Chapter 16

1442 Words
Matapos mag almusal nila Elliot nag-isip sa kung anong pwede niyang gawin. Naalala niya na hindi pa niya nabalikan ang kampo na iniwan nila ni Elysaia simula nang sumama sila kay Aivan. Hinanap ni Elliot si Aivan upang sabihin sa kanya na aalis muna siya at babalik sa kampo. Pinaalalahanan niya si Aivan na siya munta ang lumingon kay Elysia habang wala at hindi at hindi ppa ito nakakabalik. Tumango naman si Aivan sa habilin ni Elliot. Matapos magpaalam ni Elliot kay aivan ay agad nitong pinuntahan si Elysia sa kwarto. Nakita niya itong nakatayo sa may tabi ng bintana at tinatanaw ang hardin sa labas. Tumikhim ito at napalingon naman sa kanya si Elysia, nagtaas ito ng kilay upang itanong kung anong kailangan ni Elliot. Lumapit naman si Elliot kay Elysia, “aalis muna ako Elysia, babalikan ko muna at titignan ang kalagayan ng mga naiiwannatin sa kampo,” pagpapaalam nito kay Elysia. Nilingon siya ni Elysia at tumango, “ikamusta mo ako kay Wynnona,” anito at muling bumaling sa kanina pa niya tinitignang hardin. “Babalik ako agad kapag nasigurong maayos ang kanilang kalagayan. Hinabilin kita kya Aivan, huwag kang lalabas dahil hindi pa natin alam kung ligtas na ba tayo sa labas,” anito na angbibigay ng paalala kay Elysia. Nilingon lang siyang muli ni Elysia at binigyan niya ito ng blankong ekspresyon, hindi kasi nito alam kung bakit tila hinihigpitan siya ni Elliot. Nang hinid na muling makarinig si Elliot ng sagot kay Elysia ay nagpaalam na ito at lumabas ng kwarto. Muli niyang nakita si AIvan at muli nitong pinaalala ang habilin niya bgao tuluyang lumabas ng bahay. Mahigit tatlumpung minuto na ng umalis si Elliot, lumabas si Elysia sa knilang kwawrto at hinanap si Aivan. Nakita niya ito na nakaupo sa sala at nagbabsa ng libro. Lumapit siya rito upang magpaalam. “Hey, aalis muna ako, hahanapin ko si Chioni hanggat hindi pa nakakabalik si Elliot,” anito sa kasama na siya namang naging dahilan kung bakit natigilan ito sa ginagawa. Sinara ni Aivan ang binabasa niyang libro at umayos ng upo, “hindi ka pwedeng lumabas. Mahigpit na bilin sa akin ni elliot na hindi kita pwedeng palabasin. Sorry,” anito sa babae sa harap niya. Nagtaas ng kilay si Elysia, “so si Elliot pwedeng lumabas ng bahay at ako hindi? Napaka unfair naman ata non, lalabas ako para hanapin ang kaibigang pinagkakatiwalaan ko,” naiinis na pagsagot nito kay Aivan. Batid ni Aivan na hindi pa siya gaanong pinagkaktiwalaan ni Elysia, kaya’t nagdadalawang isip siya ngayon kung papayagan ba niya itong lumabas lalo na’t mag-isa lamang siya. Napakamot ng ulo si Aivan dahil takot siya kay Elliot baka kase kung ano ang gwin nito sa kanya kapg pinayagan niyang mag-isang umalis si Elysia. Takot don naman siya sa babae dahil alam niyang wala siyang magagawa kapag ito na ang nagsasalita, masungit pa naman ito. “Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo,” muling pagsasalita ni Elysia. Ngunit, bago pa aman siya makahakbang papunta sa pintuan ay tinawag siya ni Aivan. “Elysia, wait lang! Ano samahan na lang kita sa paghahanap, wala rin anamn akong gagawin at hindi ko rin pwedeng hayaan ka na lumabas mag-isa magagalit si Elliot,” lakas-loob na sabi ni Aivan. Kumunot ang noo ni Elysia ngunit tumango na lamang siya. Okay na yon, para hindi rin siya maligaw at alam niya kung saan pwedeng maghanap. Tumango siya sa suhestiyon ni Aivan. Pagkatango ni Elysia sinabihan siya ni Aivan na hintayin siya nito at magpapalit lang siya ng damit sandali. Matapos ang limang minuto ay nakabihis na ang lalaki at umalis na silang dalawa upang hanapin si Chioni. May ilang oras din ang ginugol nila sa paghahanap kay Chioni ngunit kahit anino nito ay hindi nila makita. Nakailang lugar na sila, pinuntahan na rin nila yung mga natatandaan ni Elysia na pwedeng ountahan ni CHioni ngunit wala pa rin talaga.  Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap sa kaibigan nito. Dahil sa pagod, init,a t gutom na rin sinabihan ni Aivan si Elysia na magpunta sa pinakamallapit na mall upang kumain at magpalamig na rin. Makalipas ang sampung minuto ay narating na nilaa ng mall. Pinapili ni Aivan si Elysia kung saan nito gustong kumain. Dahil sa dami ng mga fast food chains at restaurants na nadaanan nila binalik na lang ni Elysia kay Aivan na siya na amg decide. Natawa na lamang si Aivan dahil naisip niya na baka nalula si Elysia sa dami ng mga stalls, nakita naman ni Elysia ang pagtawa ni Aivan kaya sinungitan niya lang ito. Matapos magpasya kung saan kakain ay agad nagorder si Aivan ng kanilang pagkain. Mahigit isang oras din silang namalagi sa loob ng kainan dahil nagpahinga pa sila. Inaya ni Aivan si Elysia na maglakad-lakad muna sa mall para naman kahit papaano ay maibsan ang inis nito dahil hindi nila nakita ang kanyang kaibigan. Umakyat sila sa may second floor at nakita nila ang medyo mahabng pila papasok sa sinehan. Nagtanong si Elysia kay Aivan, “anong meron diyan?” curious na tanong nito. “Sinehan yan, parang manonood ka ng tv, pero sobrang laking tv ang nasa harapan mo. May maganda yatang movie about war, maganda siguro kaya medyo maraming nakapila,” saad ni Aivan habng tinitignan ang nakapaskil na poster. “War, giyera,” bulong ni Elysia, “makakapasok ba tayo diyan?” tanong nito muli.  SInabi ni Aivan na oo, kaso kailangan nilang magbayad. Tinanong niya si Elysia kung may pera ito at umiling ito. Tinawanan siya ni Aivan dahil batid niya kung ganno kagusto ni Elysia na mapanood ang movie. Akmang maglalakad na palayo si Elysia ng tawagin siya ni Aivan at sabihin nito sa kanya na kung gussto niyang panooring ang movie ay papasok sila sa sine at siya ang magbabayad. Hindi na ang dalawang isip si Elysia na tanggapin ang alok ni Aivan. Gusto niyang mapanood ang palabas na patungkol sa giyera. Isang oras at kalahati silang nasa loob ng sinehan. Mahaba-haba kase ang movie kaya nang lumabas sila ay madilim na. Naisipan na nilang umuwi dahil baka nakuwi na si Elliot at hanapin sila. Bago sila tuluyang makalabas sa mall ay natakam si Aivan sa ice cream na nakita niya. Tinanong niya si ELysia kung gsuto ba nitong tikman yung ice cream bago sila umuwi. Hindi sumagot ang dalaga kaya hinila na lang siya ni Aivan para bumili. Napiling flavor ni Aivan ay ang pistachio paborito niya kase ito dahil ito matamis ng sobra, binalingan niya si Elysia upang tanungin kung anong flavor at sagot ng dalaga ay kapareho ng sa kanya. Habang naglalakad palabas ng mall ay nilalatak nila ang ice cream na binili nila. “Masarap ba ang ice cream?” tanong ni Aivan kay Elysia. “Oo, hindi matamis at may pagkamaalat, pero balanse lang. Masarap siya,” anito habang nilalantkan pa rin ang ice cream. Natuwa naman si Aivan sa nairnig niya kaya napangiti siya. May nakita rin silang stall ng shawarma kaya bumili ulit si Aivan at pinatikim ito kay Elysia. Muling nasarapan si Elysia sa pagkaing binigay ni Aivan sa kanya. Hindi tuloy mapigilan ni Aivan ang malapad na pag ngiti dahil nagustuhan ni Elysia ang mga binigay niya. Kung parating anraramdaman ni Elliot ang takot kay Elysia, sa pagkakataong ito ay tila humupa ng kaunti ang takot na nararamdaman niya. Sa kabilang banda naman, medyo pagkakatiwalaan na ni Elysia si Aivan. Makalipas ang tatlumpung minutong biyahe ay narating din nila ang bahay nila Aivan. Laking gulat nilang dalawa ng makitang naghihintay si Elliot sa labas at galit na galit ang mukha nito. Nang makalpit sila ay agad niyang sinugod si Aivan at kinuwelyuhan. “E-elliot, nasasaktan ako. Tinulungan ko l-lang si E-Elysia,” nanginginig sa takot na wika ni Aivan. “Naghabilin ako sayo na huwag mong palalabasin si Elysia tapos ngayon sinamahan mo pa siya,” nang gagalaiitng saad ni Elliot kay Aivan. “S-sorry Elliot, s-sorry talaga,” takot na hinging paumanhin ni Aivan. “Elliot ano ba?!” sigaw ni Elysia, “nasasaktan mo yung tao bakit hindi mo siya bitawan! Tsaka, bakit mo ba akong binabawalan? May karapatan akong umalis kapag gusto ko, hindi mo ako pagmamay-ari Elliot at lalaong hindi mo pwedeng kontrolin ang buhay ko!” galit na sigaw ni Elysia sa kapatid. Tumakbo si Elysia papasok sa loob at pumasoksa kwarto. Sumigaw naman ng magkakasunod na sorry si Elliot ngunit hindi ito pinakinggan ng dalaga.  Humingi rin ng paumanhin muli si Aivan kay Elliot ngunit gaya ng ginawa ng dalaga sa kanya, hindi niya rin pnianansin ang pag s-sorry ni Aivan at sinundan sa loob si Elysia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD