Chapter 10

1509 Words
Hindi alam ng lalaki kung paanong pagpupumiglas pa ang kanyang gagawin upang makawala sa kamay ng mga nanghuli sa kanya. Tinanong niya ang mga ito kung bakit siya hinuli, iniiisip niya na baka ag trespassing siya sa kagubatang iyon. Ilang beses niyang pinilit bawiin ang kamay ngunit nasasaktan lamang ito sa ginagawa. Muli niyang tinanong ang mga nanghuli sa kanya dahil nagsisimula na siyang matakot. “Teka nga kasi, bakit niyo ba ako dinakip? Kung bawal maglibot sa gubat na ito aalis na ako, pakawalan niyo lang ako,” pagmamakaawa nito sa mga kawal ni Elliot. Ngunit tila mga bingi ang kanyang kausap at hindi talaga sumasagot o tumatango man sa kanyang mga sinasabi. Ilang sandali pa’y naabot nila ang lugar na kanina lamang ay tinitignan niya sa may kalayuaan. Kung kanina’y kakaunti lamang ang nakita nitong tent at tao, ngayon ay nakita niyang maramirami rin ang mga tent at ang mga tao ay medyo marami. Isang malakas na pigil ang ginawa ng kawal sa kanya kung kaya’t napatigil ito sa paglalakad. Sa sobrang lakas ng pag pigil sa kanya ay tila hihiwalay na ang braso nito sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay umalis ang isa kanila at pumasok sa isang tent. Sa pagkakataong iyo nagsalita muli ang lalaki at nagtanong sa mga kawa. “Sir, ano ho bang ginawa kong mali? Please, untie me I’ll leave as soon as you untie me. Sir, please,” pagmamakaawa muli nito. Ngunit gaya kanina, tinitignan lamang siya ng mga kawal, nagsisimula na siyang kabahan, maiinis at matakot dahil sa sitwasyong kilalagyan niya. Kung kanina’y masaya siya sa mga nakikita ngayon ay tila ramdam niyang huling araw na niya iyon. Ilang sandali pa’y lumabas muli ang kawal na kaninang pumasok sa isa sa mga tent. Kasabay nito sa pag labas ang isang lalaki at dalawang babae. Unti-unting humakbang si Elliot papunta sa kanya at tinanong, “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” seryosong tanong ni Elliot “Nag-iikot ako rito sa gubat, I have task to finish, kaya nagpunta ako rito,” natatakot na saad ng lalaki. Lumapit muli si Elliot sa kanya at tinignan ang mga kagamitang meron ito sa katawan. Hinawakan ni Ellot ang camera na nakasabit sa leeg nito. “Ano ito? Isa ba itong armas o panangga lang?” muling tanong ni Elliot habang masuyong sinisipat ang camera. Napakunot-noo ang lalaki sa narinig niya. Kung niloloko siya ng mga ito ay wala siyang panahon para makipagbiruan, natatakot na siya at kailangan pa niyang matapos ang gawain na pinunta niya sa gubat na iyon. Magsasalita sana siyang muli ng nagsalita ang lalaki at inutusan ang dalawang kawal na nakatayo sa likuran niya. Kinuha ang bag na dala nito at pinabuksan niya, isa-isa nilang inilabas ang laman ng bag. Inilabas nila ang iilang garapong naglalaman ng halaman, bulaklak, at kung ano-anong maliliit na sample na kinuha niya kanina sa paglilibot. Pati ang notebook at ballpen na ginamit nito ay inilabas rin nila. Sinisipat mabuti ng mga kawal ang nakita nila, at dahilsa ginagawa nila unti-unting naguluhan ang lalaki kung bakit ganoon ang reaksiyon nila. Oo nga’t nasa gubat sila at kung naninirahan man sila rito ng matagal siguro naman ay kahit isang beses narinig at nakita na nila ang mga bagay na dala-dala niya. Habang abala ang mga kawal at si Elliot sa pagsusuri sa mga kagamitan unti-unti namang lumapit si Elysia sa kinaroroonan ng lalaki. Iniikutan niya ito at tinitignan ng maiigi na animo’y isa itong painting sa isang museo. Dahilsa ginawang pagsusuri ni Elysia, napagtanto ng lalaki ang aking kagandahan nito sa malapitan. Mapungay ang mata nito at may mahabang pilik, matangos na ilong, mapulang labi, ang kutis niya ay parang morena. May kahabaan ang bagsak na buhok at ang height nito ay bagay na bagay sa kanya. Hindi alam ng lalaki na mayroong ganoong kaganda babae siayng makikita sa oras na iyon. Kung kanina’y kagandahan ng kapaligiran at gubat ang tinatanaw niya ngayon naman ay kakaibang kagandahan ang sinusuri niya sa kanyang harapan. Ngunit kahit maganda ang nasa harpan nito hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon ang kasuotan nila at ang reaksiyon ng makita ang kanyang dalang mga gamit. Nakasuot ang babae ng panglaban, animo’y makikipagdigma ito anumang oras. Natawa ang lalaki sa kanyang isip, natatakot kase siya na baka kapag tumawa ito ay bigla siyang hilahin ng mga kawal. Na wweirduhan na ang lalaki sa mga taong nakikita niya sa kanyang harapan at hindi na rin niya alam ang gagawin kung paano makakaalis sa ugar na iyon. Nakasuot ang mga ito ng pagdigma na kagaya noong medieval period ang kaibahan ng alang ay walang proteksiyon ang kanilang ulo. Ang iba naman kagaya ni Elliot at Elysia ay nakasuot ng pagdigma na kagaya noong sa palabas na “300” at wala ring proteksiyon sa ulo. Samantala, napagtanto ni Elysia na ang hinuli ng mga kawal ay isang mortal. Isa itong tao at marahil ay naligaw sa gubat kung saan sila namumuhay. Narinig ni Elysiaa ng pagbuntong hininga ng lalaki. Ilang sandali pa’y nagsalita ito, “ano ba kasing meron? May shooting ba kayo ng movie or teleserye at ganyan ang mga suot niyo? Nakakagulo ho ba ako sa shooting niyo kaya ninyo ako dinakip?” naguguluhang tanong ng lalaki. Hindi pa rin maintindihan ng kanyang mga kaharap ang kanyang sinabi. Hindi niya alam kung nang ggoodtime ba ang mag ito o sadyang ayaw lang nilang sumagot. Isang tikhim na nagmula sa babeng kasama rin nilang lumabas sa tent ang nagbasag sa katahimikan. “Hindi kami pamilyar sa lugar na ito, hidni namin alam kung saan tutungo at kung anong ang gagawin kung kaya’t hanggang nagyon ay nanatili kami sa parte ng gubat na ito,” paliwang ni Wynnona. Kumunot-noo at tumaas ang kilay ng lalaki, “ibig sabihin naligaw kayo? Pero kung naligaw kayo bakit ang dami niyo naman, ni isa ba sa inyo ay walang nakakaalam kung saan ang daan pabalik?” sagot ng lalaki kay Wynnona. “Kami ay hihingi ng tulong sayo dahil hindi pamilyar sa amin ang lugar na ito. Hindi namain kabisado ang mga bagay rito,” muling dugtong ni Wynnona. Litong-lito na ang lalaki sa mga kausap, ngunit nanlaki ang mga mata nito at tumindig ang balahibo sa katawan ng makita niya ang isang bata na animo’y naglalaro ng apoy sa kanayng kamay. Sa bawat pag lahad nito ng kanyang palad ay may apoy na lumalabas mula roon, sa sobrang gulat sa nakita ay biglang sumigaw ng malakas ang lalaki. Kasabay ng kanayang pagsigaw ng malakas ay ang balak niyang pagtakbo papalyo ngunit mas mabilis ang mga kawal kung kaya’t nahawakan agad siya sa braso. Kahit na hawak ng mga kawal ang lalaki ay patuloy pa rin ito sa pagsigaw ng sobrang lakas ang pagpalag sa mga kawal. Nagsimula ng mataranta si Wynnona at sinubukan niyang kausapin ang lalaki na huminahon at huwag sumiga ngunit nabigo ito dahil mas nagiging malakas ang hiyaw ng lalaki. Sa sobrang taranta ni Wynnona at hindi na alam paano patatahimikin ang lalaki, sinuntok niya ito ng pagkalakas-lakas sa mukha. Sa unang suntok ay nagulat ang lalaki at hindi ito nawalan ng malay, muli itong sumigaw at nagpumiglas kung kaya’t sa ikalawang pagkakataon ay sinuntok siyang muli ni Wynnona. Dahil na rin sa lakas ng suntok nawalan ng malay ang lalaki at bumagsak sa kamay ng mga kawal. Ang ilang kasmahan nila sa hukbo at pati na rin sina Elliot at Elysia rin ay nagulat sa ginawa ni Wynnona. Hindi nila suakt akalain na papatulugin nito ang lalaki. Sandali pang natulala si Elysia sa sinapit ng lalaki, natulala ito dahil naawa siya sa sinapit ng lalaki sa kamay ni Wynnona. Hinila ni Elysia si Wynnona at kinausap sa ginawa niya. “Nahihibang ka ba? Gsusto mo bang patayin ang mortal na iyon?!” pagalit na tanong nito. Yumuko si Wynnona at sumagot, “pasensiya na Elysia, gusto ko lamang siyang patigilin sa pagsigaw niya,” anito na mukhang nagsisisi sa ginawa. Narinig nila si Elliot na inutusan ang mga kawal upang dalhin ang walang malay na lalaki sa loob ng tent. “Paano kung may maghanap sa lalaki at nakita nilang wala siyang malay. Anong sasabihin natin sa kanila? Na sinaktan natin siya?” wika ni Elysia. “Hindi tama ang iyong ginawa Wynnona, hindi mo rin dapat iyon ginawa,” dugtong pa nito sa sinabi. Natahimik ang lahat dahil sa bagong gusot na aksidente nilang napasok. Nagsimula na ring mapaisip ang mga Adelian kung papaano ang magiging magandang solusyon at gagawin sa bihag nilang mortal. Ano na lang ang mangyayari kung basta- basta na lang nilang pakakawalan iyon? Malaki ang posibilidad na ipagsabi ng mortal ang lahat ng nakita nito sa kanila. Hindi magandang ideya iyon dahil maaaring mag resulta iyon sa mas matinding gulo. Hindi gugustuhin ng mga natitirang Adelian na magkaroon ng kaaway sa labas ng kanilang kaharian. Nakayuko pa rin si Wynnona at humingi ng paumanhin kay Elysia. Sa huli, nagkasundo sila na umisip ng ibang solusyon at gagawin ngayong may kasama na silang mortal sa kanilang hukbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD