dina rin ako masyadong gabihin,” muling pagpaalam niya sa dalawa.
Bago ito tuluyang umalis ay naghabilin muna sa kaniya si Elliot.
“Sa susunod na pagpunta namin sa bahay mo, isa-isang pupunta ang mga taga kampo sa mundo ng mga tao upang muling makibagay sa mga mortal. Kinakailangan pa rin kasi nilang mag ensayo sa kung paano ang tamang pakikiusap at pagkilos ng isang tao,” paliwang niya kay Aivan.
“Inabihan ko na rin sila na tutulungan natin sila at kapag may nangyaring hindi maganda ay sa bahay mo muna sila pupunta dahil iyon lamang ang ligtas na lugar na pwede nilang puntahan sa lugar ng mga tao,” dugtong pa ni Elliot sa habilin niya.
Tanging pagtango lamang ang muling iginawad ni Aivan sa lalaking kausap niya. Nang matapos maghabilin ni Elliot ay nagpaalam na muli si Aivan na uuwi na aalis na siya.
“Pahatid na kita sa mga kawal,” alok ni Wynnona na ngayon ay nakatayo na malapit sa kaniya.
Umiling si Aivan at sinabing hindi na siya kailangang ihatid dahil alam niyang pagod din ang mga kawal nila sa pageensayo. Noon din ay naglakad na ito pabalik.
Nakita pa niya si Elysia a may kalayuan, kumaway siya rito upang magpaalam ngunit tinignan lamang siya ng dalaga at pumasok na sa tent niya.
Samantala, nagpaalam naman si Elliot na aalis muna at tutulong sa paghahanap ng mga pagkain nila. Sinabi rin niya na magtuturo na rin sila sa ilang mga kasamahan tungkol sa magiging signals mula sa mundo ng mga tao kapag kakailanganin na yung mga kasamahan nila sa mismong digmaan.
Sa kabilang banda naman, si Elysia ay abalang nag susulat sa papel. Para itong sumusulat ng isang diary. Kailan niya lang naisipan gumawa ng ganon para pampalipas oras na rin. Tinatago niya ito sa ilalim ng unan ng higaan niya.