Chapter 24

1784 Words
Matapos ang nangyaring iyon, nagpatuloy naman muli ang mga kawal sa pag eensayo. Matapos ang ilang oras ay nagpahinga na rin ang mga kawal. Habang nagpapahinga sila ay may ipinakita si Aivan sa kanila na gagaqin din nila. Matapos mapanood ay ginawa naman ng kawal kung ano ang nakita nila. Sinabi ni Aivan na isa rin itong uri ng martial arts. Magagait din nila ito sa pag dedepensa nila sa sarili nila. Iniwan muna saglit ni Aivan ang mga kawal na nag eensayo at lumapit kina Elliot at Wynnona upang ipakita sa kanila ang mga na search niya patungkol sa war. Pinakita ni Aivan sa kanila ang pagkakiba ng war sa mundo ng mga tao at mundo nila. SInabi niya lahat ng mga pros and cons ng war kung ang gagayahin nilang pamamraan ay ang pamamarang pakikipag digmaan ng mga tao. Unanag-una niyang sinabi ay ang kawalan nila ng pera para sa mga kagamitang makakatulong sa kanila. Hawak ni Aivan ang laptop niya at pinakita niya ang mga kagamitang maari nilang magamit. “Ito ang pinaka kailangang gamitin ng mga tao sa war, pero sa kalagayan niyo ay wala tayong sapat na pera upang makabili ng mga ganyang gamit,” paliwanag ni Aivan sa mga kasama niya. Tumango naman sila dahil alam nilang wala silang pera ng mga tao. Muli naman nagsalita si Aivan, “kung gusto niyo ay mag improvise na lamang tayo. Gagawa tayo ng katulad nito pero hindi siya gagana ng ganito kalakas sa totong kanyon na ito,” seryosong saad niya. Nag kamot ng ulo si Aivan ng may maisip ito. Napatingin naman sa kanya ang mga kausap kung kaya’t sinabi na rin niya ang naiisip niya. “Hindi ko alam kung gagana ba ang mga ito sa mga katulad niyo. Baka hindi epektibo ang mga ito dahil may mga kapangyarihan kayo. Gumagamit ang mga tao ng baril,bomba,armalite, itong canyon at iba pa para patumbahin nila ang mga kalaban nila,” pagpapaliwanag niya sa mga kasama. Napa iling siya at muling nagsalita, “Hindi ko lamang alam na kung gagamitin natin ang mga ito ay matutumba at matatalo ba ang mga kalaban niyo, iba kasi kayo may mga kapagyarihan kayo at baka hindi pala tumalab ang mga ito sa inyo,” dugtong niya sa mahabang paliwanag. Tila nakuha naman ni Wynnona ang nais iparating ni Aivan sa kanila. Naisip din niya na baka hindi nga tablahin silang may kapangyarihan sa mga ginagmait ng tao sa pagkikipag digma. Isa pa, maaaring sa kauri niyang Adelian ay magkaroon iyon ng epekto ngunit paano naman sa mga kampon ni Zyldian?  Sandaling napatingala ang babaeng kawal sa pag asang makakaisip ng magandang suwestyon sa mga kasama. Ilang minuto pa ang tinagal at tila wala rin siyang mahinuha. Sa isip isip ng dalaga, umaasa na lamang ito na kahit papano, tatablan ang mga kalaban. Pawang dasal na lang ang maibabahagi niya pansamantala. Bigla naman sumagot si Elysia sa sinabi ni Aivan kanina, “Hindi naman kami nalalayo sa mga tao. Oo mortal kayo at may kapangyarihan kami ngunit wala namang pinagkaiba ang mga katawan natin. Nagkaiba lang talaga tayo sa pagkakaroon ng kapangyarihan,” pagpapaliwanag din ni Elysia kay Aivan. Tumango naman si Aivan at nagpatuloy si Elysia sa pagsasalita, “Kung paano ang epekto ng mga sinabi mo kanina sa mga tao ay ganoon din ang magiging epekto nito sa amin. Kaya kung magkatawang tao man o hindi si Zyldian malamang ay tatamaan at masusugatan pa rin ito sa mga bomba, baril, at kung ano pa man,” serysong wika ni Elysia sa mga kasama niya. Ganoon na lang at nagsi tanguan ang madla sa pinunong babae. Tiwala ang mga ito sa persepyon ng prinsesa. Ipagpalagay nga naman na ang apoy nila'y may pinsalang dulot din noong kasagsagan ng digmaan. Ano po kaya ang dagdag na pwersa na mayroon ang sinasabing baril, kanyon at iba pang mga sandatang nabanggit ni Aivan? Lahat sila ay tila nabunutan ng tinik sa katawan. Kung gayon ay okay lang pala na gumamit sila ng mga ganong bagay dahil may epekto rin naman ito. Kahit papaano’y makaktulong iyon kung makikidigma sila. Ngunit, may isa pa sialng problema bago magmait ang mga bagay na iyo. Ngunit sandali pa, muling nagkamot ng batok si Aivan at nagsalita, tinitigan siyang mabuti ng mga kasama dahil matagal bago niya sabihin ang nais niyang sabihin. Sa huli ay sinabi niya ang huling problemang meron sila. “Yun nga lang, may problema pa tayo,” panimula niya. Sabay-sabay na nagtaas ng kilay ang mga kasama niya.  “Hindi ako pwedeng mag supply ng mga armas sa inyo. Hindi ako basta-basta makakakuha ng mga baril at bomba. O kahit mga gamit na kakailangan sa pag iimprobisa noon dahil sa mundo namin, isa iyong paglabas sa batas,” mahinahong paliwanag niya. Sandaling natahimik ang lahat sa pagpupulong. Kung tutuosin ay napaka talinong komento noon mula sa mortal. Muling nagsalita ang mortal na binata. Wika nito, “Ma ku-kwestiyon ako kung sakaling man may mga armas at kagamitang pagdigma ako, lalo na’t isa lamang ako student,” dagdag pa nito sa sinabi. Sinabi naman ni Wynnona na kung pwede mag improvise na lang ulit sila sa mga bagay na pwede nilang iimprovise. Nang sa ganon ay hindi na rin mapahamak si Aivan at baka managot pa ito sa batas ng mga tao. Alam nilang mahirap at matatagalan sila sa pag gawa ng sarili nilang kagamitan ngunit sinabi ni Wynnona kakayanin naman siguro nila basta magtutulungan silang lahat. Sumang ayon naman ang lahat dahil makaktulong talaga ito sa kanila. "Kung ganoon, susubukan kong maghanap sa internet ng mga hakbang kung papano makakapg improvise ng mga nasabi kong sandata. Ayos lang ba kung medyo matatagalan ako? Hindi ko kasi sigurado kung gano katagal ang aabutin ko sa pangongolekta ng mga datos," mahabang pagpapaliwanag ng binata. Matapos nilang mag plano at mag-usap sa mga gagawin ay napagpasyahan ni Elysia na maglakad-lakad muna dahil wala na rin naman siyang gagawin. Ilang lakad din ang kaniayng ginawa ng may makita itong puno na nakatumba kung kaya’t nilapitan niya ito at umupo siya roon at laking gulat niya ng makita niyang nakasunod si Aivan sa kaniya. Matatakot naman si Aivan kay Elysia dahil hindi niya alam kung wala ito sa mood. Sa taranta niya ay naisip na lamang niyang maglakad pabalik sa kampo, ngunit bago pa siya maka hakbang ay pinigilan siya ni Elysia. Sinabi ni Elysia na wala namang masama kung maglalakad-lakad at gusto ring magpahangin ni Aivan. Sinabi rin niya na may itatanong din siya kay Aivan kaya huwag na siyan bumalik. Kabado man ay umupo pa rin  si Aivan ngunit malayo ng kaunti kay Elysia. Pagakupo niya ay agad na nagtanong si Elysia. Direkta na at hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. “Ano ang pakay mo bakit mo kami tinutulungan?” seryosong tanong ni Elysia sa kausap. Hindi mapagkakaila sa tinig nito ang lubhang pagtataka sa ikinikilos ng binata. Sa isip ni Elysia, bakit niya gagawin ang mga bagay na ito gayong malaking abala ang makipag partisipa sa kanila? Isa pa, anong konkretong batayan ng lalaking ito upang isugal ang kaligtasan niya para lang matulungan ang mga kauri ni Elysia? Nagulat naman si Aivan sa matapang na tanong ni Elysia, ngunit gusto niyang sabihin ang totoo kung bakit gusto niyang tulungan sila. “Ang totoo niyan, noong una kaya ako pumayag na tulungan kayo ay dahil natakot ako. Natakot ako dahil may mga kapangyarihan kayong apoy at baka gawin niyo akong abo kapag hindi ko kayo tinulungan. Hindi ko naman gugustuhin na maging lechon at pagpyestahan sa lupain niinyo,” wika ni Aivan at nagpatuloy muli sa pagpapaliwanag. Nagsalubong naman ang kilay ng dalaga sa narinig. Isip niya, masyadong malawak ang pag iisip ng lalaking ito para umabot sa ganoong karumal-dumal na ideya. Kung susumahin, mas wirdo pa ito kaysa sa kanilang mga Adelian. "Unang-una, hindi kami kumakain ng tao. Halos magkasing pareho lang tayo ng straktura ng katawan. Naiiba nga lang dahil sa kawalan niyo ng kapangyarihan. Bakit mo naman naisip na gagawin ka naming pagkain?" walang amor na baling ni Prinsesa Elysia. Sinuklian iyon ng mahinang tawa ni Aivan at saka paulit-ulit na umiling. "Sa totoo lang, Elysia, hindi ko rin alam. Siguro sa takot ko , ganon na lang ang naging reaksyon ng utak ko. Pasensya ka na," paliwanag ng lalaki. "Magpatuloy ka.." “S-sure... T-tapos noong mga sumunod na araw na nakakasama ko na kayo nag eenjoy na akong tumulong. Although, may mga times na natatakot pa rin ako lalo na kapag nag aaway kayo ni Elliot,” natatawang dugtong niya. Umiling na lamang si Elysia dahil alam niya kung gaano katakot si Aivan kapag nag aaway sila ni Elliiot, dahil kabado siya na baka masunog ang kaniyang bahay. Nagpatuloy muli si Aivan sa pagsagot sa tanong ni Elysia. “Ang totoo rin niyan ay, nag eenjoy ako kapag kasama ko kayo. Para sa akin ay kaibigan ko na kayo kahit na hindi naman talaga. First time kong magkaroon ng mga kaibigan na kung saan nakakasama ko sila na magsaya ganun, lalo na dito sa kampo niyo masaya ako palagi dahil marami akong mga naging kaibigan,” malumanay na pag kkwento niya habang naka ngiti. “Minsan nga e iniisip ko na pamilya ko na rin kayo. Nakakasama ko kayo kumain at gumawa ng mga bagay-bagay na kung saan hindi nagawa kasama ang mga magulang ko. At si Elliot, hanga ako sa kaniya dahil lagi niyang iniiisp ang kapakanan ninyo na akala mo ay mga anak niya kayong lahat. Nakakatuwang isipin yun at maramdaman lalo na’t hindi ko yon naramdaman sa mga magulang ko dahil puro trabaho na lang ang iniisip nila at tila nakalimutan na nila ako,” mahabang dugtong ni Aivan sa malungkot na boses. Tumango lamang si Elysia at inabala ang sarili na pagmasdan ang mga hayop na tumatakbo sa gubat. Maya-maya ay nagpatuloy muli si Aivan sa pag kkweto. “Kaya nga tinutulungan ko kayo ngayon dahil gusto ko na magtagumpay kayo at makuhang muli ang inagaw sa inyo ng kung sino man ang sinasabi niyong kalaban. Dahil isa na kayong pamilya at kaibigan sa akin ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya. At dahil umoo na rin naman ako noong una pa lamang paninindigan ko na ang desisyon,” natatawang muling saad niya. “Hanggat hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang gampanin ko, mag focus na muna ako sa kung anong meron ngayon,” pananapos niya sa sinasabi. Doon na nagsalita si Elysia.  “Pareho lang pala tayo. Parehong sumusunod sa agos ng mga pangyayari. Na umaasang isang araw ay alam ko na kung ano ba talaga ang tunay na misyon ko sa buhay,” mahinang saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD