Lumipas ang maghapon ng hindi nakikita ni Wynnona si Elysia na lumabas sa tent. HIndi niya alam kung naka kain na ba ito, kung anong ginagawa niya o kung nagpapahinga ba ito.
Hinayaan niya lamang iyon at pagsapit ng gabi hindi pa rin lumalabas si Elysia sa tent niya. Simula pagpasok niya sa tent niya ay hindi na ito lumabas. Naisipan ni Wynnona na puntahan na siya upang makausap.
Tinahak ni Wynnona ang tent ni Elysia, dahan-dahan siyang kumatok para ipaalam na may tao.Narinig naman ni Wynnona na sumagot si Elysia at pinapayagan niya itong pumasok sa loob.
Nag angat ng tingin si Elysia at nakita niyang si Wynnona ang pumasok.
“Alam ko kung bakit pinuntahan mo ako rito, huwag kang mag-alala okay lang naman ako” anito ng walang emosyon kay Wynnona.
Tumango lamang si Wynnona dahil ayaw na rin niyang kontrahin pa si Elysia. At saka totoo naman ang sinabi niya pinuntahan niya ito para kamustahin siya dahil na kwento ni Elliot na nagtalo sila.
Naglakad naman si Wynnona papunta sa higaan ni Elysia kung saan ito naka upo ngayon. Marahan siyang umupo at tinabihan ang dalaga. Hindi nagsalita si Wynnona dahil gusto niyang si Elysia ang mag kwento sa kung ano man ang gusto niyang i-kwento.
Ilang minuto ang lumipas at wala pa ring nagsasalita sa kanila. Nagtataka na rin si Elysia kung bakit hindi kumikibo si Wynnona, na conscious siya sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.
Hindi na mapigilan ni Elysia ang sarili na kausapin si Wynnona dahil na cconscious na siya bakit tahimik pa rin ang babaeng kawal, “Bakit hindi ka nagsasalita?” anito sa katabi niya ngunit hindi ito nilingon.
Nilingon ni Wynnona si Elysia at nagasalita, “hinihintay kita mag salita. Hinihintay ko na amg kwento ka sa akin, yun ay kung may ikkwento ka,” anito sa malumanay ngunit comforting na boses.
Nagulat naman si Elysia at hindi niya alam kung mag kkwento ba siya o hahayaan niya na lang mainip si Wynnona para umalis na rin ito. Sa totoo lang ay ayaw niya mag kwento ng kahit ano kay Wynnona.
Hindi nga siya ganoon katiwala kay Elliot at Aivan e, marahil ganoon din siya kay Wynnona. Hindi niya ito lubos na pinagkaktiwalaan, nawawala ang tiwala niya sa babae at sa mga tao sa paligid niya.
Ilang minuto rin ang tinagal ng katahimikan dahil malalim na nag-iisip si Elysia. At hanggang ngayon ay hinihintay pa rin siya ng babaeng kawal na magsalita at mag kwento. Ayaw kasi niyang pilitin ito, gsuto niya kusang i kwento ni Elysia sa kanya ang mga nararamdaman niya at mga bagay na gumugulo sa isipan niya.
Ilang magkaka sunod na buntong hininga ang ginawa ni Elysia, ito ang paraan niya upang sabihin sa kasama na handa na siyang mag kwento at mag open up kay Wynnona.
“Hindi ko alam at hindi ko maintindihan, pero nahihirapan akong magtiwala kahit kanino ngayon,” panimula nito sa kanyang kwento.
Nilingon niya si Wynnona upang tignan ang reaksiyon ng babae, ngunit abalaang babae sa pakikinig sa kanya kaya tinuloy na lamang niya ulit ang pag kkwento.
“Kaya gustong hanapin ang kaibigan kong si chino dahil mas nagtitiwala ako sa kanya, gusto kong sa kanya magtanong sa mga bagay-bagay at sa mga gumugulo sa isipan ko dahil buo ang pagtitiwala ko sa kanya,” seryosong dagdag pa nito.
Nakita niya sa gilid ng kaniyang ga mata ang marahang pagtango ni Wynnona. Simbolo ito na naiintindihan niya ang bawat sinabi ni Elysia.
Sanadaling katahimkan ang namalagi ng magpasyang ituloy ni Elysia ang kaniyang sinasabi, “Hindi ako tiwala sa sarili ko na kaya ko, at kaya ng kapangyarihang meron ako na tuparin ang mga misyon ko, nagdududa ako sa sarili kong kakayahan Wynnona,” malungkot at mahinang saad ni Elysia.
Doon nilingon ni Wynnona si Elysia, batid at ramdam kasi nito na tila nahihirapan si Elysia at iniisip nito na mahina lamang siya kahit na isa siyang prinsesa.
Yumuko si Elysia dahil ayaw nitong ipakita ang lungkot at kaguluhang bumabagabag sa isipan niya.
“Hindi ko alam at hindi ko maitindihan kung bakit naririto tayo. Bakit hanggang ngayon naninirahan pa rin tayo sa gubat na ito. Kung bakit nasa mundo pa tayo ng mga tao at hindi pa bumabalik sa kaharian natin. Nalilito ako at naguguluhan kung bakit kailangan kong iligtas ang Adeleuse gayong mahina lamang ang kapangyarihang meron ako at mahina din ako,” anito sa mababang boses at puno ng pagtataka.
Humingang muli ng malalim si Elysia at iniangat ang kanyang ulo saka ito mapait na ngumiti at humarap kay Wynnona. Hinarap naman din ni Wynnona si ELysia at ginawaran niya ito ng tipid na ngiti.
“Bakit parang ang bigat ng mga responsibilidad ko, at ang bigat ng mga misyong dapat kong tapusin? Hindi ba parang kabaligtaran ang nagyayari sa buhay ko ngayon kaysa noon, Wynnona?” pagpapaliwanag ni Elysia.
“Kung dati ay wala akong ibang iniisip na responsibilidad, dahil wala naman talagang ibinibigay sa akin ang aking mga magulang ngayon bakit tila nasa akin lahat napunta ang mabibigat na pasanin? Paano ko mapagtatagumpayan lahat ng iyon Wynnona, kung mahina ako, mahinang prinsesa,” pananapos ni Elysia sa sinabi na puno ng hinanakit.
Hindi alam ni Wynnona kung paano niya i-c-comfort si Elysia lalo na at nasabi ito na hindi pa siya ganoon katiwala sa kanila.
Naisipan ni Wynnona na ikwento na lang din ang nagyari noong naganap ang digmaan sa kanilang kaharian. Dahil hindi ito maalala ni Elysia ikkwento na lang din niya para may alam ito sa mga nangyari.
“Masaya pa tayo noon dahil nailipat na nga sa’yo ang kapangyarihan ng Phoenix ngunit hindi inaasahan ng lahat na susugod sina Zyldian sa Adeleuse. Hindi naging handa ang lahat kaya lahat ay nabahala sa pagsugod na iyon,” paninimulang kwento ni Wynnona.
Huminga ng mamalim si Wynnona dahil nanumbalik muli ang mga nasaksihan niya sa labanan at naalala niya ang masakit na nangyari sa kanyang Ama.
“Marami sa mga kasamahan natin ang nasawi upang ipagtanggol at protektahan ang Adeleuse, maging ang aking Ama ay namatay sa pagtatanggol sa kaharian natin,” malungkot na saad ni Wynnona.
Nilingon siya ni Elysia at tinignan sa ma mata upang sabihin na nakikiramay ito kahit matagal na itong nangyari, tipid na ngumiti si Wynnona at nagpatuloy sa pag kkwento.
“Dinakip din ni Zyldiana ng iyong mga magulang dahil hindi ka pumayag na ibigay ang kapangyarihan ng Phoenix na ang tanging isusuko lang ay ang kaharian para mailigtas ang Amang Hari at Inang Reyna,” mahabang dugtong nito.
“Ngunit dahil si Zyldian ay taksil at gusto talaga niyang makuha ang kapangyarihan mo nagawa niyang saktan ang iyong mga magulang, ngunit sinugatan ko siya upang makatakas kayo,” wika ni Wynnona.
“Ayun na nga nagawa niyong makatakas kay Zyldian, at doon na ginawa ng Hari at Reyna ang dapat nilang gawin upang mailigtas ka at ang kapangyarihan ng Phoenix. Napagpasyahan ng Hari at Reyna na ilipat muna ang kapangyarihan ng phoneix kay Elliot dahil lubha kang nasugatan noon at hindi magiging maayos at hindi ka agad maghihilom at ang phoenix kapag ganoon ang kalagayan mo,” mahabang pagtutuloy ni Wynnona.
“Yun na lamang ang tanging paraan upang mailigtas ka at mailigaw si Zyldian at hindi niya makuha ang kapangyarihan ng Phoenix, kahit ayaw ni Elliot na tanggain ang kapangyarihan dahil sa’yo nga ito inilipat wala siyang magagawa dahil iyon na lamang ang tanging paraan na magagawa ng Hari at Reyna,” muling dagdag ng babaeng kawal sa pag kkwento.
“Ayun na nga, doon namatay ang iyong Ama at Ina dahil sila ang tumulong sa paglilipat ng kapangyarihan ng phoenix kay Elliot. At iyon din ang pagkaktaon na tumkas tayo at iba nating kasamahan at pumunta sa mundo ng mga tao upang magtago at maghandang muli sa susunod na laban natin sa kampon ni Zyldian,” pananapos ni Wynnona sa mahabang kwetong niya.
Sa puntong iyon, dahil narinig na ni Eysia ang kwento napagtanto niya na mas mabigat at mahirap pala ang pinagdaanan ni Elliot. Dahil nailipat sa kanya ang hindi naman dapat niya gagawin at nagka responsibilidad din pala ito na mas mabigat pa.
Nangako si Elysia kay Wynnona na hihingi siya ng tawad kay Elliot at makikinig na ito sa kanya, dahil para rin naman pala sa kanya ang ginagawa nito.
Nag pasalamat din si Elysia kay Wynnona dahil sa pag comfort nito sa kanya at sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na nagpagulo sa isip niya.