Matapos maalala ni Elysia ang kainigan niyang si Chioni ay huminga ito ng malalim at nagpasya na ipagpatuloy ang pag sisiyasat sa kwarto. Bago pa man siya makatayo ay nakarinig na ito ng katok sa pinto.
Hindi binuksan ni Elysia ang pinto at hinayaang kumatok kung sino man ang nakatayo sa labas non. Naglakad ito papalapit sa may estante ng may isang bagay na umagaw sa kanyang pansin.
Abala pa rin ang nasa labas ng pintuan sa pagkatok at si Elysai naman ay dahan-dahang kinuha ang isang matulis na bagay na pumukaw sa mata niya.
Mahaba ito at matulis ang dulo, kulay silver ito at ang hawakan niya naman ay kulay gold. Hindi ito gawa sa bakal ngunit mabigat rin ito. Kapag binaluktot ng kaunti ay hindi naman ito nababali ngunit yumuyupi ang katawan nito.
Sinundan ng mga daliri ni Elysia ang tulis ng espada na hawak niya. Winasiwas niya rin ito na animo’y naghahanda sa isang digmaan. Narinig ni Elysia ang pagpihit ng pinto kung kaya’t lumapit ito roon at agad na itnitutok ang espada sa may b****a nito.
Sa kabilang banda, si Aivan ay nasa labas pa rin ng pintuan ng kwarto nila Elliot. Kanina pa siya kumakatok at hindi pa rn binubuksan ni Elysia ang pintuan, dumoble na ang kanyang gutom ngunit wala pa rin itong nakukuhang sagot.
Iniiisp niya na baka tulog ang dalaga o kaya ay naliligo ito at hindi nito naririnig ang kanyang pagkatok. Nagdadalawang isip tuloy ito kung bubuksan na ba niya ang pintuan o hindi na lamang ang dalaga na buksan ang pinto.
Ilang pagtatalo pa ang ginawa ni Aivan sa kanyang isipan ng sa huli ay napagpasyahan nitong nuksan na lamang ang pinto at silipin kung natutulog ba si Elysia. Pagbukas ng pinto at pagsilip ni Aivan ay matulis na dulo ng isang bagay ang sumalubong sa kanyang leeg.
Sa kanyang takot a y nakalimutan na niyang lumunok dahil iniisip nito na kapag lumunok siya didikit ang kanyang leeg sa espada at baka masugatan at mahiwa pa ang leeg niya.
Nanginginig ang katawan ni Aivan at dahan-dahan itong tumingin kay Elysia. “K-kumakatok a-ako kanina pa, p-pero hindi k-ka sumasagot k-kaya binuksan ko na, s-sasabihin ko l-lang na k-kakain na ng hapunan,” nauutal na saad ni Aivan kay Elysia.
Tinitignan lamang ni Elysia si Aivan, kinakabisa nito ang lalaki dahil hindi siya lubos na nagtitiwala lalo na at nakapagisip-isip ito kanina ng maiwan siya sa loob ng kwarto.
Napansin ni Aivan na hindi pa rin natitinag ang babae sa kanyang pwesto, lalo tuloy kinabahan si Aivan dahil baka saktan siya nito.
Lumingon siya upang tignan kung naroon ba si Elliot, ngunit hindi niya ito makita at baka nasa kusina na ito. Naisip ni Aivan na kausapin muli si Elysia ngunit sa pagkakataong iyon ay lalakasan niya ang kanyang boses para marinig siya ni Elliot.
“E-Elysia, i-ibaba mo na yan, k-kakain na tayo. B-baka m-masaktan mo ako, n-nakahanda na y-yung pagkain, halika n-na k-kakain na. ‘W-wag moko sasaktan, h-hindi kita sasaktan,” kabado at malakas na sabi ni Aivan.
Mukhang nagtagumpay naman si Aivan sa kanyang ginawa dahil maya-maya pa’y nakarinign ito ng papalapit at nagmamadaling mga yabag. Labis ang pagka gulat ni Elliot ng makitang may espadang natapat sa leeg ni Aivan at hawak ito ni Elysia.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa bago siya nagsalita, “Elysia, ano sa tingin mo ang iyong ginagawa? Tinatakot mo ang mortal na tumulong sa atin,” anito na seryoso at may pag-alala sa tono ng boses.
Akmang aalisin na ni Elliot ang espada na nakatutok kay Aivan ng biglang hilahin ni Elysia si Aivan papalapit sa kanya at sakalin ito sa leeg gamit ng braso at itinutok muli ang espada sa kanya. Kumabaga sa modern film, parang hostage taking ang nagyayari sa sitwasyon nila ngayon.
Nataranta namang bigla si Elliot dahil hindi niya alam kung bakit naging ganoon bigla ang kanyang kapatid. Unti-unti siyang lumapit sa dalawa ngunit umaatras si Elysia habang hawak nito si Aivan. Kita naman sa mukha ni Aivan ang pagkalito at takot.
Nagsesenyas si Aivan kay Elliot ngunit hindi niya ito maintindihan. Tinitignan naman ni Elysia ang dalawa at hindi niya rin maintindihan ang mga ito. Dahil hindi magkaintindihan, nagkamot na lang ng ulo si Aivan at nasapo anag kanyang noo.
Ngumisi at nagtaas kilay lamang si Elliot dahil hindi niya talaga maintindihan si Aivan. Nagsalita si Elysia, “Bakit ko nga ba kayo pagkakatiwalaan? Hindi ko kayo kilala, paano kung kasabwat kayo at dahil hindi ko kayo kialla ay binibilog niyo lamang ang ulo ko?” anito sa seryosong boses.
Tinignan nito si Aivan at muling ang salita, “Ikaw, ngayon lang kita nakita bakit kita pagkakatiwalaan? At ikaw…” baling niya kay Elliot, “hindi rin kita kilala, hindi ko alam kung sino ka kaya bakit ako magtitiwala sayo?” anitong muli.
Dumaan sa mata at mukha ni Elliot ang pagkasaktan sa mga narinig niya sa kapatid. Naisip niya kahit sarili niya itong kapatid ay hindi ito nagtitiwala sa kanya, marahil ito ang dahilan kung bakit humingi ng tawad ag kanyang magulang bago sila mamatay.
Marahil humingi ng tawad ang kanilang Ina dahil mahihirapan siya na kuhanin ang tiwala ng kapatid ito, at hindi magiging madali para sa kanya na agad makuha ang tiwala ni Elysia. Ngunit hindi naman masisisi ni Elliot ang kanyang kapatid, nawalan ito ng mga alaala kaya hindi nito maalala na magkaptid sila at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Elysia dati.
Napaisip ang binata kung papano ang gagawing hakbang nito upang makuha ang buong tiwala ng kapatid. Sa totoo lang, batid niya rin na sobra siyang mahihirapan.
Maingat ang bawat hakbang na ginawa ni Elliot papalapit kay Elysia. Hindi ito bumitaw ng tingin sa mga mata ng kanyang kapatid. Sa bawat hakbang niya ay sinasabihan siya ni Elysia na sasaktan niya ito kapag lumapit pa ng tuluyan.
"Kung susubukan lang nating kalmahin ang mga sarili natin, magkakaunawaan tayo ng mas mabuti mahal na Prinsesa," mahinang saad ng Prinsipe habang minamatyagan ang kumpas ng dalawa sa tangan nitong espada.
Sa kabilang banda, gusto na ni Aivan na pag untugin ang dalawa dahil sa totoo lang, hindi normal sa paningin niya ang makakita ng dalawang matandang nag aaway at gumagamit pa ng laruang espada para magtakutan.
"Hindi natin kailangang magkasakitan. Pakinggan mo lang ako, Elysia. Pwede nating idaan sa maayos na pag uusap," muling pagsamo ng binata.
Tinatakot man siya ni Elysia ay balewala ito sa kanya. Nais niyang makuha ang tiwakla ng kanyang kapatid. Hindi rin nagpatinig si Elysia at hindi nito ibinaba ang espada na hawak niya.
Nang makalapit na siya kay Elysia ay kinuha niya ang dulo ng espada at itinutok niya ito sa kanyang leeg. Labis ang pagkagulat sa mukha ni Aivan at lalong-lalo na kay Elysia. Dahil natigilan si Elysia ay mabilis na kumawal si Aivan sa kanya at tumakbo sa likod ni Elliot.
pakiramdam pa noon ni Aivan ay mas malaki ang tama niya sa utak dahil bakit ito matatakot sa kapirasong laruan na tangan ng sinasabi nilang Prinsesa.
Animo’y isang tako na aso si Aivan dahil hindi nito alam kung saan magtatago. Nag senyas naman si Elliot sa kanya na tumayo sa may gilid malayo ng bahagya sa kanialng dalawa ni Elysia, tanging tango lamang ang ginawa nito at sumunod na parang isang aso sa utos ng amo.
Samantala, dahil halata pa rin sa mukha ni Elysia ang pagkagulat sa ginawa ni Elliot ay nagpasya na si ELliot na magsalita, “alam kong marami kang katanungan sa iyong isipan, at isa na roon ay ang kung bakit mo kami dapat pagkatiwalaan. Ngunit isa lamang ang masisiguro ko sayo Elysia, hindi ako ang kalaban mo at hindi kita ginagamit lamang,” malumanay na saad ni Elliot.
Hindi alam ni Elysia kung paniniwalaan ba niya si Elliot sa kanyang mga sinasabi. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ang nalilito siya sa mga ginagawa niya.
At dahil hindi kumikibo si Elysia, mas inilapit nito ang dulo ng espada sa kanyang leeg. “Kung sa tingin mo ay hindi ako dapat pagkatiwalaan Elysia, binibigyan kita ng pagkakataon ngayon upang paslangin ako. Kung nababahala ka, ngyon din maaari mo na akong patayin,” saad ni Elliot na bakas ang lungkot at hinanakit sa boses nito.
Hindi maka kilos si Elysia at hindi nito alam kung ano ang gagawin. Batid niya na may kakaiba sa mga nangyayari sa kanya ngunit hindi rin niya magawang patayin ang lalaki sa kanyang harapan.
Sa kabilang banda, nakatayo pa rin si Aivan sa may gilid at pinapanood ang dalawa. Sa isip niya ay tila mga baliw ang mga ito dahil sa ginagawa nila ngayon. Tila ba nasisiraan na ng ulo ang dalawa at naisip nilang magpatayin, at sa bahay niya pa.
"Kung normal na mga tao ito, ako na mismo ang magpapasok sa kanila sa mental hospital," wika ng binata sa sarili.
Gayunpaman, kahit labis ang takot na naramdaman niya kanina alam niyang si Elliot ay mapagkakatiwalaan ngunit hindi pa ganoon kalalim. Kumabaga sa 100% pasok pa lang siya sa 50%.
Ilang sandali pa ay nakita niyang nagbaba ng espada si Elysia at inihagis ito sa may banda niya. Sa sobrang gulat hindi niya alam kung bakit niya ito sinalo, kaya nataranta siya ng dumapo sa kanyang mga kamay ang espada.