Noraisa's Pov Bago mag maneho si Master Chandler ay may tinawagan muna ito sa teleponon nya. Todo kapait naman ako sa strap ng seat belt ko kahit na hindi pa ito nag sisimulang mag maneho. Abot langit na yung kabang na raramdaman ko ngayon. For sure ay makakatikim na naman ako ng sermon sa lalaking to. Wala naman akong ginawang mali diba? Sumunod lang ako sa pinag uutos ng lolo nya, wala akong intensyon na sirain ang date nila ni Miss.Kaelyn. "Sorry, nag karoon lang ng emergency sa Mansion. Pasesnya na talaga, hayaan mo at babawi ako next time." Saad nito sa kausap nya. Mukang si Ms. Kaelyn ang kausap nito, pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. After nitong makipag usap sa phone ay nag simula na itong mag maneho. Walang umiimik samin pero ramdam ko ang maya-maya

