May ilang oras rin ang hinintay nila Elliot ago tuluyang magising ang nasuntok na lalaki. Batid sa mukha nito na ramdam pa rin niya ang sakit na natamo niya. Uupo na siya ng mapansin niyang may mga matang nakatingin sa kanya.
Mga mata na kanyang kinatatakutan ang nakasalubong niya. Nakatingin sa kanya sina Elliot, Elysia at Wynnona, ngunit hindi na gaya ng kanina medyo maamo na ng konti ang mata ni Wynnona.
Ilang sandali pa silang namalagi sa loob ng tent bago sila sabay-sabay na lumabas. Hindi alam ng lalaki kung tama ba ang ginagawa niya ngunit sa oras na iyon ay nais lamang niyang makalabas pa ng buhay sa gubat.
Napagpasyahan ng tatlo na samahan ang lalaki palabas ng gubat. Sinabihan siya ng tatlo na sasama ito sa kanya at pumayag siya dahil ito lamang ang paraan ara makaalis sa kakaibang lugar na iyon.
Ilang minuto pa ang kanilang nilakad ng marating na nila ang daan palabas ng gubat. Umatras at sumaludo ang babaeng sumuntok sa kanya sa dalawa pa niyang kasama.
“Mag-iingat kayo,” aniya bago tumalikod at naglakad muling pabalik.
Hindi maintindihan ng lalaki kung bakit siya lamang ang umalis at hindi sumama ang dalawa.
Nilingon niya ang mga ito ng may pagtataka. Lito man ay nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki, at sa bawat hakbang niya ay nakabuntot pa rin ang dalawa.
Huminto ito at hinarap ang dalawa, noong oras na iyon ay napagtanto niyang sasama ang dalawa sa kanya ngayon mismo papunta sa kung saan man ito uuwi. Nagsimula muling mag-isip at matakot ang lalaki sa kung ano ang kanyang gagawin.
Iniisip nito kung hanggang saan siya susundan at sasamahan ng dalawa. Iniisip niya rin kung saan tutuloy ang mga ito, dahil sa kanyang palagay wala namang kilala o kamag-anak ang mga ito. Iniisip niya rin baka hanggang sa kung saan siya nakatira ay sasama ang mga ito, at baka doon pa sila tumira.
Sa huling pumasok sa isip niya ay mas lalaong kinabahan ang lalaki at nanlaki ang mga nito dahil hindi niya kakayanin na may kasamang hindi niya kilala. Baka saktan siya o kaya ay patayin ng mga ito. Kinilabutan ang lalaki sa mga naiisip kaya huminto ito sa paglalakad.
Samantala, nagulat naman sina Elysia at Elliot ng biglang huminto sa paglalakad ang siusundan nila sa harapan. Humarap ang lalaki sa kanilang dalawa at nagsalita, “Gusto ko lamang itanong kung saan kayo tutuloy o titira, may kakilala ba kayo na maari niyong tuluyan?” wika nito sa dalawa.
Nagtinginan ang dalawang magkapatid bago sumagot, “Sumama kami sayo dahil titira kami kung saan ka titira,” lakas-loob na sabi ni Elysia.
Tila naman naging nakakalunos na aso ang reaksiyon na binigay ng lalaki. Nagulat siya, at biglang bumagsak ang mga balikat sa narinig niya. Nag-isip ang lalaki ng madadahilan para lamang hindi sumama sa kanya ang dalawa.
“Ah... eh, ano kasi, hindi malaki ang bahay kung saan ako nakatira. Mas malaki yung sa inyo roon sa gubat. Kung gusto niyo ay bumalik na lang kayo para maging komportable kayo,” kabadong pagdadahilan nito.
Kumunot ang noo ni Elliot at sumagot, “Ayos lang sa amin ang maliit na lugar basta sasama kaming dalawa sa iyo,” pagmamaatigas din nito.
“Pero kasi ano, baka mapagalitan ako may kasama akong hindi kilala--,” aniyang muli. Ngunit hindi na nito natuloy ang sasabihin ng makita niyang seryoso na ang mukha ng dalawa. Naalala niya tuloy ang nasaksihan niya kanina. Naalala niya ang apoy na lumalabas sa palad ng mga ito.
Isang buntong hininga ang ginawa ng lalaki, “Sige, payag na ako na sumama kayo sa akin,” anito na walang magawa kundi sumunod na lang sa gusto ng dalawa.
Nagpatuloy silang muli sa paglalakad at ng makarating sa may patag na daan ay sumakay sa kotse ang lalaki. Hindi agad sumakay ang dalawa kung kaya’t bumaba pa siya upang buksan ang pinto ang pasakayin ang mga ito.
Habang tintahak ang daan pauwi sa tinitirhan ng lalaki ay naiisip niya na mabuti na lang at hindi niya kasama sa bahay ang kaniyang magulang. Busy kasi ang mga magulang nito sa trabaho at pagaasiakso sa company nila, kung kaya’t madalas lang din niya itong makita at makasama.
Siguro isa rin yon sa dahilan kung bakit mag-isa lang siya at walang kapatid. Marahil dahil sa masyadong focus at busy ang magulang niya ay hindi na sila nag anak pang muli. Kaya ngayon wala asiyang kapatid at mag-isa lang siya sa bahay.
Mahaba-habng biyahe rina ng tinahak nila bago narating ang bahay. Gawa sa glass ang bahay ng lalaki ngunit ang mga dingding at pader ay may kahoy na diseniyo. Malaki ang labas nito at may swimming pool rin.
Pagpasok mo sa loob ay makikita mo ang malaking lamesa na gawa sa puno ng narra. Ang living area nito ay malaki rin, at dahil sa glass wall ito tanaw mo ang nasa labas na nakaktulong sa pagbuo ng parang extension mula sa loob hanggang sa labas.
Tinuro ng lalaki ang kwarto na tutulugan ng dalawa. Simple lamang kwarto, matte black ang kulay ng pader at ang mga gamit ay kulay puti ang kulay. May mga paintings at diseniyo ring nakasabit sa dingding na nakakadagdag sa ganda ng kwarto.
Bago lumabas ay hinabilinan ng lalaki ang dalawa na huwag gagamit ng kapangyarihan dahil baka masunog ang bahay at maging abo sila.
Hindi alam ng lalaki kug bakit takot pa rin siya hanggang ngayon kahit na wala namang ginagawa ang dalawa sa kanya. Marahil dahil sa naranasan niya noong high school ay naging matatakutin ito sa mga tao. Na b-bully kasi ito noon kaya lumalayo siya sa mga tao, kaya ngayon hindi siya sanay na may kasamang iba sa bahay niya.
Dali-dali siyang pumasok sa kwarto niya at agad na ni lock ang pinto. Sunod-sunod ang ginawa nitong paghinga ng malalim at inaalala anag mga ginawa nitong desisyon ngayong araw. Iniisip niya ang mga nangyari sa kanya at ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ng mga ito.
Unang beses niyang makakita ng mga taong ganon, dahil nakikita niya lamang ito sa mga movies. Dahil sa takot na naramdaman niya ngayon ay narito siya sa bahay niya kasama ang mga taong naglalabas ng apoy sa palad.
Lumapit siya sa dulo ng kanyang kama at nasalo ng kanyang palad ang kanyang ulo habang iniisp niya ang napag-usapan bago siya makaalis sa gubat at makabalik sa bahay niya.
Habang mahimbing pa rin na natutulog ang lalaki, napagkasunduan nina Elliot, Elysia, at Wynnona ang plano na maaari nilang gawin ngayong may isang mortal na silang nakita. Balak nilang humingi ng tulong sa lalaki upang malaman nila ang mga bagay na ginagawa ng mga tao.
Gagamitin ang lalaki upang matutunan ang lahat ng dapat nilang matututunan sa mundo ng mga tao. Ngunit, dahil hihingi sila ng tulong sa lalaki ay gagantimpalaan nila ito, kapalit ng kanyang tulong ay ibibigay o tutuparin nila ang bagay na gusto niyang hilingin sa kanila.
Ilang sandali pa ay kumilos ang lalaki at unti-unti niyang imunulat ang kanyang mga mata. Labis ang takot nito ng makita niya ang tatlo na nakatingin sa kanya.
Nilapitan siya ni Wynnona at sinabihan na huwag matakot dahil siya sasaktan ng mga ito, humingi rin ng paumanhin si Wynnona sa nagawa niya kanina sa lalaki.
Nang kumalma ang lalaki ay sinabi ni Wynnona ang tunay nilang misyon kung kaya’t naroon sila.
“Nagmula kami sa kaharian ng Adeleuse, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng aming kaharian at ang kaharian ni Zyldian. Hindi naging handa ang aming hukbo kung kaya’t sa huli ay namatay ang aming Hari at Reyna, at ang kaharian namin ay inagaw ni Zyldian,” paninimulang kwento nito.
Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkalito dahil hindi nito maintindihan kung totoo ba ang sinasabi ng mga ito o ginu-good-time lang siya. Muling nagpatuloy si Wynnona sa pag ku-kwento.
“Tumakas kami at napunta kami sa mundo ng mga tao. Kaya ngayon ay dito kami nanirahan,” pagtatapos nito.
Hindi alam kung tatawa ang lalaki o hindi. Naisip niya na baka may mga tanim na drugs dito at kinain nila kung kaya’t ngayon ay parang wala sila sa katinuan. Bago pa man niya magawang tumawa ay naunahan siya ng takot at pagkagulat ng makita niya ang apoy na nagmula sa palad ni Wynnona.
Sumunod naman sina Elliot at Elysia sa pagpapakita ng apoy sa kanilang palad. Dahil sa takot namalayan na lang ng lalaki na tumatango siya at pumapayag sa kasunduan dahil ayaw niyang masunog ng buhay lalo na at sa gubat mangyayari.
Sa sandaling pumayag ang lalaki ay nagpakilala si Wynnona sa kanya.
“Ako si Wynnona Bremer, isa sa mga kawal ng Adeleuse,” aniya. Sumunod naman sina Elliot at Elysia.
“Elliot, nagsisilbing pinuno ng hukbo,” seryosong saad nito.
“Ako si Eylsia,” tipid na saad ng babae.
Tinignan nila ang lalaki at hinintay na magpakilala.
“A-ako si Aivan, Aivan Paguio,” pagpapakilala nito.