Ilang araw ang lumipas at nagppunta si Elliot at si Elysia sa paaralan na sinasabi ni Elliot na papasukan nila. Netong ilang araw ay bumili rin sila ng mga gamit na kakailanganin nila. Sinamahan sila ni Aivan dahil mas may alam ito pagdating sa pagbili ng kagamitang pang eskwela dahil ito lamang ang nag-aral sa kanila.
Nang makapasok at maka pag inquire ay agad naman din islang nag enroll. Nagulat pa si Elysia kung bakit pati si Elliot ay inenroll niya ang kaniyang sarili.
Tinignan niya ito ng masama, “Bakit pati ikaw papasok? Akala ko bang ako lang ang mag-aaral?” galit na tanong niya kay Elliot.
“Elysia, alam mo ang dahilan kung bakit kailangan ko ring mag enroll sa paaralan na ito,” wika naman ni Elliot sa mahinahon na boses.
“Babantayan ako? Ganoon kaya ka ang enroll, para mabantayan mo ako palagi! May magagawa pa ba ako e nag enroll ka na!” pilosopong sagot ni Elysia sa kasama niya.
Ilang minuto pa ang inabot ng pag process ng kanilang mga papel, maya-maya pa ay inabot na ng registrar ang mga schedule ng kanilang klase.
Pagkakuha ni Elysia sa papel na inabot ng registrar ay mabilis itong naglakad papasok at iniwan si Elliot. Nais niyang iligaw si Elliot upang hindi ito laging nakasunod sa kanya at bantayan siya na akala mo e isa siyang kinder student.
Nagtagumpay naman si Elysia sa pagliligaw kay Elliot dahil hindi na ito nakasunod sa kanya. Pero napansin niya na tila rin siya ay naligaw sa kanyang ginawa.
Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Elysia, sinundan niya ang nakasulat sa papel na binigay at hinanap niya ang room number na nakasulat rito.
Nakakita siya ng mga prinsesa ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, hindi naman kase niya kilala ang mga ito at lalong wala siyang tiwala sa mga taong bago pa lang niya nakita.
Inisnob at dinaraanan niya lang lahat ng makikita niyang prinsesa, hindi nito alam pero ayaw niya talagang makausap ni isa sa kanila. May mnagilan-ngilan ngang kumakausap sa kanya pero hindi niya pinapansin ang mga ito.
May lumapit din sa kanyang prinsesa at pilit siyang kinakausap ngunit tinitignan niya lang ito at tinataasan ng kilay. Blanko lang din niya itong tinitignan dahil naiinis siya kung bakit pilit siyang lumalapit sa kanya.
Hanggang sa mahanap niya ang room number na hinahanap niya ay naksunod pa rin sa kanya ang prinsesa na kumakusap sa kaniya kanina. Hindi niya alam kung dito rin ba ang kwarto nito o sadyang ginugulo lamang niya ang tahimik na buhay ni Elysia.
Umupo ang prinsesa sa tabi ni Elysia at sinabi na alam niyang fire princess din si Elysia.
“So, apoy din pala ang kapangyarihan mo, ramdam ko kasi yung power mo kahit hindi mo sabihin sa akin. Well, isa rin akong fire princess, apoy aang powers ko pero may panagalan ito at malakas,” anito sa maarteng boses at akala mo e nanunuya.
Tinignan lamang siya ni Elysia na akala mo e na bbored sa pakikinig dito sa babae sa tabi niya. Wala siyang balak na kausapin ito lalo na at nakakairita talaga siya.
Maya-maya pa ay tumayo ang babae sa harap niya at nag cross-arms, “Dama ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan mo, pero bakit tila mahina lamang ang sayo? At wala pa itong pangalan, ganon ba talaga kahina ang kapangyarihan na meron ka?” anito kay Elysia at tumawa ng sarkastiko.
May namuong galit sa katawan ni Elysia, ayaw naman niyang patulan at saktan ang babae sa kanyang harap kahit na gustong-gusto na niya itong saktan. Nagpigil na lamang ng emosyon si Elysia, tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad palabas ng room.
Dahil sa sinabing iyon ng prinsesa, napaisip tuloy si Elysia kung paano niya magagawang tulungan at iligtas ang kaharian ng Adeleuse kung ang tingin sa kanya ng ibang prinsesa ay mahina lalo na ang kapangyarihang taglay niya.
Labis na nainis si Elysia dahil sa naisip niya. Kung bakit ba naman kase matapobre at mahangin ang prinsesang yon na kumausap sa kanya. Imbis na maganda ang unang araw niya sa school ay sinira na agad ito ng isang prinsesa ng apoy.
Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Elliot, muling dumoble ang inis niya sa katawan dahil naalala nito ang ginawa niya kanina. Nang malapit na siya kay Elliot ay binangga nito ang katawan ng lalaki at lalagpasan sana niya ito ngunit hinila ni Elliot ang kamay niya.
Pagkahila ni Elliot ay iniharap niya si Elysia sa kanya. Malamig na titig at blankong ekspresyon ang binigay ni Elysia kay Elliot. Hindi nito alam kung bakit inis na inis siya ngayong araw at heto na naman si Elliot upang dagdagan muli ang kanyang pagka inis.
Hindi alam ni Elysia na alam ni Elliot kung ano ang ginawa at sinabi sa kanya noong isang prinsesa sa kanya. Narinig kasi ito ni Elliot kanina noong mapadaan siya sa may room nina Elysia. Pero hindi na siya huminto at tignan kung anong nagyari dahil alam niyang magagalit lalo si Elysia.
“Elysia, hindi mo kailangang pakinggan at paniwalaan ang sinasabi nila sayo, hindi ka nila kilala kaya hindi nila alam kung anong meron ka at kung ano ang kayanag gawin ng iyong kapangyarihan,” seryoso at madiing pagkakasabi ni Elliot sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Nakatingin lamang si Elysia sa kaniya gaya ng kanina nitong pagtingin, nagpatuloy na lang si Elliot sa pagsasalita, “nasa akin ang iyong Phoenix, Elysia at malakas ang kapangyarihan mo na iyon,” wika niya sa babae.
Natawa naman si Eysia at sumagot, "Hindi akin ang kapangyarihan, katulad mo pinahiram lang din sa akin iyan,” walang emosyong wika niya.
Dahil sa sinabing iyon ni Elysia ay nagulat si Elliot naahimik siya at hindi alam kung paano sasagutin ang kanyang kapatid.
Nagsalita muli si Elysia, “Tama naman yung prinsesa na yun, walang dapat ipag alala dahil totoo namang mahina ako,” aniya kay Elliot at naglakad palayo.
Sa kabilang banda, sa gubat kung nasaan ang kampo nila Elliot kasama ni Aivan sina Wynnona at ilang mga kasamahan nila. Dala-dala ni Aivan ang tablet niya t ipinakita ito sa mga taga kampo.
Makikita sa mata ng mga ito ang pagkabilib at pagkamangha dahil ibang level na ng teknolohiya ang gamit ng mga tao. Sasabihan niya si Wynnona na isa ito sa mga pag-aaralan nila ngayong araw.
Tuturuan sila ni Aivan kung paano gamitin ang gadget na dala niya, sinabihan niya ang mga ito na madali lamang matutunan iyon dahil pippindot ka lang naman sa screen.
Sinabihan niya rin sina Wynnona at ang kampo na hindi dapat sila makampante sa kung ano lang ang meron sila, yun nga ay nag kapangyarihan nila. Sinabi niya na sa bawat war o digmaan laging nag iiba ang estilo ng mga kalaban makalipas ang ilang mga taon.
Hindi umuulit ang mga nakikipagdigmaan sa paraan kung paano sila sumugod at tinapos ang isang war. Developing lagi ang estilo ng pakikipag digmaan. Hindi sila pwedeng mag stick lamang sa iisang plano palagi, dapat ay marami silang plano.
Naisip din ni Aivan na dahil makaluang paraan ang ginagawa nila, mas malaki ang magiging advantage kung gagamit din sila ng modern way ng pakikipagdigma.
Dahil malamang ay makalumang paraan din ang gagamitin ng kalaban nila, hindi nila malalaman na may mas advance way sila kung paano sumabak sa war.
Nabilib naman ang mga taga kampo at pati na rin si Wynnona dahil sa dami ng idea na naiisip ni Aivan. At lahat ng kaniyang naiisip ay mukhang makaktulong nga sa pag pplano nila sa pakikipaaglaban kay Zyldian.
Dahil sa mga sinabi ni Aivan pumayag sila na sundin ang mga suhestiyon niya. Hindi na rin sila nagsayang pa ng oras at nagsanay na sila nang nagsanay.
Ilang oras pa ang nakalipas at bumalik sina Elliot at Elysia sa kampo nila. Makikita na wala sa mood si Elysia dahil aagd itong dumeretso sa tent niya at sinara agad ito. Napansin naman ni Wynnona yon at tinanong niya si Elliot kung anong nangyari sa kanila.
Ikinuwento naman lahat ni Elliot kay Wynnona ang nangyari kanina sa school, kaya ganoon ang itsura ni Elysia. Naintindihan ni Wynnona ang lahat ng nangyari kaya naging ganoon ang reaksiyon ni Elysia. Sinabihan niya si Elliot na hayaan munang magpalamig ng ulo si Elysia.