Chapter 15

1415 Words
Ilang araw pa ang mga lumipas at medyo nakapag-adjust na sina Elysia at Elliot sa pamumuhay ng mga tao. Napagkasunduan nila na sundin na lamang ang plano ni Elliot na si Aivan ang magtuturo sa kanila kung paano ba sila dapat kumilos kagaya ng mga tao. Dahil hindi talaga nila mahanap si Chioni kahit anong gawin nilang paghahanap sa social media ay hindi pa rin sila nagtagumpay. Kulang na lang ay manawagan sila sa mga radio at tv stations upang mahanap lamang ito. At dahil roon, pumayag na lang din si Aivan na siya na ang magturo tutal ay nasa iisang bahay lang naman sila at may mga pagkaktaong matagal silang nagkakasama-sama. Hindi na sila nagsayang pa ng oras na simulan agad ang pag eensayo upang sila ay maging isang kagaya ng tao. Unang tinuro sa kanila ni Aivan ay ang kung paano manamit ang mga tao. Dahil nakita niya na ang suot ng mga ito ay pandigma, hindi nila maaring ipakita yon sa mga tao. Pagtatawanan sila at pwedeng sabihin na baliw okaya naman ay matatakot ang mga tao sa kanila. Nagpakita si Aivan ng iba’t-ibang mga pictures sa magazine na nakalkal niya sa lagayan niya ng libro at pinakita kung paano ang mga ayos ng mga tao. Nagpakita rin siya sa laptop niya ng mga outfit ideas na sinearch niya sa google. Ito kasi yung naisip niyang paraan para may masundan sina Elliot at Elysia sa pagaayos. Pinakita rin niya at sinabi sa dalawa ang pagkakiba ng mga damit. Baka kase lumabas ang mga ito ng naka tuxedo, e pakalat-kalat lang naman sila. Matapos maintindihan at makuh ng dalawa ang pananamit ng mga tao, tinuruan naman sila ni Aivan kung paano mag commute. Isa ito sa mahirap ituro sa kanila dahil maaming mga jeep, kanto, at kung minsan ay nakakalito ang mga binabaan kung kaya’t alam niyang dito mahihirapan ang dalawa. Una munang ipinaliwang ni Aivan sa kanila ay ang pagkakaiba-iba ng mga sasakyan. Sinabi niya ang bus, kotse, motor, tricycle, bisikleta, truck at yung iba pang makikita sa daan. Ang ginawa ni Aivan ay isang linggo niyang isinasama ang dalawa sa pagpasok niya sa eskwelahan. Kada papasok sila papuntang school ay sinasabi nito ang jeep na dapat sakyan at kung tricyle naman, sinabi rin nito kung saan dapat sila bababa. Kapag pauwi naman ay sinabi rin nito ang direksiyon na dpat nilang tahakin pati na rin ang sasakyan nila. Sa higit isang linggo niyang pagtutuo sa mga ito ay nakukuha naman nila. Ngunit hindi niya lang alam e kapag mag-isang umalis ang mga ito, baka maligaw sila at kabahan at maligaw pa sila. Dahil na rin inexpose na niya sa labas ang mga ito, kasabay ng pagtuturo sa pag commute ay tinutruan niya na rin ang mga ito kung paano ang tamang pakikipag-usap sa mga taong nakikita o nakaksalamuha nila. Tinuruan niya ang mga ito kung paano magbigay galang, kung paano mag-aabot ng pamasahe, kung paano oorder or bibili ng pagkain at kung paano makipag-usap ang isang tao sa kanyang kaibigan. Sa matagal-tagal din niyang pagtuturo, nakita niya na medyo nahirapan ng kaunti si Elliot sa pagtanda ng mga gagawin at may mga pagkaktaon ding nahihirapan itong mag ajust lalo na’t hindi pa sila ganun kahusay. Sa kabilang banda naman, naging madali lang kay Elysia ang bawat tinuturo ni Aivan marahil dahil na rin sa nanirahan ito sa mundo ng mga tao noong siya ay bata pa. Kung may mga adjustment na ginawa ang dalaga siguro ay kaunti lang dahil ngayon nakikita ni Aivan na alam na niya kung paano dapat kumilos ang isang mortal. Ngunit gayunpaman, alam ni Aivan na sa mga susunod pang araw ang dalawang tinuruan niya ay magiging bihasa na sa pagkilos at pagakto kagaya ng mga tao. Sa susunod ay hindi na mapapansin sa kanila na iba sila, bagkus ay mapapnsing tao na rin sila. Samantala, isang umaga nagkasabay sina Elysia at Aivan sa kusina. Hindi alam ni Aivan kung bakit umagang-umaga ay tila nakakita ito ng multo ng makita si Elysia. Kahit kasi tinuruan niya ang mga ito, iba pa rin ang presensiya ni Elysia animo’y lagi itong galit sa mga tao. Dumeretso si Elysia sa lalagyan ng mga kape, nagtimpla ito ng black coffee dahil isa ito sa mga pinaka nagustuhan niyang inumin sa mundo ng mga tao. Si Aivan naman ay titimpla ng gatas. Hindi alam ni Aivan kung dahil sa masungit na presensiya ni Elysia siya kinakabahan o sadyang clumsy lang siya. Bawat lagay kase nito ng gatas sa baso ay may natatapon, pagkatapos ay ang ingay pa niya sa pagtimpla kaya hindi niya alam kung natutuwa ba si Elysia sa kanya o hindi. Napansin naman ni Elysia na tila kabado ang lalaking nagtitimpla ng gatas. Nilingon niya ito ng walang ka emo-emosyon sa mukha at tinaaasan ng kilay, yumuko lamang ang lalaki at inabala ang sarili sa pagtimpla ng gatas. Matapos magtimpla ng kape ni Elysia ay umupo ito sa mga upuan sa kusina. Tahimik lamang ito na sumisimsim ng kape at tinitignan ang kilos ng kasama niya sa kusina. Natataranta si Aian dahil alam niyang may mga pares ng mata na sumusunod sa bawat galaw niya ngunit hinayaan niya lamang iyon dahil gutom na siya. Kumuha siya ng tinapay upang ilagay sa toaster, pero niya inilagay ay lumapit muna siya kay Elysia at inalok niya ito. Tumango naman si Elysia at maya-maya ay may lumapas na maliit na apoy sa daliri nito tama lamang upang ma toast niya ang mga tinapay. Sa gulat ni Aivan ay napaatras ito at nagpakurap-kurap kung tama ba ang nakita niya. Tinuro ni Aivan ang mga tinapay at lumingon sa toaster kung saan dapat niya ittoast ang mga iyon, nagtaas lamang ng kilay si Elysia at nagsalita, “sayang ang kuryente, isa sa mga natutunan ko ay huwag magsayang ng kuryente kaya ayan,” anito na tila ay wala lamang sa kanya ang ginawa. Nangamot na lamang ng ulo si Aivan at ngingiti-ngiti umiiling dahil natuwa siya sa dahilan ng dalaga. Hindi niya alam kung ganito talaga ang dalaga pero ang cute niya kaya siguro hindi mapigilan ni Aivan na mapangiti at mag blush. Sa kabilang banda naman, lumabas si Elliot at napansin ang dalawa. Lumingon siya kay Elysia na abala pa rin sa pagkain at pagsimsim g kape niya. Lumingon rin siya kay Aivan upang itanong kung ano ang nangyari, ngunit umiling lamang ito habang nakangiti at dali-daling naglakad papasok sa kanyang kwarto. Pagdating ni Aivan sa kanyang kwarto, inilapag niya ang gatas at tinapay sa may lamesa malapit sa kanyang kama, umupo ito sa dulo ng kama at mapapansing nakangiti pa rin siya. Hinawakan niya ang kanyang pisngi na tila nag-iinit kahit na malamig naman sa kwarto niya.Na confuse tuloy siya kung bakit siya ngumingiti at nag ba-blush, first time lang mangyari sa kanya yun. Iniiisp nito na baka may kapangyarihan na rin siya kagaya nila Elliot, para tuloy siyang baliw na binuksan ang kanyang palad at hinintay kung may lalabas na apoy roon. Ngunit wala namang nangyari, at ang huling naisip ni Aivan ay may maliit na pagkakagusto siguro siya kay Elysia. Nanumbalik tuloy muli ang ginawa ni Elysia kanina sa mga tinapay at ang napaka cute na dahilan nito. Napansin ulit ni Aivan ang kanyang pagngiti kaya napabalikwas ito ng tayo ay sinampal-sampal ng mahina ang kanyang pisngi para magising. Samantala, naiwan naman sa kusina sina Elliot at Elysia, at tinatanong pa rin ni Elliot kung ano ang nangyari kay Aivan. Dahil narindi na si Elysia kay Elliot at ayw niyang masira ang kanyang umaga sa paghigop ng mainit na kape ay sinagot na niya ito. “Sinubukan kong itoast ang tinapay gamit ang kapangyarihan ko, isa rin ay dahil gsuto kong makatipid sa kuryente,” anito ng walang ekspresyong pinapakita. Mapapakamot naman ng ulo si Elliot, “e bakit kapangyarihan mo ang ginamit mo, meron namang lutuan, delikado yang ginagawa mo mamaya e makasunog ka rito,” sagot ni Elliot. “Tinitignan ko kung kaya kong kontrolin ang kapangyarihan ko, kung kaya koba itong gamitin sa mahina at malakas na paraan. Bukod sa pag-aaral ng pamumuhay ng mortal, kailangan ko rin pag-aralan ang paggamit ko sa kapangyarihan ko,” seryosong pagpapaliwanag ni Elysia at humigop ng kape. Tumango lamang si Elliot sa naturan ni Elysia, “basta mag-iingat ka sa paggamit ng iyong kapangyarihan,” pagpapaalala ni Elliot. Tumango naman si Elysia at tumayo upang ilagay sa lababo ang piang-inuman niya ng kape at saka tinahak ang daan palabas ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD