Nang sumunod na araw ay may pasok na sila Elysia at Elliot. Tahimiksilang dalawa habang tiantahak ang daan papunta sa eskwelahan nila.
Tahimik si Elliot dahil ayaw niyang magalit na anamn sa kanya si Elysia mabuti nang ganito na tahimik na lang sila. Samantala, tahimik si Elysia dahil bumabalik sa isipan niya ang mga napag-usapan nila ni Wynnona kahapon sa kampo.
Tinignan ni Elliot ang schedule niya, at nakita niyang physical training ang gagawin nila. Dahil physical training ito, lahat ng mga prinsipe at prinsesa ay mag eensayo sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.
Nang makarating na sila sa kanilang paaralan ay doon na nagsalita si Elliot, “pareho tayo ng schedule ngayon. Physical pag eensayo ang papasukin natin, narinig ko na dito daw hinahasa at pina practice ang paggamit ng mga kapangyarihan ng mga prinsipe at prinsesa. Kaya malamang e magkasama tayong pupunta roon sa-,” wika ni Elliot na natigilan lamag ng biglang mag sorry sa kaniya si Elysia.
Narinig niya ang paumanhin nito kahit na malamig ang pagkakasabi niya ngunit ramdam ni Elliot na na gi-guilty ang kaniyang kapatid kung kaya’t nag so-sorry ito. Hindi pinahalata ni Elliot na alam niya kung bakit siya humihingi ng tawad.
“Ayos lang yon, naiintindihan ko kung bakit ka ganun. Dala lang siguro ng kawalan mo ng tiwala yun at isa pa alam kong nagigign alerto at maingat ka lamang sa mga taong naka paligid sayo lalo na’t hindi mo malalaman agad kung kakampi ba ang mga ito o kalaban,” mahabang paliwanag ni Elliot.
Sa punton giyon, tila naging isang estatwa si Elliot dahil naramdaman na lamang niya ang braso ng kanyang kapatid na nakayakap sa katawan niya. Nabigla si Elliot dahil bakit ganoon ang mga nagiging action ni Elysia sa kanya, nakakapagtaka na ganun siya ngayon.
Ilang segundo rin ang tinagal ng pagyakap ni Elysia kay Elliot at humilay na ito at naglakad na palayo na parang walang nangyari. Deretso siyang naglakad papunta sa kung saan gaganapin ang kanilang physical training.
Nang mapuntahan na nila Elliot at Elysia ang lugar ng pag eensayo nila ay agad din namang nagsimulang mag ensayo ang mga prinsipe at prinsesang estudyante.
Ang kanilang pag e-ensayo ay hindi pare-pareho dahil magkakaiba sila ng mga kapangyarihan. May mga nagtuturo depende sa kung anong kapangyarihan ang iyong tinatagalay.
Iginala ni Elysia ang kaniyang mga mata sa mga naroroon sa lugar. Maya-maya pa ay may pumukaw ng kaniyang mga mata. Nakatagilid ito sa kanya kung kaya’t kalahati lamang ng kaiyang mukha ang nakikita niya.
Ngunit ang naka agaw talaga ng atensiyon ni Elysia ay ang magandang mahabang buhok niya. Sumasabay ito sa bawat pag galaw ng babae.Pinanood ni Elysia ang ginagaw ng babae kahit hindi niya alam at maintindihan ang bawat kilos nito.
Iniisip niya lamang na ang ginagawa nito ay may kinalaman sa kaniyang kapangyarihan. Marahil ay pinapalakas nito at inaamo ang kung anong kapangyarihan man ang meron siya.
Ilang minuto pa ang tinagal ni Elysia sa pagtitig sa babae, at narinig niyang ang pangalan nito ay Meriyah. Kaya niya nalaman ang pangalan nito ay dahil tinaag siya noon parang guro or yung nag ttrain sa kaniya, kaya narinig nito ang pangalan niya.
Hindi na rin nagatagal sa pagkilatis si Elysia sa babae dahil tinawag na siya ni Elliot upang ipasubok ang bago niyang natutunan sa kaniyang kapangyarihan.
Nagdaan ang maghapon ng ganoon ang ginawa nila sa school. Nag gugol sila ng mahabang oras sa pag eensayo ng kailang mga kapangyarihan. Ramdam din ni Elysia ang pagod sa kaniyang katawan dahil hindi madali ang physical training na ginawa nila.
Nang sumapit na ang oras ng uwian ay agad na nag-ayos ng gamit ang dalawa. Tinahak na rin nila ang daan palabas na kung saan makaksabay nila ang mga iba pang prinsesa. Siguro kapag physical training sabay-sabay lahat sa pag-uwi.
Iba kase ngayon kumpara sa normal nilang pasok. Dati ay hindi naman marami ang nakaksabayan nilang mga prinsesa pero ngayon marami na silang nakaksabay.
May mga nag-uusap din ibang prinsesa habang tinatahak ang daan palabas. Kahit ayaw makinig ni Elysia sa usapan ay hindi niya magawa dahil malakas ang boses ng mga ito.
Narinig niya sa dalawa ang pangalang Taliyah at Aella, siguro ibang mga prinsesa ang mga iyon na dito rin nag-aral. Hindi na niya narinig pa ang ibang usapa ng dalawa dahil hinila na siya ni Elliot at sinabihang bilisan maglakad para agad silang makalabas at makauwi.
Hindi dumeretso sina Elliot at Elysia sa bahay ni Aivan, dumeretso sila sa kampo dahil naroon din naman ang lalaki.
Pagdating sa kampo ay nakita agad ni Elysia ang iba nilang kasamahan na nakikipag katuwaan kay Aivan. Halos kase ang mga Adelian ay naging close na nito kaya lagi silang nagsisiyahan.
Pati nga mga kawal nila ay ka close na rin ng lalaki. Kung ang iba ay takot kay Elysia pagdating kay Aivan ay wala silang tako kahit na hindi nila ito kauri. Kung minsan nga ay naririnig niyang tinatawag nila si Aivan na Sir Chief.
Noong una ay hinahayaan niya lag iyon, pero nang lagi niyang naririnig na ganoon talaga ang tawag nila kay Aivan at hindi sa panagalan nito ay nagtanong siya sa isa sa mga kawal nila.
Sinabi ng kawal na ayun daw ag sinabi ni Aivan sa kanila, huwag raw siyang tawagin sa pangalan nito na Aivan bagkus e tawagin siya bilang Sir Chief. Nang narinig ni Elysia yun ay naguluhan rin siya ngunit hinayaan na lamang niya at hindi na nakeaalam pa.
Kalauna’y nakasalubong niya si Aivan. Marahil ay tapos na itong makipag siyahan sa mga kasama nila sa kampo. Nakita siya ni Aivan at ginawaran ng malapad na ngiti, ngunit tanging isang tango lamang ang binalik ni Elysia.
Dahil sa binigay na reaksiyon ni Elysia ay nahiya si Aivan. Naisip niya dapat pala hindi na siya ngumiti dahil masungit itong kaharap niya. Gayunpaman e kinamusta pa rin ni Aivan si Elysia.
“Kumusta? Anong nangyari sa school niyo,” anito na nahihya pa sa naitanong niya.
“Wala naman, may mga ginawa lang training,” simpleng sagot ni Elysia.
Nagtaka naman si Aivan dahil kahit sa school nila ay may training silang ginagawa. Dahil curious siya ay nagtanong muli siya kay Elysia.
“Training? Anong klaseng training? Meron din palang maga ganun sa school niyo, akala ko sa normal school lang pwede ang mag ganun,” wika ni Aivan na ngayon ay mas lalong na curious.
“Physical training, kailangan daw yun gawin para ma ensayo namin ang mga kapangyarihang meron kami,” sagot ni Elysia sa matanong na lalaki.
“Oh! Edi na ensayo mo na ang kapangyarihan mo? Napalakas mo ba?” excited na tanong muli ni Aivan.
Nilingon siya ni Elysia na masungit ang mukha at tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya alam kung bakit napakaraming tanong ng lalaking ito, daig pa niya amgsalita ang mga babae ani sa isip ni Elysia.
Napansin naman ni Aivan ang ginawa ni Elysia kung kaya’t ngumisi na lamang siya at nag taas ng peace sign. Hindi alam ni Elysia kung bakit pero natawa siya sa ginawa ni Aivan dahil alam nitong natakot niya ito, gayunpaman ay sinagot niya ito.
“Nakapag ensayo kami ni Elliot pero hindi naging madali ang pag eensayo namin. Nakakapagod din kasi lalo na at marami kaming nag ttraining, sumasabay ang init sa pagod kaya kung minsan ay hindi rin gumagana ang kapangyarihan namin,” mahabang paliwanag ni Elysia.
Sa puntong iyon, hindi na naintindihan ni Aivan lahat ng sinabi ni Elysia. Nang nakita niya kasi na ngumiti ito ng kaunti sa kanya ay tila anwala siya sa huwisyo at hindi nakuhang makinig at pakinggan lahat ng sinabi ni Elysia.
Tumango na lamang siya kahit hindi niya naintindihan lahat at natahimik na rin siya dahil hindi na niya alam ang gagawin lalo na’t nakita niya ang simpleng ngiti ni Elysia.
Sakto naman ang paglapit ni Wynnona at pagka kita niya kay Aivan ay tumawa ito ng malakas. Nagtaka ang dalawa kung bakit tumatawa si Wynnona. Maya-maya pa ay tinanong ni Wynnona kung anong nangayri kay Aivan dahil pulang-pula raw ito.
Dahil sa taranta, sumagot na lamang si Aivan na mainit daw kaya namula siya, kahit na mahangin naman talaga sa gubat kung nasaan sila.
"Ano ka ba Aivan, kung paminsan- minsan ay maaari naman tayong magbiruan" baling ng kawal.
"Pero hindi ginagawang biro ang emosyon, punong kawal na Wynnona." nakangusong sabi ni Aivan na mabilis tinugon ng babaeng kawal.
"Kung aminin mo na kasi na nagkakagusto ka kay Elysia. Hindi naman na maitatanggi dahil halata sa itsura mo at bawat titig na may pag tingin ka sa aming Prinsesa!"
Halos natigilan si Aivan dahil pang aasar na iyon ni Wynnona. Batid ng binata ang maaaring maging reaksyon ni Elliot kung sakaling mapag alaman ang bulyaw na iyon ng kawal.
"Kung aamin ba si Aivan sayo, Elysia.. anong masasabi mo?" hamon ni Wynnona.
"Wala siyang maaasahan sa akin. Wala sa isip ko ang bagay na iyan gayong may kaharian akong kailangan na iligtas. Higit sa lahat, ikaw ang nakakaalam noon, Wynnona."
Malamig na pukol ng Prinsesa sa kasama. Maya- maya pa, pumulot ito ng bato at matamang itinapon sa malayo. Animo'y buryong- buryo sa napiling diskusyon ng mga kasama.
Ilang sandali pa, tumayo na rin ang dalaga upang mauna na sa kampo.
Samantala, naiwan naman ang lalaki na hiyang- hiya at sa parehong pagkakataon, ay tila nasaktan sa naging tugon ni Elysia.
Patuloy pa rin ang pang-aasar ni Wynnona kay Aivan hanggang sa magpaalam na ito na uuwi muna siya sa kanyang bahay.
Lingid sa kaalaman ng babaeng kawal, dinadamdam na ng lalaki ang pang ba busted sa kaniya ni Elysia. Alam naman ni Aivan na malabong magkagusto ang babae sa kanya ngunit hindi niya lang talaga inaasahan na magiging ganon kalamig ang pag tugon ni Elysia sa tinanog ni Wynnona.
"Mauuna na ako punong Wynnona. May takdang aralin pa kasi akong tatapusin at ilang mga lectures na pag aaralan. Maraming salamat sa pagpapatuloy niyong muli sa akin," nakangiting turan ng binata.
Pumayag naman si Wynnona at ipinahatid niya si Aivan sa dalawang kawal hanggang sa makalabas ito ng gubat. Sa kabilang banda naman, nagpasya na si Elysia na pumasok sa tent at magpahinga dahil nakakapagod ang naging araw niya.