Sa narinig ni Aivan at kusang nanlaki ang kanyang mga mata, “Mamamatay? Ikaw mamatay ka Eliot?” naguguluhang tanong niya sa kausap.
Tumango lamang si Elliot at bunmuntong hininga, alam niyang iyon ang magiging kapalran niya ngunit masakit pa rin isipin na dapat niyang isakripisyo ang kanyang buhay.
Nangamot naman ng ulo si Aivan dahil hindi siya labis makapaniwala, “Bakit ka mamamatay? Paano ka mamatay?” curious na tanong muli nito kay Elliot.
Tinaas ni Elliot ang kanyang ulo at tumingin sa gawi ni Aivan, “inilipat sa akin na aming Inang Reyna ang kapangyarihan ng Phoenix dahil sa lubhang mga sugat na natamo ni Elysia noon. Kaya upang mabilis itong maghilom, ililipat siya sa akin at may makukuha nito ang ilang parte ng aking buhay,” malalim na paliwanag ni Elliot.
Napakunot noo naman si Aivan sa mga narinig niya, hindi niya alam kung totoo ba ang maga nanagyayari dahil karamihan ay palabas lang niya talaga naririnig at nakikita ang mga ito, pero ngayon, ang mga kasama niya sa bahay ay ganoon ang story ng buhay nila.
Dahil hindi sumsagot si Aivan ay nagpatuloy na lamang si Elliot sa pagpapaliwanag, “Hindi magagawang mag hilon ng Phoenix kung sugatan ito, kaya inilapat siya sa akin dahil kailangan at iyon na lamang ang tanging natitirang paraan,” aniyang muli sa kasamahan.
“P-pero paano mo nalaman na mamatay ka? I mean, kung may kapangyarihan ka bakit ka mamatay pa?” litong-lito na wika ni Aivan sa kausap.
“Bago mamatay ang aming Ina, inilapad at inilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo. Sa pagkakataong ‘yon, inilipat at ipinaalam sa akin ng aking Ina ang lahat ng imporamsyon pati na rin ang magiging misyon ko. Hindi niya ito sinabi dahil baka may makarinig doon at mapahamak lahat kami,” malungkot na saad ni Elliot na animo’y inaalala ang masakit na pangyayaring iyon sa kaniyang buhay.
Malungkot ang naging pagtango ni Aivan. Hindi niya lubos maisip na mabigat at masakit pala ang napagdaanan at mapagdadaanan ni Elliot sa buhay niya. Kahit makaikita mo siyang malakas, hindi mo iisiping may mga masasakit na kaganapan itong dinidibdib.
“Pasensiya na, hindi ko alam na ganoon ang kwento mo,” sinseradong saad ni Aivan. Tumango lang si Eliot at tipid na ngumiti.
Tumayo si Aivan at lumapit kay Elliot, akmang yayakapin niya ito ng bigla siyang itulak ni Elliot palayo. Dahil sa naging reaksiyon ni Elliot at tumawa si Aivan at nagsalita.
“Hoy! Hindi ako bakla or kung ano man ha, gusto lang kitang yakapin dahil ganun mag bigay nang comfort ang mga tao. At tsaka wala namang masama kung magpapakita ng emosyon ang mga lalaki ano,” pagpapaliwanag nito habang tumatawa.
Ngumisi na lamang si kay Aivan dahil hindi nito alam kung anong reaksiyon ang dapat niyang ibigay. Maya-maya pa ay nagsalita muli si Aivan.
“Paano kaya kung tulungan ko kayong gumawa ng plano? May naiiisp ako na baka makatulong sa inyo, may napanood akong movie about war kaya baka makatulong yun,” excited na suhestiyon ni Aivan.
“Movie? Paano naman makakatulong yun sa pagpplano namin?” natigilan lamang si Elliot ng magtaka siya kung bakit alam ni AIvan na kailangan niya ng plano para sa pakikipagdigmaan.
“P-paanong…,” wika ni Eliot ngunit agad namang tumango si Aivan dahil alam na nito ang nais iparating ni Elliot.
Ngumuso si Aivan sa isang pirasong papel at lapis na nakalagay sa may mesa. “Ilang beses na akong nakakaita ng mga papel na may drawing ng mga pandepensa, mga tore, at parang mga palaso,” aniya sa nagtataka pa ring si Elliot.
“Naisip ko na baka ikaw ang mga gumuguhit nun, defense at offense ang mga nakikita kong naka drawing. Kaya nga nag ssuggest ako ngayon na baka makatulong yung napanood ko. Tungkol yun sa kung paano ang gagawi kapag makikipagdigmaan ang isang hukbo,” mahabang paliwanag ni Aivan.
Nagisip munang mabuti at malalim si Elliot. Kalauna’y tumango siya kay Aivan at inilahad ang kaniyang kamay bilang tanda ng pagkakasundo nila at pagbabati sa nangyaring pag-aawa nila kanina.
Ngumiti naman si Aivan at tinanggap ang kamay ni Elliot. Sa ngayon tutulungan sila ni Aivan sa pagsasagawa ng plano upang makapaghanda sa pakikipagdigma nilang muli.
Samantala, bigla namang lumabas ang bulto ni Elysia. Kinabahan si Elliot dahil baka narinig nito ang pag-uusap nila ni Aivan about sa mga nangyari sa kanila noon.
Dumeretso ang dalaga sa mga lalagyan nila ng agkain, hindi pa rin ito nagsasalita at mararamdaman mo pa ring ang pagsusungit nito. Matapos makakuha ni Elysia ng pagkain ay naglakad ito pabalik sa kwarto ng tawagin ni Elliot.
“Elysia, sorry kanina,” hinging paumanhin pa rin ni Elliot sa pagtatalo nila.
Nagsalita naman si Elysia ngunit hindi ito humarap sa kausap, “hayaan mo na, magpapahinga na ako dahil pagod ako ngayong araw,” walang emosyong saad nito kay Elliot at muling pumasok sa kwarto.
Kinabukasan, nagpaalam si Aivan sa dalawa na papasok muna siya sa school. Sinabihan niya ang dalawa na may pagkain naman sila kaya iiwan na muna niya ang mga ito, niloko rin niya ang mga ito na huwag mag-aaway at baka gumamit sila ng kapangyarihan ay maging abo ang kanyang bahay.
Bago niya tuluyang iwan ang dalawa ay pinapunta niya ang mga ito sa sala. Binuksan niya ang tv at saka ipinalabas ang sinasabi niyang movie na about sa paghahanda sa pakikipagdigma.
Binalaan niya ang dalawa na medyo matagal ang movie, ngunit marami namang makukuhang idea si Elliot kung ttiyagain lang nila itong tapusin hanggang dulo. Pumayag naman ang dalawa at saka naupo sa sala upang panoorin ang sinasabi ni Aivan.
Ilang sandali pa at ilang habilin pa ang sinabi ni Aivan bago siya tuluyang lumabas ng bahay at tinahak ang daan papunta sa school.
Pagdating ni Aivan sa school ay agdd siyang sinalubong ng mga grupo ng kalalakihan. Hinihila nila ang kaniyang buhok, kinuha ang salamin na suot niya at sinabihang nerd, kinuha at pinagpapasahan ang bag niyang dala, at hinihingan din siya ng pera.
Matapos makuha at magawa ng mga ito ang gusto nila kay Aivan ay sisibat na sila na animo’y walang ginawang masama. Hindi na lamang sila pinapatulan ni Aivan dahil alam niyang wala siyang panama sa phsyical na lakas, ngunit pagdating naman sa pautakan ay hindi nila siya malalamagan.
Ayaw niyang pumatol dahil wala naman ding mangyayaring mabuti, lalo lamang siyang b-bullyhin at pag ttripan. Hindi na rin bago sa kanya ito, dahil high school pa lamang ay marami ng nang bbully sa kaniya.
Sinasabihan siyang nerd, kawawa, tanga, lampa at kung ano-ano pa. Ngunit alam naman niya sa sarili niya na hindi niya matatalo ang mga ito at hindi rin naman sila magiign dahilan upang tumigil siya sa pag-aral. Pangarap iya kayang makapagtapos ng pag-aaral at maging top sa school.
Makalipas ang maghapon at uwian na niya. Dumaan muna siya sa laboratory nila at nagkatikot at nagtingin sa kung anong pwede niyang gawin sa susunod nilang experiment. Matapos niya sa lab ay dumeretso naman siya sa school library, nag gugol siya ng ilang oras sa paghahanap at pagbabasa ng mga libro patungkol sa war.
Matapos mag-aral at magbasa sa library ay naisipa na niyang umuwi. Habang pauwi ay naisipan niya muna ulit dumaan sa bookstore upang tumingin ng libro about sa war. Alam kasi niyang makakatulong ang mga ito kanila Elliot sa pagsasagawa ng kanilang plano.
Naisip ni Aivan na kahit sa ganitong paraan ay makaktulong siya sa dalawa niyang kasama sa bahay. SIlang dalawa ang naging kaibigan niya, at first time niyang maramdaman na may kaibigan siya.
Naramdaman niya rin na parang pamilya na ito sa kanya lalo na’t kasama niya ito sa bahay. Yung hinahanap niyang ingay at gulo ng bahay noon ay nangyayri na ngayon, although mas malala nga lang dahil may mga kapangyarihan ang mga kasama niya.
Ngunit balewala lang sa kanya iyon dahil masaya siya na may kasama siya, may nakakhalubilo, may nangangamusta sa kanya pag-uwi galing school, at may nakaka usap siya sa bahay.
Inisip ni Aivan na bakit kaya hindi man lang siya kayang kamustahin ng kaniyang mga magulang? Ganoon na ba sila ka busy na kahit itext o tawagan man lang siya ay hindi na nila magawa. O sadyang nakalimutan na siya o ayaw lang talaga nila itong kausapin.
Paagdating ni Aivan sa bahay ay napansin niyang tahimik. Pagpasok niya, nakita niya ang dalawang magkapatid na nakatulog na sa sofa. Si Elliot ay nakasandal sa sofa habang si Elysia naman ay naka hilig ang ulo sa baliakt ng kanyang kuya.
Ngumiti si Elliot sa nakita niya, ang cute kasi nilang tignan. Hindi mo iisiping nagbabangayan sila palagi. Lumapit si Aivan sa dalawa at kinuha niya ang kaniyang cellphone upang kuhanan ng picture ang mahimbing na natutulog na si Elliot at Eysia.
Isa. dalawa, tatlo at higit pang litrato. Sandali itong tumingin muli sa harapan. Habang tangan ang cellphone niya, maingat na bumulong ang binata bago dumiretso sa kwarto.
Ani Aivan, "Isang araw, ibibigay ko ito sa inyong dalawa. Sa pagkakataong iyon, sana ay napalaya niyo na ang kaharian niyo."