Chapter 12

1350 Words
Ilang oras namalagi sa loob ng kwarto iya si Aivan. Nagisip-isip muna ito sa mga nangyari bago niya napagpasyahang maligo para kahit papaano’y ma refresh ang kanyang utak at katawan. Madilim na sa labas ng magpasyang lumabas ng kwarto si Aivan. Marahil kung hindi ito nakaramdam ng gutom ay hindi niya mamalayang oras na para sa hapunan. Hindi pa man niya napipihit ang doorknob ay labis na ang pagkalabog ng kanyang puso. Natatakot siyang lumabas at harapin ang dalawa niyang kasama sa bahay. Isang buntong hininga pa ang ginawa niya at nakuha niya ring mag sign-of-the-cross dahil sa takot.  Pagbukas niya ng pinto ay sinilip niya sa labas kung andun ba ang dalawang kasama niya. Nakita niya na walang kung anumang gumagalaw sa labas at wala siyang naririnig na ingay. Nilakihan ni Aivan ang siwang ng pinto para makalabas at laking gulat niya ng makitang nakasandal si Elliot sa may pader. Sa labis na pagkakaggulat at takot ay napaupo si Aivan sa sahig, sapo nito ang kanyang dibdib ay naghahabol ng hininga. Akala mo ay hinabol siya ng mga masasamang tao sa sitwasyon niya. Sa kabilang banda, nagulat rin si Elliot sa reaksiyon ni Aivan. Mapapataas ang kilay nito habang tinitignan ang nasa sahig na lalaki. Hindi mawari ni Elliot kung bakit labis na natatakot si Aivan sa kanila gayong nangako naman silang hindi na ito sasaktan. Tumikhim si Elliot bago nagtanong sa lalaki, “Ayos ka lang diyan?” anito habang nakatingin kay Aivan. Dali-daling tumayo si Aivan sa sahig at tumayo, “A-ah ano a-ayos lang ako,” anito na halata pa rin ang takot sa boses. Kahit na takot ay napuna pa rin ni Aivan ang suot ni Elliot. Hindi pa rin ito nagpapalit ng kasuotan, ang mala pagdigma nilang damit ay kaniyang suot-suot pa rin. Inisip tuloy ni Aivan na baka hindi naliligo ang mga ito dahil sa bigat at hirap suotin ng kanilang mga kasuotan. “Ah, Elliot,” tawag ni Aivan sa lalaki. Lumingon naman si Elliot na seryoso ang mukha. Dahil sa itsura ni Elliot ay muling nanumbalik ang takot na nararamdaman ni Aivan. “May sasabihin ka?” tanong ni Elliot ng mapansing hindi na muling nagsalita si Aivan. Nagkamot ng batok si Aivan at muling nagsalita, “Elliot gusto ko lang s-sanang sabihin na ma-mayroong cr sa kwarto niyo pwede kayong m-maligo ron,” anito na nakayukong nagsasalita. Impit na tumawa si Elliot sa ginawang iyon ni Aivan. Natawa si Elliot dahil halatang kabado at takot si Aivan sa kaniya, at hindi niya alam bakit ganoon ang nararamdaman nito. Tinitignang mabuti ni Elliot si Aivan, at ang isang lalaki naman ay kuntodo yuko at iwas sa mga tingin ni Elliot sa kanya. Ilang minuto pang ginawa ni Elliot iyon bago niya inilahad ang kamay nito sa lalaki. Hindi alam ni Aivan ang gagawin, hindi niya alam kung tatanggapin ba nito ang pakikipag-kamay ni Elliot. Naalala kasi niya ang apoy na nagmumula sa mga ito. Iniisip niya baka kapag nakipagkamay siya ay masunog ang kanyang kamay. Ilang sandali pang tinititigan ni Aivana ng kamy ni Elliot. Natatakot siya ngunit alam niyang wala rin siyang dpat ikatakot. Tumikhim muli si Elliot, “Tanda ito ng pakikipag kaibigan namin sayo,” saad ni kay Aivan. Nagpalipat-lipat muli ang yingin ni Aivan sa kamay at mata ni Elliot, ngunit sa huli ay tinanggap niya ang nakalahad niyang kamay. Ngumiti ng bahagya si Elliot upang ipakita na wala itong gagawing masama kay Aivan. Ngumiti rin si Aivan ng tipid at hindi katulad kanina medyo kumalma na ang mukha niya. Matapos nilang magkamayan ay hinabilin muli ni Aivan na may banyo sa kwarto nila kung saan maari silang maligo at kung gusto nila ay mapaglit rin sila ng damit dahil na wweirduhan ito sa kasuotan nila. Bago pa maghiwalay ang kanilang landas ay tinanong ni Aivan si Elliot kung kumakain ba sila ng pagkain ng mga tao. Dahil galing sila sa kakaibang kaharian, hindi nito alam kung kakaiba rin ba ang mga kinakain nila. Naisip rin niya na dahil may apoy na lumalabas sa kanilang palad baka apoy rin ang kinakain ng mga ito. “Normal na pagkain din ba ang kinakain niyo? Kinakain niyo rin ba ang pagkain ng mga tao?” tanong ni Aivan kay Elliot. Tumawa si Elliot sa katanungan ni Aivan at nagsalita, “Ganun ba kami ka weirdo tignan?” anito na natatawa pa. Nagkamot naman muli si Aivan ng kanyang ulo, “Hindi naman, gusto ko lang malaman kung kumakain din kayo ng pagkain ng mga tao,” anito na nahihiya pa. Muling tumawa si Elliot at sinagot si Aivan, “kumakain kami ng pagkain niyo. Wala naman kaming pinagkaiba sa inyo bukod sa meron kaming kapangyarihan na nagagamit,” pagpapaliwanag nito kay Aivan. Maguguluhan naman ng kaunti si Aivan dahil parang alam ni Elliot ang mga pagkain ng mga tao. Gusto man niyang itanong ay natatakot siya. Baka masyado na siyang maraming tanong at magalit na si Elliot. Napansin naman ni Elliot na nagtaka ang lalaki kaya nagkusa na ito na magpaliwang ulit. “Nakakain at naka kita na ako ng pagkain ng mga tao. Noong bata pa ako at si Elysia ay nakapunta na kami rito sa mundo ng mga tao,” anito sa nagtatakang si Aivan. Tumango na lamang si Aivan at nagpaalam na siya kay Elliot nag maghahanda na siya ng kanilang makakain. Samantala, sa loob ng kwarto nila Ellioit ay naroon si Elyisa at abala sa pagsiyasat sa diseniyo ng kwarto. Nagandahan siya sa mga nakikita niya sa loob ngunit hindi rin niya mapigilan na mag-alala. Nagsimulang gumulo sa kanyang isipan ang mga mabilis na pangyayari na nangyari sa kanya. Mapapaisip siya kung bakit tanging si Wynnona at ang magulang lang niya ang kilala niya. Tapos ay may mga pangyayari pang hindi niya maintindihan kung kailan at saan naganap at di niya maalala ito. Nagsimula na siyang magpanic sa mga naiisip. Naisip niya noong gumising siya at nasa loob siya ng isang tent at hindi sa silid niya sa kaharian. At nalaman rin niyang wala na siayng mga magulang at naamtay na ang mga ito.  Pagkatapos ay malalaman niyang nasa mundo na sila ng mga tao at kailangan nilang bawiin ang kaharian ng Adeleuse dahil naagaw ito ng magkaroon ng digmaan. Mas lalo namang dumagdag ang kaba niya nang maalala ang sinabi ni Wynnona na nawala ang kapangyarihan nito at kailangan niyang iligtas ang Adeleuse at mga nasasakupan nito. Sumsakit na ang ulo ni Elysia ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na isipin ang mga pangyayari na sobrang bilis maganap. Nanumbalik din sa kanyang isipan ang paggising niya na may sugat at may doctor na gumamot sa kanya, si Elliot nga.  At ngayon, narito sila sa bahay ng isang mortal kasama si Elliot. Sa isip niya ay baka nilooloko lamang siya ng mga ito. Baka kasabwat ito ng mga kalaban at nais lamang nila siyang patayin. Naiinis si Elysia sa sarili dahil hindi niya mawari kung bakit ngayong lang niya naisip at ngayon lang niya na kuwestiyon ang kanyang sarili. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya nakuhang kuwestiyonin si Elliot at Aivan at kusa na lang siyang sumama. Hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang maniwala sa sinasabi ng mga ito at ang hindi niya mainmtindihan ay hindi man lang siya nakaramdam ng kakaiba habang kasama niya ang mga ito. Totoo kaya ang mga sinabi nila sa kanya na may misyon siyang dapat gawin? Totoo kaya na nawala ang kapangyarihan nito at kailangan niyang iligtas ang kaharian ng Adeleuse. Totoo kaya na wala ng ang mga magulang niya? Totoo kaya lahat ng sinabi nila sa kanya, dahil si Elysia ay paniwalang-paniwala sa lahat ng impormasyon na nakuha niya. Mas lalong sumakit ang kanyang ulo, nahihilo siya at kung minsan ay mapapapikit dahil may kung ano siyang naiiisp at naaalala ngunit hindi niya mawari kung ano ito dahil hindi ito malinaw sa kanya. Para mabawsan ang pagkahilo ay umupo muna siya sa kama at pumikit, sa pagkakataong iyon ay naalala niyang muli ang kaibigan niya sa mundo ng mga tao, si Chioni.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD