Sa mga sinabi ni Elliot may mga bagay na lumalaro sa isipan ni Elysia. Hindi niya mawari ngunit alam niyang hindi bago sa kanya ang marinig ang salitang “mortal.”
Paulit-ulit na binabanggit ni Elysia ang salitang “mortal” at “tao” habang pilit na iniisip kung saan niya ito narinig at nalaman. Nakatingin lamang sina Elliot at Wynnona sa bawat gaalw na ginagawa ni Elysia.
Ilang sandali pa’y tila ito isang bumbilya na nagliwanag noong maalala niyang bigla ang isang babae na naging kaibigan niya sa mundo ng mga tao.
“Tama, si Chioni!” saad nito sa mataas na boses, “kaibigan ko si Chioni sa mundo ng mga tao” dugtong pa nia.
Hindi na bago kay Elliot ang pangalang binanggit ni Elysia. Simula kasi noong tumatakas ito sa kaharian para pumunta sa mundo ng mga tao ay sinusundan niya ang kanyang kapatid.
Sinusundan niya ito upang protektahan sa kung ano mang kapahamakan ang maari niyang maranasan sa mundo ng tao.
Isa rin sa dahilan ng pagsunod niya sa kanyang kapatid ay upang mapagtakpan niya ito sa kanyang magulang. Dahil hindi alam ng Hari at Reyna na tumatakas ito para pumunta sa mundo ng mga tao, batid ni Elliot na paparusahan siya ng mag-asawang pinuno.
Dahil na rin tumatakas si Elysia, hindi rin nito alam a tumatakas ang kanyang kapatid upang sundan siya sa mundong pinupuntahan niya. Sa bawat pagalpas ni Elysia sa kaharian ay siyang pagalpas ni Elliot upag sundan ang kapatid.
Samantala, ngayong binaggit ni Elysia ang mundo ng tao at ang naging kaibigan nitong si Chioni hindi maaaring sabihin ni Elliot na kilala niya ito. Hindi nito maaring ipakita kay Elysia na may nalalaman siya sa mga panahong tumatakas ito.
Tumango si Elliot sa sinabi ni Elysia upang iparating na rin sa kanya na naniniwala itong nakarating siya mundo ng mga mortal.
Nagaplipat-lipat ng tingin si Elysia kina Wynnona at Elliot at nagsalita, “hahanapin ko si Chioni. Hahanapin ko siya sa mundo ng mga tao, bigyan niyo lamang ako ng sapat na oras at mahahanap ko siya,” wika nito sa dalawa.
Tila nagpantig hindi lamang ang tenga ni Elliot bagkus pati na arin ang tenga ni Wynnona, “Hindi maaari!” sabay na sigaw ng dalawa sa babaeng Prinsesa.
Dahil nagulat sa kanilang magkasabay na pagtutol, nagkatitigan sina Wynnona at Elliot na ngayon ay parehong nanlalaki ang mga mata.
Sa hindi mapaliwang na aksiyon ng dalawa, si Elysia naman ang nagpalipat-lipat ng tingin sa mga tao sa kanyang harapan. Nakataas ang kilay nto na animo’y nagtataka sa naging sagot at aksiyon nila.
Isang panandaliang katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo bago tumikhim at nagsalita si Elliot.
“Elysia, hindi mo maaring gawin ang binabalak mo dahil lubhang delikado iyon para sayo,” may pag-aalala sa tono nito.
“Kaya ko ang aking sarili, kahit papaano’y pamilyar ako sa mundo ng mga tao. Maaring agad kong mahahanap si Chioni roon,” pagmamatigas ni Elysia.
Isang seryosong tingin ang iginawad ni Elliot sa babaeng kapatid, “hindi ka maaring umalis mag-isa. Alam mong hindi pa ganoon kaayos ang kalagayan mo, at kung aalis kang mag-isa kapag napahamak ka ay walang makakaalam sa amin,” pananapos nito.
Malalim na buntong hininga ang sagot ni Elysia, at muli siyang nagmatigas. “Kaya kong mag-isa, magatiwala kayo sa akin madali lang mahanap ang kabigan kong si Chioni,” wika nito na may pagka inis na sa tono ng boses.
“Pamilyar ka sa mundo ng mga mortal, ngunit alam nating laging may nagbabago sa mundong iyon. At dahil sa pagbabagong iyon marahil sa pagkakataong ito ang pamilyar sayo noon ay hindi na pamilyar ngayon,” muling pag-aalang habilin ni Elliot.
Hindi mawari ni Elysia kung bakit hidi siya pinahihintulutan ng lalaki. Sa isip niya, marahil wala itong tiwala sa kanya o kaya naman ay hindi nito nakikita ang kalakasan na mayroon siya.
Nais lamang niyang makatulong sa kanilang hukbo. Sabi ni Elliot ay magpapalakas sila ng hukbo at sa mundo ng mga tao nila iyon gagawin, ngayong gusto niyang tumulong at simulan ang hakbang ay hindi naman siya pinahihintulutan.
Namumuo na ang pagkainis at pagkairita ni Elysia sa kausap niyang lalaki. Gusto nilang magpalakas ngunit ayaw nilang magsimulang kumilos, ao pa ang saysay nang pag p-plano kung hindi naman kikilos.
“Kung ayaw mo akong payagan na hanapin si Chioni anong unang hakbang ang naiisip mo?” pabalang na tanong ni Elysia.
“Sa ngayon ay nag-iisip pa kami ni Wynnona, pero sa anumang sandali may maiisip din kami,” sagot ni Elliot na ngayon ay nag-iiwas ng tingin kay Elysia.
Tinitigan ng maiigi ni Elysia si Elliot, “ano bang mali sa plano ko? Maari tayong makakilos sa mundo ng mga tao kapag nahanap natin si Chioni, at yun ay mangyayari lamag kung papayagan mo akong hanapin siya,” pagbibigay diin ni Elysia sa mga sinabi.
Gusto mang tumutol ni Elliot ay hindi alam kung paano ang pagtutol niyang gagawin. Alam niyang makaktulong si Chioni sa kanila ngunit nag-aalala rin siya kay Elysia kapag ualis ito ng mag-isa.
Samantala, si Wynnona ay natayo lamang at nakikinig sa usapan ng dalawa. Pati rin siya ay naguguluhan sa kung ano ang dapat gawin. Ngunit, kailangan ang desisyon pa rin ni Elliot ang masusunod dahil siya ang namumuno sa kanila.
Pabalik-balik ag pagbaling nito sa dalawang magkapatid na hanggang ngayon ay hindi pa nagkakasundo sa gagawing hakbang. Nakikita niya sa mukha ni Elysia ang pagkainis marahil dahil na rin sa pagmamatigas ni Elliot
Pagbalik niyang muli kay Elliot ay makikita sa mukha nito ang pag-aalinlangan at pag-aalala. Tumaas ang tingin ng lalaki at nagsalitang muli, “papayag ako sa plano mo kung papayag kang samahan kita sa paghahanap,” saad niya kay Elysia.
Marahang umiling si Elysia, “bakit mo ako sasamahan? Kaya kong hanapi si Chino ng mag-isa,” inis na sabi nito.
“Kung ayaw mo akong payagan na samahan ka sa paghahanap, hindi rin kita maaaring payagan na umalis mag-isa,” matigas na sagot ni Elliot.
Sa puntong nagkakainitan na ang dalawang magkapatid ay sumabad na si Wynnona sa pag-uusap. “Pareho kayong tama sa mga sinasabi niyo kung kaya’t hindi ko alam bakit pa kayo nagtatalong dalawa,” malumanay na sabad nito.
Nabaling ang tingin ng dalawa kay Wynnona, at nagpatuloy si Wynnona sa pagpapaliwanag.
“Tama ka Elysia na malaking tulong sa atin kung mahahanap natin ang kaibigan mo. Maaari niya tayong matulungan sa mundo ng mortal, ngunit tama rin si Elliot. Hindi ka pwdeng basta-basta aalis at maghahanap ng mag-isa ka lamang, laking nakabuntot ang kapahamakan sa atin,” mahaba nitong paliwanag.
Tanging pagtango lamang ang nakukuha niya sa dalawa na animo’y mga batang nakikinig sa magulang. Nagpatuloy muli si Wynnona, “kung kaya’t kung inyong gugustuhin ay, gawin natin ang plano mo Elysia. Hahanapin mo ang kaibigan mo ngunit sasamahan ka ni Elliot para may pprotekta sa iyo kapag may nangyaring ‘di inaasahan,” suhestiyon ni Wynnona.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang tatlo, animo’y nagpapsya sa kung anong desisyon ang gagawin. Ilang sandali pang naghintay si Wynnona ang dalawa na pumayag sa suhestiyon niya.
Nagtaas ng tingin si Elyisa at nagsalita, “Pumayag na ako. Hahanapin ko si Chiono kasama siya,” anito sabay turo kay Elliot.
Tumango naman si Elliot sa puntong iyon upang ipaalam na pumapayag rin siya sa suhestiyon ni Wynnona. At sa oras na iyon ay nagkasundo ang tatlo sa unang hakbang na gagawin nila upang mapalakas ang kanilang hukbo.
Sa kabilang banda, sa may kakahuyan na malapit sa kinarorona ng hukbo nila Elliot may isang lalaking nalalakad at nagsisiyasat sa paligid. Matikas ito, maganda ang height, nakasalamin na medyo malaki, ngunit bagay naman sa kanya at medyo may itsura.
Habang naglalakad may pagkakataong hinahawakan nito ang mga halaman at puno, at may pagkaktaon namang sinusundan niya ang iilang mga hayop na nakikita niya sa dinaraanan niya.
“See, sabi ko na nga ba ako lang pupunta sa gubat na to. Ayaw nila puntahan ang tahimik at magandang kagubatan,” bulong nito sa kanyang sarili.
Nagpatuloy ito sa paglalakad at kung minsan ay kinukuhanan ang paligid ng kagubatan. Humihinto rin ito upang kumuha ng bulaklak, dahon, okaya ay balat ng puno at inilalagay sa isang maliit na garapon. May pagkakataong nagsusualt rin ito sa maliit na notebook na hawak niya matapos hawakan ang mga iba’t-ibang nakikita niya sa kagubatan.
“So this is the life of a Biology student? Nature and all, pero nakaka refresh naman ng mind kaya bakit pa ako nagrereklamo,” muli nitong sabi sa sarili.
Sa mahabang paglalakad may napansin ang lalaki sa may di kalayuan. May mga nakatayong parang tent at may mga iilang tao siyang nakita. Hindi niya alam na may mga nakatira sa gubat na ito.
Sinipat niyang muli ang maliit na pamayanan at sinisiyasat ng maiigi ang mga ito. Dahil sa abala itong sumisilip, may biglang sumulpot sa likod niya na tatlong lalaking malalaki ang katawan.
Sa kanyang gulat ay napasigaw ito at bago pa man siya makapiglas at makatakbo papalayo ay nahawakan na siya ng mga kawal ni Prinsipe Elliot.