Kinabakusan, sabay-sabay na kumain ng almusal ang tatlo. Wla kasing pasok si Aivan kaya naisipa niya na ipagluto ng alamusal ang dalawang kasama. Natuwa kasi siya sa nakita niya kahapon pag-uwi niya galing school.
Nagluto siya ng hatdog and bacon, nag sinangag din siyang kanin ngunit yung kagaya sa chowfan ng Chowking, at nag toast na rin siya ng tinapay pero ginamit na niya ang toaster kinakabahan kasi siya kapag tino-toast ni Elysia ang tinapay gamit ang kapangyarihan niya.
Hindi na siya ang abalang pagtimpla ng kape ang dalawa dahil hindi naman niya alam ang panlasa ng mga ito, at hindi rin siya ganoon kasarap tumilpa ng kape dahil hindi siya nag kakape.
Habang kumakain sila ng almusal ay binasag ni Elysia ang katahimikan, “Naisp ko na gusto ko ring pumasok sa school kagaya ni Aivan,” seryososong saad niya habang kumakain.
Dahil sa gulat nabulunan si Aian dahil hindi nito alam kung bakit ganoon kalakas ang loob ni Elysia na subukan ang lahat ng bagay. Ngunit kung sa pag-aral hindi yata pwede iyon, dahil wala namang record si Elysia.
Tama, tama ang naisip ni Aivan kaya nagsalita ito, “paano ka mag-aral? Wala kang school records, grades, good moral mga ganun. Saan mo kukuhanin mga yun? Wag mong sabihin saking dadayain mo mga records na ipapasa mo?!” di makapaniwalang saad ni Aivan kay Elysia.
Tinasaan siya ng kilay ni Elysia at muling nagsalita, “nakapag-aral na ako ng elementarya rito ano at nakapag high school din ako. Pero, hindi ko ito natapos dahil nahuli ako ng Iang Reyna kung kaya’t ibinalik niya akong muli sa kaharian namin,” pagpapaliwanag niya sa mga kasamahan.
Tumango naman si Aivan pero hindi pa rin kasi sapat ang ga iyon upang makapasok ito sa eskwelahan. Nag-isip si Aivan ng posibleng school na pwedeng pasukan ni Elysia at doon niya naisip yung ALS.
“May alam ako na pwede kang mag-aral kahit ilang taon ka na, Alternative Learning Sysytem ang tawag doon o ALS for short. Doon pwede kang pumasok at mag-aral ng kung anong gusto mo,” mahinahong suhestiyon ni Aivan.
Aktong tatango na si Elysia ng biglang sumabat si ELliot, “hindi pwede, hindi papasok si Elysia sa school ng mga tao at doon sa sinabi mo. Hindi siya magiging ligtas doon, may alam akong school na para lamang sa mga kagaya naming may kapangyarihan at hindi mortal,” pag kontra ni Elliot sa plano ng dalawa.
Sumimsim si Elliot ng kape sa kanyang tas at tinignan si Elysia, “doon ka mag aaral,” anito ssa seryosong boses.
Makikita naman sa mukha ni Elysia ang pagkainis sa sinabi ni Elliot. Ayaw niya na mag-aral sa ganoog paaralan, ngunit wala na naman siyang magagawa dahil ang kagustuhan ni Elliot na naman ang masusunod.
Tumaas ang kilay ni Elliot sa reaksiyon ni Elliot, sinabi niya ang dahilan kung bakit gusto niyang doon mag-aral si Elysia.
“Mas magandang doon ka amg-aral dahil makikilala mo ang ilan sa mga ibang Prinsesa at marahil ay makaka kuha ka pa ng koneksiyon sa kanila. Maaaring sa tulong ng ibang mga prinsesang yon ay malalaman natin kung paano tayo kikilos,” pagpapaliwanag ni Elliot sa kapatid.
Marahan na lamang tumango si Elysia sa paliwanag ni Elliot. Naisip din niya na baka doon niya mtatagpuan ang matagal na niyang hinahanap na si Chioni.
Kung si Elysia ay tumango sa mga sinabi ni Elliot, ang kasama naman nilang si Aivan ay tila litong-lito na sa mga nangyayari, hindi niya lubos maisip na may iba pa palang mga hindi mortal sa mundo nila.
Akala niya ay sila Elliot at ang mga kasamahan lang niya ang kakaiba, ngunit ngayon may mga Prinsesa na naman siyang narinig. Hindi na lamang siya nakialam sa dalawa at tinapos na lang niya ang pagkain.
Normal lamang ang nangyari sa kanila maghapon. Nag ensayo uli sila sa mga pamamaraan ng tao, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na lamang sina Elliiot at Elysia ang tuturuan. Kasama na sa mga tinuturuan nila ang nassasakupan nila.
Tinuruan nila ang mga kasamahan sa kampo kung paano kumilos, makipag-usap, at mag blend in sa mga tao. Sinabak nila ang mga ito sa kung paano isinabak ni Aivan sina Elysia at Elliot sa pag eensayo.
Ilang araw din ang kanilang ginuguol upang maturuan ang iba pa nilang mga kasamahan. Ginawa rin ito ni Elliot upang kahit papaano’y mailigaw niya ang mga sumusunod sa kanila na kampon ni Zyldian.
Kung minsan kasi ay nakakarmadam siya ng ibang presensiya na sumusunod sa kanila, kung kaya’t tama lamang na ihanda na ang mga kasamahan nila.
Batid ni Elliot na marami sa kanyang mga kasmahan ang nahirapan at nanibago lalo na sa pananamit nila, dahil pakiramdam ng mga ito na hindi sila magiging ligtas kung simpleng t-shirt at pants lang ang kanilang susuotin.
Naipaliwanag naman a knila iyon ni Elliot kung kaya’t sumunod din kalaunan ang mga nasasakupan niya.
Matapos ang ilang araw na pageensayo at pagtuturo sa sa nasasakupan, napagpasyahan na bumalik muna silang muli sa kampo, at kasama si Aivan.
Pagbalik nila sa kampo ay makikita ang saya sa mukha ng mga Adelian, may iilan pa nga sa kanila na pina practice ang mga natutunan nila.
May iilan sa mga kalalakihan ang nangaso rin upang may maihanda sila mamayang gabi sa kanilang pagsasalo-salo. May mga tumutugtog din ng musika, umaawit at sumasayaw. Dahil ito sa bagong natutunan nila.
Syempre hindi rin mawawala ang pagsasayaw ng iba sa apoy, dahil ito ang kapangyarihan nila sumayaw sila sa apoy habang tumutugtog ang iba.
Dumating ang gabi at nagsalu-salo ang lahat sa maliit na piging na inihanda ng kampo. Iba’t ibang putahe ang makikita na galing sa pangangaso at sa gubat. Makikita mo na masaya ang lahat dahil sa tagal ng panahon ay naka pag piging muli sa sila.
Matapos ang mahabang kainan na sinaluhan ng kwentuhan ay naupo silang lahat na nakapalibot sa apoy na nasa gitna. Ang apoy na iyon ang nagsisilbing liwanag nila sa gabing iyon.
Habang nakaupo ang lahat ay tahimik nilang pinagmamasdan ang apoy. Nakakapigil hininga ang kanilang nakikita dahil sa pagsayaw ng apoy. Mababatid rito na lahat ng mga tao sa kampo ay parang binibigyan ng respeto at atensiyon ang nagsasyawang apoy sa gitna.
Hindi naman makapaniwala si Aivan sa nakita niya. Ngayon lamang siya nakakita ng tao na tila nasa apoy at sumayaw ito. Gulat man ay nakuha niya pa ring iadmire ang ganda ng apoy na sumasayaw, dito niya itinuon ang kaniyang atensiyon.
Samantala, magkatabi naman sina Elliot at Wynnona. Pareho nilang tahimik na pinapanood ang apoy na sumayaw nang hindi sinasadyang magdikit ang kanilang mga braso.
Nagulat naman si Wynnona dahil sa nangyari kaya napatingin ito kay Elliot, mas lalo naman siyang nagulat nang makitang nakatingin din sa kaniya si Elliot. Dahil sa kaba at taranta, agad na umiwas ng tingin si Wynnona at umusog ng kaunti para di sila magdikit ni Elliot.
Sa kablang banda, nalipat naman ang tingin ni Aivan sa direksiyon ni Elysia. Nakatingin ang dalaga sa apoy at tila malalim ang iniisip nito, hindi nga niya napapansin na may nakatingin sa kanya dahil sobrang seryoso nitong nakatingin sa apoy.
Hindi mapigilan ni Aivan na admirahin si Elysia. Dahil na rin sa liwanag na dala ng appoy nakikita niya kung gaano kaamo at kaganda ang mukha ni Elysia. Ngunit gayunpaman makikita pa rin sa mukha nito ang kalakasan aat lakas ng kaniyang pesensiya.
Kahit malayo ay makikita mo na malakas pa rin ang dating ni Elysia kahit wala itong ginagawa. Kahit mamalim itong nag-iisip ay maganda pa rin ito. Ngayon lang natitigan ng ganoong katagal ni Aivan si Elysia, dahil kapag nasa bahay sila ay natatakot siya sa pagsusungit nito.
Maya-maya pa ay biglang lumingon si Elysia sa gawi ni Aivan, huli na para mag-iwas g tingin ang binata. Nakita siya ni Elysia na nakatingin sa kanya kaya ginawaran niya ito ng isang ngisi at tapos ay inismiean niya ang lalaki.
Natawa naman si Aivan sa ginawa ni Elysia dahil batid niyang nagsusungit na naman it, ngunit nasabi niya sa sarili niya na, okay lang ang pagka masungit ni Elysia medyo comforting pa nga e hindi gaya ng iba na kapag masungit ay nakakainis talaga.
"Para saan ang pag iismid mo na iyon?" wika ni Aivan na pumukaw sa atensyon ng dalaga.
"Para tigilan mo na ako sa palagi mong pagdikit sa akin," tugon ng Prinsesa.
Tila punyal na tumusok sa damdamin ni Aivan ang mga salitang iyon. Sa kabilang banda, mabuti na lang at kilala niya ang babaeng iyon. Kung tutuosin ay normal niya ng attitude ang ganoon.
Maya- maya pa, inilabas ng lalaki ang cellphone nito at saka naghanap ng magandang kanta mula roon. Inasahan na rin niya na hindi ganong papansinin ni Elysia ang kilos niya dahil wala itong pinapakita na interes sa mga bagay na bago sa kanyang paningin.
Isang sanali pa, nagsimula ng tumugtog ang kanta sa background. Pinili ni Aivan ang kanta ni Moira na Tagpuan.
Di, 'di ko inakalang
Darating din sa akin
No'ng ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng "bakit"
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di s'ya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan, sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
No'ng ako'y ituro mo
S'ya ang panalangin ko
At hindi, 'di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin
Pa'no nasagot lahat ng "bakit"?
'Di makapaniwala sa nangyari
Pa'no mo naitama ang tadhana?
Muling tinignan ng palihim ni Aivan si Elysia at naisip niya na masaya siya kapag nakikita niyang ngumingti ang dalaga.