Panibagong araw na naman sa kampo ng mga Adelian, at ngayong araw na ito ay walang pasok sina Elysia at Elliot. Kaya naman nanatili muna sila sa kampo nila upang tumulong at mag train na rin ng iba nilang mga kasamahan.
Naisipan ni Elysia na tumulong sa mga kasama niyang mangangaso at maghanap ng makakain nila. Hindi naman sumama si Elliot sa kanla dahil tumutulong siya kay Wynnona sa pagtuturo sa ilang kalalakihang kawal.
Kasamang umalis ni Elysia sina Ysmir at Rashid, hinintay kasi nila si Elysia dahil nagpaalam pa ito kay Elliot na sasama siya sa pangangaso. Yung ibang mga kasamahan nila ay nauna na dahil maglalagay pa raw sila ng mga trap para sa mga ligaw na hayop.
Nagpunta na nga sila sa gubat, naghiwa-hiwalay sila upang mas marami silang mahanap at makuhang pagkain. Sina Ysmir at iba nitong kasama ay nangaso, sina Rashid naman at ang kasama nito ay naghanap ng mga prutas at ng mga gulay na pwedeng iluto.
Sina Elysia naman at ang iilang kasama niyang babae ay nagtungo sa may mga manok na hinuli nila at inalagaan dahil kahit papaano’y nagagamit nila ang mga itlog nila para may makain.
May iilang manok din silang hinuli, siguro naligaw din ito sa gubat kaya dinakip nila ito at kinulong. Nang malapit na si Elysia sa manok na kukuhanan niya ng itlog ay may biglang bumagsak na tao sakto sa pwesto kung nasaan ang mag itlog.
Nagulat si Elysia dahil sayang ang mga itlog. Pagtingin niya sa kung saan bumagsak ang tao, nakita niya na tumayo ang isang babae. May maputi itong balat, patusok ang kanyang mga tenga at may pakpak siya na napakalinaw ngunit kumikinang. Pati ang katawa ng babae ay makinang din.
Nagalit si Elysia ng mapagtanto niyang basag lahat ng itlog na dapat ay kukuhanin niya para sa kanilang pagkain. Dahil sa malakas n apagbagsak ng babae ay walang natira kahit isa lamang na buo sa mga itlog.
Sa sobrang galit niya at nag-iinit ang kanyang ulo, ayaw na lang niya mag react ng kung ano dahil baka mapasama lamang ang gagawin niya sa babaeng nanira ng kanilang pagkain. Upang kumalma, nagbilang siya sa mga daliri at sabay na humihingang malalim para hindi niya mailabas ang kaniyang galit.
Maririnig niya ang babaeng nanira ng kanilang pagkain na nagsasalita at tumatawa pa. Mas lalong naiinis si Elysia dahil imbis na humingi ito ng paumanhin ay nakuha pa niyang tumawa.
Tila wala namang nangyari sa babae at nagpatuloy na naman ito sa paglipad-lipad sa paligid nila Elysia. Animo ngayong lang ito nakalipad dahil sa sobrang kakulitan niya. Iniikutan niya ang lahat ng paligid haang tumatawa siya.
Nagdidilim na ang paningin ni Elysia sa babae dahil sa sobrang kakulitan nito at kalikutan. Hindi man lang talaga nito pinansin ang mga nabasag niyang itlog. Parang walang nangyari at nagpatuloy ito sa pagliliwaliw.
Matapos magpabalik-balik ng babae ay saka lamang ito huminto sa paglipad at nagpakikila kay Elysia.
“Hi, ako nga pala si Taliyah,” naka ngiting saad nito.
Binigyan naman siya ni Elysia ng natural niyang reaksiyon, ang pagtatas ng kilay kapag may kumakausap sa kanya.
“Anong balak mong gawin sa mga itlog na nabasag mo? Kailangan namin ang mga iyon para may makain kami,” walang emosyong sagot niya sa babae.
Tila naman nagulat ang babae at tinignan ang lugar na pinagbagsakan niya kanina. Doon niya nakita ang mga lasog-lasog na itlog.
“Ah, sorry hindi ko alam na nabasag ko sila. Sorry talaga,” ani Taliyah at yumuko pa. “Kung gusto mo paghanap na lang kita ng ibang itlog,” anito at mahinang tumawa.
Hindi natutuwa si Elysia sa ginagawa ng babae sa harap niya at lalong hindi siya natutuwa sa mga sinasabi ng babae. Tinignan niya ito ng galit sa mga mata. Tila naman natakot ang babae dahil umatras ito.
“Ang seryoso mo naman masyado, nagbibiro lang naman ako. Pero humihingi talaga ako ng paumanhin sa nabasag kong maga itlog,” aniya sa kinakabahan niyang boses ngunit naka ngiti pa rin.
Sa isip ni Elysia, sinasagot niya ang babae. Sino ba naman ang matutuwa kung nabasag ang mga dapat nilang pagkain hindi ba? At matutuwa ka ba kung ang bumasag sa pagkain niyo e akala mo walang pakialam sa nagawa niya.
Bigla ulit nagsalita ang babae habang pinag-aaralan ang mukha ni Elysia. “Teka, parang nakita na kita. Parang nagkita na tayo sa akademya? Pumapasok ako sa school kung saan ang mga prinsipe at prinsesa na may kapangyarihan ay doon nag-aaral,” mahabang sabi niya kay Elysia.
Sa sinabing iyon ni Taliyah ay tinignang maiigi ni Elysia ang mukha niya, siya pala yung babae na nakasalubong nila noong isang araw palabas sa kanilang school. Ito pala yung Taliyah ngunit hindi na niya matandaan pa ang isang babae na kasama nito.
"Hindi nga ba ikaw iyon? Yung sinasabi nilang masungit at mailap na prinsesa sa buong akademya?" wika pa nito.
"Kung gayon, ganoon nga ang tingin nila sa akin," bulong ko na sadya upang hindi marinig ng kasama. Tila kumunot naman ang noo nito sa hina ng boses ko.
"Sa pakikitungo mo pa lang ay mukhang tama nga ang naririnig ko. Hindi bale, walang kaso sa akin ang personalidad mo. Magiging mabuting magkaibigan tayo!" Animo'y bumirit ang huling tono ng dalaga sa taas ng tono ng hulli nitong pangungusap.
Bago pa siya muling makapagsalita ay nagpaalam na ang babae sa kanya. Mabilis na lumipad ito paalis sa lugar na kinalalagyan nila. Noon din ay muling nanumbalik ang pagkainis ni Elysia dahil naalala niya ang mga basag na itlog. Wala tuloy siyang madadala na pwede nilang kainin.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga Adelian na kasama niya sa paghahanap ng pagkain. Makikita nila ang nakakatakot na itsura ni Elysia habang hawak-hawak nito ang basag na mga itlog sa kamay niya.
Sinabi ng mga kasama niya na okay lang iyon. Magpahinga na alng muna siya at sila na ang bahalang maghanap pa ng makakain nila. Pumayag naman si Elysia dahil nainis na rin siya, dumeretso ito sa kung saan naroon sina Elliot.
Nagulat naman si Elliot dahil naramdaman nito ang presensiya ni Elysia. Humarap siya at nakita niya ang dalaga, sinabihan niya ito na manood na lang sa ginagawa nilang pagsasanay.
Sumunod naman si Elysia. Pinanood niya ang mga kawal na nag eensayo gamit ang kung ano mang hawak nila. Hindi niya mawari kung stick ba yon or pamalo.
Maya-maya ay nilapitan siya ni Wynnona na nagpahinga muna saglit sa pagatuturo.
“Pinapanood sa amin iyan ni Aivan, martial arts daw yan. Tapos ito anamng may gamit ng pamalo e arnis daw ang tawag,” paliwanag ni Wynnona dahil nakikita niya sa mukha ni Elysia ang pagtataka.
Maalala naman ni Elysia na tumutulong din pala si Aivan sa kanilang apghahanda at pagsasanay. May bahagi na naman sa isip niya na nagdududa sa mga ginagawa ni Aivan para sa kanila.
Bakit nga ba ito tumutulong sa kanila? Hindi niya kilala ang mga kasama niya at lalong hindi sila tao. So, ano ang nag ppush sa kanya kung bakkit ganoon ito kapursigudong tumulong sa kampo nila?
Hindi niya rin maintindihan na mortal siya at ang mga kasama at tinutulungan niya ay hindi mortal. Hindi ba ito natatakot na baka may gawing masama sa kanya ang mga ito? Bakit ganoon na lamang kung magtiwala siya sa mga taong kailan lang niya nakilala?
Sa dami ng naiiisp ni Elysia ay naisip din niya ang mga natutunan nila ni Elliot. Marami na asilang natutunang bago sa mundo ng mga tao at hindi siya sigurado kung naiituro na ito sa mga kasama nilang Adelian.
Alam niyang may mga natutunan na ring iba ang mga Adelian ngunit hindi siya sigurado kung naituro na sa kanila ang mga bago nilang nalaman. Para kung sakali ay isasabak na muli nila ang mga ito na makisalamuha sa mmundo ng mga tao para mabawasn ang panganib na mahanap sila ng kanilang mga kalaban.
Nagulo lamang ang lalaim ng pag-iisip ni Elysia ng biglang may lumipad na stick sa kung nasaan siya nakaupo, ngunit mabilis ang kaniyang reflexes kaya naman nasalo niyang agad ang stick bago pa man ito tumama sa mukha niya.
Tinignan niya ang stick at saka lumingon sa kung nasaan ang mga nag eensayo. Mabilis naman na lumapit sa harap ang kawal at humingi ng tawad sa kaniya. Sinabi ito na nabitiwan niya ang stick kaya lumipad ito papunta sa direksiyon niya.
Tatango lamang si Elysia, at narinig niya si Elliot na angsalita tinatanong kung oaky lang ba siya. Malamig na tango lamang ang isinagot ni Elysia.