Noraisa's Pov After kong maligo ay bigla akong pinatawag ni lord Gabriel. Mukang kagigising lang nito dahil nung iniwan ko ito sa silid nya ay mahimbing itong natutulog. Bago ako pumasok ng silid nito ay kumatok muna ako ng ilang beses. Pag pasok ko ay naabutan ko silang nag uusap ni Marky. "Pinatawag nyo daw po ako lord Gabriel." Nakangiting saad ko dito, "Oo iha, nakalimutan ko kasi na may special event ako na dapat puntahan, ang problema tinatamad akong umattend kaya kung pwede sana ay ikaw nalang ang umattend para sakin. Don't worry sasamahan ka ni Marky, birthday celebration lang naman yun. Iabot nyo lang itong regalo ko sa may birthday." Saad ni lord Gabriel at may inabot ito sakin na maliit na box, mukang alahas ang laman nito. "Sige po lord Gabriel, kami na po ang bahala ni

